Saturday, April 30, 2005

bangko

muntikan na akong di makauwi..hahaha takteng BPI yan...nag offline eh alam naman nilang sweldo ngayon. langhiyang mga bangko yan oo, harapang ginagamit ang pera ng mga taong nagtiwala sa bangko nila.syempre alam pa ng mga tao na sweldo syempre trip mag grocery...eh pano ka makakapag grocery wala ka namang pera. actually ganito talaga ang kuwento...

inutusan kami ni mel ng nanay ko na magpunta sa BPI tandang sora para mag withdraw at pagkatapos pupunta kaming pure gold para mamili ng ilang prutas at chichiria. umalis kami ng mga 5 sa bahay, kasabay namin si auntie gigi na lumabasa.(sa mga tag 1E1,tanda nyo yung auntie ko...yung madalas nasa bahay namin?)ayun so nag tricycle kami palabas papuntang luzon, at naglakad ng malayo papuntang tandang sora, alanganin kasi kung magjejeep kami. agdating sa BPI off line sila...thinking na baka sa branch lang na yun naisip naming dumiretso na lamang ng Ever. tamang tama sakto ang dalang pamasahe ng tiyahin ko para makapunta kami dun tatlo.pagdating sa ever offline din...saya naman...pero dont lose hope dahil meron din sa loob. pagdating sa loob...putsa offline din at sabi dun na lahat sa buong Pilipinas eh offline, pero sabi nila sa BPI subukan daw sa PNB...punta naman kami. mga 30 mins din kaming pumila...actually kakangawit din yun. sa pila kausap ko yung nasa likod ko nang biglang...dahil isa akong musa nageavesdrop naman ako. sabi na nagpunta na sila ng don antonio, isidora hills SM pati sa china bank eh wala din silang nakuha. anak ng lechugas. tama nga pagdating ng turn ko wala nang laman yung teller...hahaha wala ng laman.sakit ng tuhod ko dun ah.tas natawa na kaming tatlo kasi wala kaming pamasahe pauwi..haayy kay saklap. tas nagpunta kami sa A1 para makihiram ng phone tumawag ako sa bahay pero wala ding maitutulong ang nanay ko. hahah nag-isip pa ako ng mabuti naisip ko marami pang bangko sa tapat na kalsada ng ever, baka sakali...kahit man lang pamasahe. nakarating kami ng equitable bank, yes maikli ang pila at kahit papano eh may pera pa siguro yung teller. yes its my turn...at sabi nung teller..YOUR TRANSACTION IS INVALID...yan naman...pagkatpos ng mahabang pila di pwede..ASAR!!!tas tinanong nung guard kung anong nangyari at sinabi niyang subukan daw namin sa metro bank. dun kami sa don antonio nagpunta kasi kung dun sa may meralco mas malayo. pero napadaan kami sa HSBC at naisip ko baka pwede dun...kaso...di rin pwede...whaaaa pano kami uuwi.actually nakaisip na kami kung pano, magtataxi kami ni mel at sa bahay na lang kami magbabayad pero pano ang tiyahin na kapatid ng nanay ko na ninang ko..so...isip naman kami nang pwedeng gawin...nangutang tuloy kami dun sa security guard sa HSBC. limang piso lang naman...makauwi lang ang tiyahin ko. at yes binigyan naman, haayyy kahit pwedeng mag jeep pauwi eh nagtaxi kami ni mel. hahahah asar talagang mga bangko...bat pa kasi naimbento na kaya nga sila ginawa for emergency purposes pero mukhang tumalikod sila nung nangangailangan ka for their own selves...hahah bwiset.

pero moral of the story...laging magdala ng extra money kapag lalabas...ugali ko pa naman eksaktong pera pa man din ang dinadala
ko...yung tipong pagnawalan ako ng piso di talaga ako makakauwi.at tama laging magdala ng cell at laging may load...huwag akong gayahin di nagdadala ng cell at wala pang load.

\hayyy pati ata ako masisiraan ng ulo.

Friday, April 29, 2005

nga ba?

"sometimes the best way to show our love
to a person is by not loving them at all"


minsan may mga bagay na hindi mo alam kung TAMA O MALI. kailangang magawa mo muna siya bago mo malaman kung alin sa dalawa. may mga bagay na ginagawa mo PARA SA IKABUBUTI NG IBA.kahit na alam mong MASASAKTAN KA. alam mo nung sinabi mo na NAGUGULUHAN ka, na hindi mo na alam ang gagawin mo, sobrang NAG-ISIP AKO. natatandaan mo, sabi ko sayo, LAHAT GAGAWIN KO MAGING MASAYA KA LANG. LAHAT PARA GUMAAN ANG PASANIN MO. sa text mo sa akin, naramdaman ko yung hirap, yng bigat na HINDI KA MAKAPILI. walang ibang pumasok sa utak ko...kundi ang TULUNGAN KA. naisip ko tulyan na lang AKONG AALIS, DI NA MAGPAPAKITA, DI NA RIN MAGPAPARAMDAM.MASAKIT 'TO, lalo na na alam kong DI KO SIYA KAYANG GAWIN. kagabi, kahit masama ang pakiramdam ko, inisip ko yung problema.siguro GINUGULO NA KITA, siguro DI TAMANG MANATILI PA AKO SA MUNDO MO. hayaan mo para sa IKAKATAHIMIK NG BUHAY MO, ito sigurado na at di na lilingon pa...hayaan mo na AKONG UMALIS...BIBITAW NA AKO, at IPAGDARASAL na sana LUMIGAYA KA, DI MAN SA PILING KO, basta MASAYA KA. hayaan mo, PIPILITIN kong HUWAG KANG MAHALIN. hayaan mo TUTURUAN ko ang SARILI KO NA MAKALIMOT,kahit na ang ibig sabihin nito ay PATULOY akong MAGSISINUNGALING SA SARILI KO. sabi nila, pag may gusto ka, IPAGLABANG MO.pero alam mo...NATUTUNAN ko rin na kapag yung GUSTO MO NASASAKAL NA KAILANGAN mo na siyang PAKAWALAN. MASAKIT kasi WALA NA SIYA,pero mas magiging MASAKIT sa akin na makitang NASASAKTAN kita. hayaan mo sasabihin kong DI NA KITA MAHAL at WALA NA AKONG PAKI sayo para LUMAYO KA NA, at DI KA NA KAILANGANG MAMILI PA. MASAKIT MAGSINUNGALING SAYO, pero MAS MASAKIT na ALAM KONG NAGSISINUNGALING lang AKO SA SARILI KO. WALA NA AKONG MAHANAP NA PARAAN para MAPAKITA KO ANG TUNAY KONG NARARAMDAMAN. siguro hanggang PANAGINIP na lang kita...

"nandiyan ka lang, abot kamay ko lang...pero
parang ang layo mo pa rin"


siguro pang HABANG BUHAY na lang kitang PANGARAP. MASAYA NA AKO kahit MASAKIT, makita lang kitang MASAYA. PATAWARIN MO sana AKO kung pinangunahan ko ang buhay mo, at nagdesisyon na akong UMALIS, pero tulad nga ng sabi nila masasabi mo lang natin kung TAMA O MALI kapag nagawa na natin. kapag dumating yung panahong KAILANGANIN mo AKO, ISIGAW MO lang ang PANGALAN KO..WALA mang TUMAKBO, di man ako DUMATING...WALA mang MAKARINIG..TIYAK KO sa PUSO KO MARARAMDAMAN NIYANG may KAILANGAN KA, MAKAKAASA KANG IPAGDARASAL KITA PALAGI...ito lang ang KAYA KONG GAWIN...PANGAKO di na kita MAMAHALIN...

"if all else fail would you be there
to love me...when all else fail would
you be brave to see right throug me..."

mcdo o mcdonald's...PS na nga 8 pa

nakakatawang araw na ewan ko na hindi...labo no basta sobrang kakaibang araw na gusto ko siyang ishare...heheheh.

nagpunta ako ng monumento kanina at tama muntikan na akong makabunggo ng bus. sabi ko nga eh, magpapakamatay na lang ako eh
nandamay pa ako ng maraming taong walang kamalay malay. hahaha joke lang natawa talaga ako, buti na lang eh nauso ang brake sa sasakyan kung hindi...yes unang unang bunggo ko na at malay natin bigla kong maisip na ayoko ng magdrive.pagkatapos nun eh nagpunta ako sa ever sa commonwelth at may inutos ang nanay ko sa akin. nakakatawa kasi nung magbabayad ako sa bayad center para sa bill namin sa meralco nakakita ako ng nakakatwang eksena. actually may pagka eavesdropper ako kanina pero I cant help it rinig sa buong kuwarto ang boses ng ating dalawang tauhan.
teka iintroduce ko lang sila sa inyo...bata sila pareho sa tingin ko mga 5 o 6 yrs old ang edad. di ko alam ang pangalan nung isa kaya gawin na lang nating boy A at boy B. si boy A may suot suot na mickey mouse na cap, yung pinauso ng mcdo..yung may tenga, alam ko kasama nun yung kamay din ni mickey mouse. yung nanay ni boy A nasa unahan nung pila.si boy b naman eh bungi.take note BUNGI siya, tas yung nanay niya nasa likod ko sa pila...at eto na ang pinagusapan nung dalawang bata.
boy A:hahah bakit ka bungi?
boy B: ano...di ako bingi no...(medyo galit pa siya...oo nga naman hindi nga naman kasi siya bingi)
boy A: hindi sabi ko bakit ka bungi...
boy B: di naman ako bingi ah..
nanay ni boy B: anak, sabi niya bat ka raw walang ngipin sa harap? bat ka raw bungi...hindi bingi
boy B: hindi sabi niya bingi raw ako hindi bungi...bobo mo naman
(oo nga naman mommy usapang bata eh sumasabat ka)
boy A: san kayo pupunta ng mommy mo?
boy B: pupunta kaming jolibbee eh kayo...( yung pagkasabi yung tunog nang nangiinggit)
boy A: kami sa mcdo (aba sosyal ang bata sa mcdo) tas bibili yung mommy ko yung extra challenge tas pag nanalo kami sasakay
kami sasakay kami sa ano sa...(hindi niya mahanap kung san sila sasakay kawawa naman yung bata...pano kung sinakay
siya sa loob ng tiyan ng buwaya at kinain siya...kawawa naman mamatay na lang di niya pa alam)
singi na matandang babae: eh mayaman pala ang mommy mo, extra challenge ang bibilhin..(o manang corny ng hirit mo)
boy B: bobo...hindi yun mcdo mcdonalds yun (with conviction na parang alam na alam niya ang sinasabi), yung mcdo yun yung
gumagalaw, yung mcdonalds yun yung lugar...(aba' y nagkaroon ng pagkakataong tumigil ang oras at napaisip ako dahil sa
sinabi nung bata...naisip ko matalino kaya siya paglaki o may pagkatanga...hehehe joke lang)
boy A: hindi yung mcdonalds yung gumagalaw tas yung mcdo yung lugar...
boy B: hindi...bobo ka talaga mali ka...eh yung sumbrero mo pala galing sa mcdonalds...eh bakit may tenga
boy A: eh kasi ano kasi...( tas di na naman niya alam ang isasagot...)
nanay ni boy A: anak tanong mo yung name niya? (si mommy talaga forever singit sa usapan)
boy B: ako po si ESTEPHEN...(take note it is not stephen but ESTEPHEN)
boy A: mali dapat ang pangalan mo hello kitty kasi may tenga ka sa ulo...(ayyy bata bakla ka ba at bakit mo kilala si hello
kitty)
boy B: hindi mali ka...
tas kinuha ni boy A yung cap at naghabulan sila sa bayad center.haha ang ingay pero nakakaaliw sila at dahil bata pareho...
ayun napikon si ESTPHEN at nagsumbong sa nanay niya..at tama nagkasapakan pa ang dalawang bata...at least may exciting na nangyari sa mahabang oras nang paghihintay. at tama pinagalitan nung nanay ni boy A si boy B kawawa naman.

pagkatapos nun eh nagpunta ako sa tandang sora...nagbayad ako sa PS bank...ay syet...yung dalawang letra ay tumutungo sa iisang pangalan...whaaaa sabi ko nga eh...pag naasar ako papapalitan ko ang pangalan ng PS bank na yan...tas medyo nangingiti ngiti pa ako nung pumasok ako sa bangko nang iniabot nung guard yung numero ko sa pag bayad...oo na sige na...totoo di ako humingi ng sign..yun ngang PS bank na ang pangalan niya eh ok na sa akin masaklap...ang numero ko...hahaha 8...bakit naman 8 pwede naman...1,234,567...diba at kahit gano pa katagal ang pila hihintayin ko pero 8...8 pa talaga gusto ko tuloy hampasin si manong...hahah joke...pero pare natawa ako nung 8 yung binigay at oo nasa PS bank pa ako...hahaha

umuwi ako ng tawa ng tawa...hehehe...siguro yung mga nakasalubong sa akin na weirduhan...hahah pero eh...PAKE BA NILA SA MASAYA AKO EH...BAWAL NA BANG TUMAWA....

Thursday, April 28, 2005

destiny

hindi ko alam kung pano ko sisimulan ang isusulat ko. hindi ko alam kung kailangan ko pang sabihin sayo na umiiyak ako habang gumagalaw ang mga daliri ko sa keyboard at sinusubukang ilagay sa salita ang nararamdaman ko ngayon. masakit, ang sakit sakit. akala ko ok na ako, nagsisimula na ako ng bago kong buhay, isang buhay na nakadipende sa gusto ko at sa mararamdaman ko ang lahat ng desisyon na gagawin ko. isang buhay na hindi man ganon kasaya at kahit may kulang...ay napupunan ng mga kaibigan at pamilyang mahal ako at di ako iiwan. ang drama ko na...feeling ko ang drama ko...malamang naman siguro, umiiyak ako sa totoo lang. isang linggo na rin ang lumipas ng huli akong umiyak dahil sa kanya at ngayon na lang uli nung sinabi ko sa kanya ang huli at siguradong desisyon ko.

naisip ko na baka nga sinasayang ko ang panahon ko sa isang taong kahit siya ay inamin niya na rin na ayaw niyang magcommit.bakit pa, bakit pa ako maghihintay at aasa sa isang taong siya na rin ang nagsabing huwag na akong maghintay. bakit ko ba pinagpipilitan ang sarili ko sa kanya na kung iisipin matagal na niya akong iniwan...dalawang buwan na niya akong iniwan sa kawalan.siguro dahil nagbabakasakali pa ako na meron pa kahit unti. sige naman ako kahit masaktan na ako ng paulit ulit.kahit na lahat ng tao pinagtutulakan na ako sa iba siya pa rin at walang iba. siguro dahil mahal ko lang talaga siya, o baka kasi ayoko lang siyang mawala sa buhay ko.but in life we have to take risks..at ang irisk na wala siya sa buhay ko ang pinakamahirap.

isang linggo, nag-isip akong ng mataimtim...nagdasal sa Diyos na tulungan ako sa desisyong gagawin ko..ang tagal..ilang gabi na mabilis akong nakakatulog dahil na rin sa pagod sa kakaisip. isang gabi sinubukan kong huwag isipin ang problema ko. sinabi ko sa Diyos na siya na ang bahala...pagod na akong mag-isip ng gusto kong mangyari tas sa huli masasaktan lang din pala ako.hanggang sa nagising ako isang araw na napapangiti ako sa mga simpleng bagay. na hinahanap hanap ko ang ngiti ng kapatid kong makulit, na natatawa na ako sa mga hirit ni mel. na muli na kaming nagkakasundo ng nanay ko sa mga bagay bagay.sunod sunod na panaginip tungkol sa mga lalaking hindi ko naman kilala, at mga balitang maganda ang love life ng mga taong nagpapasigla ng bago kong mundo. oo, hindi man sumangayon ang pag-ibig sa buhay ko at least alam kong ang ibang tao ay masaya at inlove. pati tuloy ako kinikilig. nakikita ko na ang sarili kong kinikilig sa mga love story na dati rati'y sinusumpa ko. sinasabing ang pag-ibig eh isang malaking kalokohan lang.isang araw nakita ko na lang ang sarili kong nangingiti sa mga simpleng bagay na umiikot sa bago kong mundo.hindi man kasing saya ng dating mundo na naroon siya...alam kong magiging masaya rin ang bago kong mundo kung iisipin ko lang at ilalagay ko sa isip ko na gusto kong maging masaya..yung totoong masaya.

dumating na ako sa puntong kailangan ko ng magsalita sa huling pagkakataon sa isyu na kung ano ba ang dapat niyang piliin. nagkusa na ako...nagkusang umalis at ipagpatuloy ang bagong buhay na nasimulan ko na.gusto ko siyang kilalanin, unawain...at piliting tanggaping, nagbago na ang lahat sa amin. sabi ko kung itutuloy ko ang bago kong buhay nang hindi man lang nagpapaalam para ko na ring tinakasan ang problema, at masama yun kailangan mo itong harapin...at kanina nga eh hinarap ko na ang isang desisyong kailangan ko ng ibigay.sinabi kong ayoko ng manatili at masanay pa na nandiyan ka. alam ko sa sarili ko kung di ako lalayo at patuloy na nasa tabi mo paulit ulit ko lang mararamdaman ang pag-ibig na meron ako para sayo. kung masasanay ako na nandiyan ka kulang ang pagsisimula ko ng bagong buhay. patuloy lang akong mahuhulog at patuloy na iibig sayo. gusto kong manatili pero mukhang kailangan ko ng umalis. di para saktang ka o paiyakin ka o gawing madrama ang buhay natin..pero ito ang totoo, hindi ko kaya na nadiyan ka sabay ng pagkakaroon ko ng bagong buhay ko. patuloy lang akong lilingon at aasa. tama na...tama nang minsan minahal kita, tama nang minsan ay naging masaya ang isang parte ng buhay ko. ayoko nang ipagpilitan pa ang sarili ko sa isang taong ayaw na sa akin...alam mo yan. mahal kita kaya ko yun ginawa hindi dahil galit o asar na ako...pero tulad nga ng sabi nila minsan kahit mahal mo...dahil mahal mo pag-aaralan mo ring wag na siyang mahalin para sa ikabubuti ng lahat.

umalis ako nang nagpaalam...hayaan mo maliit lang ang mundo...kong itinakdang makikita kita sa isang kalyeng minsan ay sabay nating nilakad mangyayari at mangyayari yun...you believe in destiny right?masasabi ko lang...mahal ko, tayo ang gumagawa ng sarili nating tadhana...ang mga desisyon natin sa buhay ang siyang bumubuo ng tinatawag natin at pinaniniwalaang destiny...

Friday, April 22, 2005

ikaw ang lahat sa akin

kaw ang lahat sa akin,
kahit ika'y wala sa aking piling
isang magandang alaala
isang kahpon, lagi kong kasama
ikaw ang lahat sa akin
kahit ika'y di ko dapat ibigin
dapat ba kitang limutin
pano mapipigil ang isang damdamin
kung ang sinisigaw
ikaw ang lahat sa akin

at kung hindi ngayon
ang panahon, upang ikaw ay mahalin
bukas na walang hanggan
ako'y maghihintay parin

ikaw ang lahat sa akin
sa maykapal aking dinadalangin
dapat ba kitang limutin
pano mapipigil ang isang damdamin
kung ang sinisigaw
ikaw ang lahat sa akin

at kung hindi ngayon
ang panahon, upang ikaw ay mahalin
bukas na walang hanggan
ako'y maghihintay parin

pano mapipigil ang isang damdamin
kung ang sinisigaw
ikaw ang lahat sa akin

at kung hindi ngayon
ang panahon, upang ikaw ay mahalin
bukas na walang hanggan
hanggang matapos ang kailan pa man
bukas na walang hanggang
ako'y maghihintay parin

***pero may mga pagkakataong...hindi ka na rin dapat maghintay

salamat sayo

salamt sa lahat sheila...di mo alma kung gano mo ako natutulungan.di mo alam kung anong ibig sabihin na nandiyan ka para sa akin.oo may buhay na tayo na kanya kanya pero we try pur best to be the best of friends...di man naging sucessful yung atin dati being friends ang mas maganda.masaya ako na dumating ka..at huwag kang maniniwalang wala kang kuwenta kasi...im happy that i found and loved someone like you...i wnat you to be happy and im always here for you...i love you too

Tuesday, April 19, 2005

panaginip part2

nakatulog na naman ako ng mga bandang alas tres nang madaling araw, kung di ba naman talaga. humiga ako sa kama ng mga 12:30 pero ang tagal talaga. sa panahong nakatulog ako ay oo nanaginip na naman ako. pero mas trip kong ikwento yung pinakahuling panaginip na naasar pa ako kasi gusto ko pang manatili sa panaginip na yun kasi ginising ako ni mel.

nagsimula yun sa isang compound, di ko alam kung saan yun pero gets nasa iisang malaking lote pero maraming bahay sa loob na iba-iba ang nakatira. tas yung setting nasa kuwarto daw ako at nagsusuot ng medyas. pagkatapos sa di malamang kadahilanan,umakyat daw ako sa bubong. pagdating dun weird kasi may basketball court dun sa bubungan. ako lang yung babaeng nandun.tumabi ako sa kuya ko tas nag-usap kami, tas sabi ko "gusto kong maglaro". tas nilipat yung scene pinakita yung kapatid kong si mel at yung kaibigan nya na naglalaro ng basketball sa bubungan. tas malakas yung pagkakaitsa ni mel dun sa bola na pumunta siya sa labas nung compound. tas may tumawag sa aking lalaki...hmmm guwapo kaso ang malaking problema di ko siya kilala. pero dun sa panaginip para bang ang tagal tagal na naming nagkasama. tas sabi niya alis na raw kami at nandun na raw yung sundo namin.tas dun ko lang nagets hindi ako nakatira dun sa compound na yun. tas sa jeep (take note yung jeep na sinakyan ko eh yun yung school bus ako nung gs ako), nasa iisa kaming upuan dun sa jeep, (diba mahabang hilera yun) pero di kami yung talagang magkatabi.tas dun sa jeep mayroong lola na hindi ko kakilala at isang bata na mukhang kakilala nung lalaking cute. tas yung driver nung jeep eh yung driver namin nung nagbubus pa ako dun. nandun din yung kundoktor ng isa ko pang school bus nung gs ako. unti lang kaming laman nung bus tas pagdating dun sa super palengke (well eto yung palengke na malapit sa dati naming tinitirhan sa proj8)sabi ni mang boy, yung driver kung ok lang na unahin na si...tangina binaggit sa panaginip yung pangalan nung guy pero hindi ko matandaan...(sa mga ganitong pagkakataon na cute yung lalaki bakit nakalimutan ko...asar). tas sabi nung guy "oo ako na lang maunang ihatid sa bahay kasi sabi ni lola mahilig ka raw sa dagat." tas umoo naman ako. pagdating dun sa lugar na paghahatiran dun sa guy sabi nung lola..."sabi sayo iho mahilig sa dagat yang babaeng kasama mo". tas nunglumipat yung view pinakitang nasa isa kaming resort at dun nakatira yung lalaki. weird na yun pero haha nakita ko yung sarili kong nag-eenjoy. tas sabi nung guy sa akin "masaya ka ba?" tas tumango lang ako. tas after that nakakita ako ng bldg. well actually yung bldg nasa parang city part nung pinaghatiran dun sa lalaki. tas dun ilang segundo lang eh nagdeclare ang isang lalaking di ko kakilala ng state of calamity.at kailangan na raw lumikas gamit ang RORO.(hahaha ano yun pupunta kaming boracay para magRORO). tas bigla akong niyakap nung guy at sabi niya "huwag tayong sumama sa kanila,may ipapakita ako sayo"tas dinala niya ako sa isang hallway na punong puno ng classroom at may nakita akong kakilala. nakita ko si cheska licup na para bang busyng busy sa harap ng computer. tas nakita nya rin ako at sabi niya "anong ginagawa mo sa lugar na to?"hindi kon siya sinagot (oo nga ano nga bang ginagawa ko sa lugar na yun) tas tinanong nya "boyfriend mo?"(whaaaaaaattttt???) tas nakita ko na lang magkahold hands naman pala kasi kami. ano???paano???bakit???tas sabi ko.."cheska, si ano nga pala...(whaaaa sinabi ko yung pangalan niya pero di ko na talaga matandaan...naman).tas naghi yung guy tas sabi ni cheska "inlove si louie" tas sabi nung guy"halika ka na baka hindi na natin makita". tas umalis na kami. tas pumunta kami sa isang classroom, at may kinuha siya...binigyan nya ako ng regalo, binigyan nya ako ng pares ng hikaw, bilog yung hikaw at kulay green, at ang malabo pa eh nilagay nya yun sa isang napakalaking paperbag na kulay dilaw.tas sabi ko pasensya na wala akong regalo..sabi niya ok lang. tas biglang tumunog yung computer malapit sa amin. tas nakalagay na may nagcomment sa entry ko sa blog ko...tas sabi nung guy"ang dami palang may alam ng blog mo hanggang george town ah.."tas sabi ko "nakapublic display yung blog ko".tas umupo ako at bakit eh, umupo siya sa lap ko...tas pinatong niya yung kamay niya sa kamay ko...tas iniwasan kong hawakan yung kamay niya pero paunti unti naglock din yung mga kamay namin. di ko alam pero ngumiti yung lalaki nung nangyari yun. at tama para kaming magboyfriend dun sa scene na yun...ang ssssswwwweeeettttt...what can i say. tas bigla siyang umalis kasi bibili daw siya ng ticket para sa bus na sasakyan namin para makalikas kami. tas biglang dumating si cheska pagkaalis nung guy, tas sabi ni cheska..."dahil kay...(ano ba binanggit na naman yung pangalan niya pero di ko na naman narinig) naghanap na rin ako ng boryfriend."tas dumating na yung guy at sumakay na kami sa bus. at yun naman...mukha na naman kaming magboyfriend...( anak ng torta...sino ba kasi yung lalaking yun). dumaan kami sa sm sta. mesa. tas mga ilang kalye lang nakarating kami ng qc cirlce...at hanggang ngayon finifigure out ko pa kung pano kami napunta dun...pagdating sa circle may isang bus na nangbubunggo ng iba pang sasakyan sa kalye. tas muntikan na niyang masalpok yung bus na sinasakyan namin...takot na takot ako at siya rin naman yakap sa akin nung guy (mag boyfriend nga ba talaga kami sa panaginip ko...wala naman kasing binanggit)tas nakakita kami ng isang bus na natumba at siarang sira...at mga patay sa kalye..duguan lahat ng taong nakahandusay sa kalye...at sa sobrang takot ko hinawakan ko ng mahigpit yung kamay nung guy at ngumiti naman siya. ano ba...tas
hahaha bigla na akong nagising...

si mel kasi eh...yan tuloy di ko matandaan yung pangalan nung lalaki,,,, at ang masaklap di ko rin talaga kakilala yung guy na
yun...anak naman ng torta oo

Saturday, April 16, 2005

panaginip

alam mo bang naguluhan ako sa napanaginipan ko kagabi...actually tatlong panaginip yun na iba-iba kaso talagang naguluhan ako
pagkagising ko, nasabi ko na lang dun IMPOSIBLE, pero biglang napaisip ako BAKA MAY IBANG IBIG SABIHIN.
'
unang panaginip:
maikli lang naman siya nagsimula siya nang nakaharap ako sa monitor ng laptop ko kausap ko raw si cheska sa y!m, pinag-uusapan daw
namin si...hmmm si...papangalanan ko ba???o sige na nga si MJ(teka teka code name po yan...). tapos habang nag-uusap kami umiiyak ako pero ang masaklap dun sa panaginip ko walang nagsasalita...tipong silent movie. tas after nun natulog daw ako...ilang sandali gumising ako sa pagkakatulog at naisipan kong itext na lang kay MJ yung mga gusto kong sabihin. di ginawa ko naman, sabi ko sa text i'm sorry..di ko talagan sinasadya sana naman bumalik ka na...i miss you a lot. tas nakatulog na lang daw ako ng umiiyak. tas the
next day dun sa panaginip ko nakatanggap ako ng apat na mensahe yung una sabi "im sorry", yung sumunod "im always here dont
worry", yung pangatlo "ipagtatanggol naman kita kahit kanino magtiwala ka lang sa akin" at yung pang-apat ay grabe naiyak yung
louie dun sa panaginip sabi..."tulad kahapon walang magbabago mahal kita...bukas...mahal". tas nagising na ako.

at tama nagpagulong gulong ako sa kama di na naman ako makatulog peste

pangalawang panaginip:
nasa isa akong squatters area at di ko alam kung bakit ako nandun. nandun ang buong pamilya ko pero may mga kamag-anak ako dun
sa panaginip ko na hindi ko naman kilala. tas ayun...biglang may sumulpot na lang nagpaalam sa mga magulang ko kung pwedeng
tumira siya sa bahay namin sandali. ang nakakataw yung bahay namin yung tipong pang corinthians pero nasa squatters area, labo
no...tas nung pinakita kung sino yung nagpapaalam ay aba si pau pala. tas sabi sa akin nung katulong namin eh tulungan ko raw
yung bisita sa pag-aayos ng gamit. nung nandun na kami sa kuwarto hmmm may weird uli, di kami magkakilala pero hmmm "kami"dun
sa panaginip. malabo uli yun. acutuallly ganito siya dun ko lang nalaman yung pangalan niya parang nung nasa rm kami nagkakakilanlan kami tas yung actions namin parang "kami"...(hmmm kung nakita nyo na kaming magkasama basta ganon kami yun na yun). tas umalis kami nagpunta raw kami sa isang mall tapos naghold hands daw kami kaso nakatago kasi nandun daw yung pinasan ko...kaso baliw pa rin kasi nakita niya. tas nung pagbalik sa bahay namin kinausap ako ng pinsan ko at tinanong nga niya kung kami at oo naman ang sagot ko...weird uli. tas sabi ko huwag niyang sasabihin kahit kanino kasi papatayin ako ni lola, tas sabi niya...sa tingin mo ibubuko kita? tas after nun magkasama na naman kami ni pau...ayun magkahawak kami ng kamay tas nakita ng lola ko yun...tas nagising na ako...weird uli!!!!

pangatlong panaginip:
nagsimula siya sa isang van...ang weird dito ay...lahat ng kaibigan ko sa MC nandun...pero may isang nandun na medyo alangan...
driver nung van si shane...eh teka ust friend ko siya diba????tas pinag-uusapan namin na magbakasyon sa bora, pero we are on a
trip nung pinag-uusapan namin yung bakasyon na yun. tas ewan ko kung sa paanong kapangyarihan na nasa south expressway kami eh
we end up getting to MC tas pumunta kami dun sa may second flr caf. ahah weird nun eh punong puno ng upuan sa loob parang may
ceremony kasi nakaayos yung stage...di ko alam pero bigla na lang kaming nagtakbuhan pababa na para ba kaming hinahabol.pagbaba napunta kami sa isang stairs tas it leads sa mga classrooms. nagkahiwahiwalay kami ng mga kaibigan ko sabay nawala na rin si shane. tas pagkatapos nun tumakbo ako paakyat at napunta ako sa isang classroom na punong puno ng mga estudiyante na naka MC uniform. tas alam ko pink batch yun kasi may biglang umaway sa akin at narerecognize ko kung sino siya...tas nagkaroon ng pagtatalo tas biglang nagkasabunutan. may umawat alam mo ba kung sino...hmmm si pau inawat niya yung girl na umaway sa akin...tas sabi niya...nandito lang ako para ipagtanggol ka...at sinagot ko siya sabay sampal at sinabing...di ko kailangan ng tulong mo. tas tumakbo uli ako...tas weird pagdating sa last flr sa classrm namin yung stairs putol na pag nagkamali ka mahuhulog at mamamtay ka. tas kailangan mag give way ka di pwedeng sabay yung pababa at paakyat. tas palaging kapag paakyat ako o pababa ang kasalubong ko eh yung mga musa. tas may isang akyat ako na nakasabay ko si maui,ida at foz..tas sabi nila pababain mo muna kami bago ka umakyat...delikado kami dito. tas sabi ko ano ba kayo mas madaling bumababa kaysa
umakyat kaya paunahin nyo ako. tas umakyat na ako...tas unang bumababa si maui tas si ida...tas muntikang bumagsak si foz..pero kinuha ko yung kamay niya tas ibinababa ng maayos...tas after nun...nagising ako...weird no

ang weird...alam ko namang dalawang buwan na akong single pero...alam ko walang kinalaman...gusto ko lang sabihin.

natuto ako dahil sa inyo

namiss ko na talaga ang mga high school friends ko, sobrang miss ko na sila. nung lunes kasama ko ang dossais sa gateway.nanood kami ng sine (nanood kami ng hide and seek...if ever panoorin nyo siya
maganda magaling ang pagarte ng pangunahing tauhan...hehe galing ni dakota fanning), at kumain sa labas at tama nagpapicture kami. first time kong kumain sa isnag tipong fine dining restaurant. well kumain kami ng mga friends ko sa max. sarap pare! hahaha pero tama hindi namin naubos ang aming inorder...siguro nabusog na rin sa kakatawa...haha sobrang patawa talaga kaming lahat pati yung waiter na walang ibang inihirit sa amin kundi...o ayan mag jack en poy na lang kayo...kulit ano kayang trip nun (may crush siguro sa amin yun). tulad din ng hirit ko sa mga kaibigan ko, kaya na rin kami mahina kumain di tulad ng dati ay dahil na rin siguro sa puntong nagdadalaga na'nga kaming lahat, at tama may kanya kanyang pinagagandahan. di mo man aminin napaisip din naman sila sa sinabi ko. hello nung hs kami kanino naman kami magmamaganda? eh puro kami babae...hindi pa napapasok sa utak namin yung mag-ayos at maging maingat sa sarili. actually ako ngayon summer eh...lahat ata ng binibili ko eh puro kakikayan. nung natapos kumain nanood kami ng movie,hahha grabe to the max tama napasigaw laht ng tao sa sinehan. well nakakagulat talaga siya at tama matetest ang utak mo sa kakaintindi ng storya. pagkatapos nun eh nagpapic kami...hahaha ang cute nung pic namin nakakaaliw...ang kulit. tas after nun umupo sa isang tabi at nagusap usap lang. after nun niyakap ako ni sam at sabi niya "miss na raw niya ako..."pag-uwi ko...napaisip ako...alam mo bang may iba akong naramdaman nung narinig kong sinabi niya yun.

nung wed kasama ko naman ang mga musa. tumambay sa katipunan. oo nga wala na nga akong alam sa katipunan at mas lalo pa siguro
akong mawawalan ng idea sa itsura ng katipunan next year, kasi sa nakikita ko sa sarili ko i really want to make up with what happened to my grades last sem, hindi nagustuhan ng nanay ko kaya i promised to have high grades sa lahat ng taong darating. nakita ko sina angge,gela,iam,maui,face,ethel,zohreh,ching, at mama sarah...ay oo nga pala si nana na sobrang sandali lang nandon ewan ko ba bat siya ganon...hahaha.nagkita kita kami sa mcdo, at dun nakita ko si shari...whaaa miss ko na ang glee club.after nun lumipat kami ng kenny rogers para kumain. whahaha at sinong nakita namin si angelika jones. sa kenny inabot ata kami ng tatlong oras sa pagtambay. at masasabi ko lang salamat kay ethel...may pumukol sa sinabi mo sa akin...and well i learned something and maybe that's the reason why I'm very happy that day. after nun pumunta kaming admu at sinamahan namin sila face at maui..ay oo nga pala alam nyo bang nagkuhaan pa ng litrato sila ethel dun sa jolibee statue sa jbee sa katip, actually nagtinginan yung mga tao eh. hahaha habang naglalakad lakad, tama heart to heart talk kami ni ching. actually madalas kaming nagkakausap ni ching pero may mga bagay na mas maganda kung personal yung pag-uusapan. at tulad ng sabi ko kay ching sa tanong na kamusta na ako..."IM HAPPY, HAD ACCEPTED EVERYTHING, LEARNING TO LET GO OF THE PERSON AND EVENTUALLY TO LET GO OF THE FEELING AS WELL. IM CONTENTED AND STARTING TO FACE ANOTHE STAGE OF MY LIFE. I DONT SEE MYSELF CRYING EVERYNIGHT OR WHEN THE TOPIC IS BROUGHT UP. IM COPING AND HAVING A NEW LIFE...SIYA NA YUNG HULING BABAENG MAMAHALIN KO...PANGAKO YAN". pagkatapos sa admu, punta kaming icemonster para kumain, init kasi eh asar. at dun sa lugar na yun mas marami pa akong natutunan, dami kong narealize. tama minsan ang takot nasa isip lang yan kung mananatili kang matatakot walang mangyayari...mawawala lahat sayo.
minsan yung mga bagay na masakit yun yung totoo at minsan kailangan nating harapin. oo masarap mainlove pero kailangan din nating maalala na kapag umibig tayo kasama dun ang sakit...nagmamahal ka kaya ka nasasaktan.at oo masarap yung pakiramdam na espesyal ka para sa isang tao yung feeling na kahit magalit sayo ang buong mundo basta yung isang espesyal na tao na yun eh naniniwala sayo sapat na yun para harapin mo ang buong mundo ng walang takot.at tulad ng sabi ko kay iam, lahat ng tao may nakalaang tunay at wagas na pag-ibig para sa kanya, may nakatakdang tao para sa bawat isa...at kung naniniwala ka na meron nga kailangan gumawa ka rin ng paraan para mahanap yung nakatakdang taong yun.pagkatapos ng usapan yun punta kaming cantina at tama sabi ko nga nakita ko pa si cannu dun...hahaha natawa na lang ako.pag-uwi di ko mapigilang ngumiti at yung pakiramdam na masaya ako...oo marami akong natutunan maraming marami. at naisip kong simula na ng panibagong buhay para sa akin. ang buhay hindi ginawa ng pabalik...kaya mas magandang tahakin ng dahan dahan ang bukas at di na manatili sa kahapon.masaya na akong alam kong i still care about her and i love her...but i know time will come that i have to let go of what im feeling, to move on...and look forward. at tulad nga ng sabi nila what matters is the jouney not the destination.

at alam ko na kung bat ako naiyak nung sinabi ni sam na namiss niya ako...salamat face naunawaan ko na kung bat ako lumuha nung araw na yun...

nga pala nakita ko si jabs kahapon sa SM north...hahaha napagkamalan niya at ng nanay niya na anak ko si pauline...hahaha sabi ko nga eh...mukha ko nga sigurong anak ang kapatid ko.

Sunday, April 10, 2005

paalam

...nangako ako kagabi,hinding hindi na muli papatak ang luha ko para sa kanya, susubukan ko kahit masakit, susubukan kahit
mahirap...susubukan lahat para sa kanya.matagal ko ring pinag-isipan, matagal ko ring pinagnilanilayan...halos iiyak ko gabi
gabi at itawa tuwing araw. ilang beses kong sinubukang magpaalam..ilang pasakalye rin ang ginawa pero kagabi lang natupad. oo
ako na lang ang gumawa kaysa sa hintayin ko ang panahong ako na ang paalisin niya. masakit...mas masakit pa pala kaysa nung
iwan niya ako noon. mas masakit pa sa pinakaseryosong away namin noon. mas masakit pa kaysa nung nalaman kung ayaw na niya. mas
masakit pa lahat ng narinig ko kagabi kaysa nung sinabi niyang magkanya kanya na kami, mas masakit pa ang naramdaman ko kagabi
kaysa nung umiyak ako nung lumisan na siya.hindi ako naniniwalang kung ano ang tama ay yun ang magpapagaan ng buhay ng isang
tao...minsan ito pa ang nagiging dahilan para ikalumbay niya, ikalungkot niya.pero sabi nga rin nila...malalaman mo lang na
tama o mali ang ginawa mo pagdating ng takdang panahon.kagabi naisip kong mas magandang ngayon na kaysa naman pahabain ko pa ang
nararamdaman ko sa mga nangyayari...

...siguro naisip niya na may bago kaya ako nagkaganon...may iba na akong gusto kaya ba sumuko na ako...sa katanuyan alam ng
lahat na may isang lalaking matiyagang naghihintay..may isang lalaking handang unawain ang katayuan ko ngayon, handang ibigay
lahat para mapatunayang siya ang karapat dapat. ngunit alam din naman ng lahat na hindi siya ang dahilan ng disisyong ito.
hindi siya ang rason kung bakit...kahit kailan hindi siya...dahil kahit siya alam niya kung bakit nandito pa rin ako at
hinihintay ang taong yun..dahil mismong siya alam niya kung gano ko kamahal yung taong iniwan ko kagabi. dahil mismong siya,
kahit masakit tinanggap niyang mahirap palitan ang taong yun sa puso ko...lilinawin ko lang hindi siya ang dahilan at kahit
kailan hindi siya ang dahilan kung bakit ko yun ginawa...

...kung umalis man ako hindi dahil hindi na kita mahal, hindi dahil sa napagod na akong mahalin ka, hindi dahil sa pagmamahal...
mahal nga kita kaya ako umalis...kung hindi kita mahal hindi ako masasaktan ng ganon...kung hindi kita mahal siguro naging
makasarili ako at patuloy kong guguluhin ang buhay mo...mahal kita kaya ako umalis, ayoko kasing mahirapan ka pa pag umalis ka
na...umalis ako kasi ayokong maging hadlang sa mga plano mo...umalis ako kasi may iisang rason kasi mahal kita...kaya naisip
kong lumayo na lang...

...pagod na akong unawain lahat ng mga nangyayari sa mundo ko..palagi akong nangangarap na baka bukas babalik ka, na baka bukas
sasabihin mo ng bumalik na ako sayo, at magkasama natin ulit lakbayin ang buhay na ito...nangarap ako...patuloy na nangarap,
pero ikaw na rin ang gumising sa matagal ko nang pagkakatulog. pagod na akong unawaing ayaw mo akong mawala sayo pero ikaw rin
mismo ang nagtataboy sa akin...ano ba talagang gusto mo...mananatili ba ako o tuluyan na kitang iwan at wag nang magpakita pa
sayo.pagod na akong maging manhid at magsinungaling sa sarili ko...pagod na akong sabihin tuwing umaga na hindi na kita mahal,
na alam ko namang ikaw yung unang unang taong naisip ko pagkamulat ko pa lang ng mata ko...napagod ako sa kakasabing hindi na
kita mahal pero alam ko namang tumitibok ang puso ko para sayo..napagod akong paniwalain ang sarili kong hindi na kita mahal
kahit na alam kong kahit saan ako tumingin...ikaw at ikaw pa rin ang nakikita ko...napagod akong paniwalain ang sarili kong
hindi na kita mahal pero alam kong halos ipagdasal ko sa bawat pagring ng telepono ikaw ang nasa kabilang linya..pagod na akong
ipagdasal na sa bawat pagtunog ng cell ko ikaw na yun...napagod na akong sabihin...malay natin mamaya pagpikit ko ng mga mata
ko makakasama rin kita sa akin mga panaginip.napagod na ako sa paulit ulit na pagsisinungalin na alam ko namang bukas hindi ka
pa rin babalik...napagod ako...pagod na pagod...

...mabuti at maaga pa lang nalaman ko nang wala ka pa lang balak bumalik...tanga ko naman para maniwala tuwing may sasabihin ka
sa akin na gusto mong bumalik sa akin...kaya pala tuwing dumarating sa puntong humihingi ka ng pagkakataon ay siya rin namang
takas mo sa usapang yun...yun din ang isang rason kung bakit ako umalis...ayokong patuloy mo akong hayaang mahulog sa butas
tas sa huli malalaman ko wala pa lang sasalo...sana umpisa pa lang sinabi mo ng hindi mo ako sasaluhin...sana hindi mo hinintay
na ako na yung magkusa, at dun ko lang nalaman wala pala akong hinihintay...pinaasa mo ako alam mo ba yun...pinaasa mong
babalik ka...hindi pala...halos gumuho lahat nung sinabi mong huwag kitang hintayin...pero yung mga sinasabi mo noon ay iba sa
sinabi mo kagabi...gumuho lahat...gumuho lahat sa akin...ano ba yung naging honest ka para sa akin...kung talagang mahalaga
ako para sayo ano ba yung sabihin mo yung totoo...kaya nga masakit eh kasi totoo..at siguro lahat ng sinabi mo noon wala lang
yun para sayo...pero sa akin...umasa ako...at buti na lang bago ako tuluyang nahulog sa fairy tale na binuo ko narinig ko rin
mula sayo na wala pa lang prinsipeng naghihintay sa akin sa loob ng palasyo...

...manhid na ako...manhid na lahat...tulad ng sabi ko hindi na ako muling iiyak pero di ko mapigilan...manhid na lahat...wala
ng saysay para maging masaya...wala ng saysay ngumiti...wala ng saysay...kung mabubuhay man ako...mabubuhay ako sa pagtupad ng
mga pangarap ko...mabubuhay ako para sa iba...pero pagbalik sa sarili kong mundo...may isang babaeng manhid na lang sa lahat...
hindi na muling iiyak hindi na muling tatawa...sa sarili niyang mundo...mamahalin ka...sa sarili niyang mundo mamahalin ka...
mamahalin ka sa sarili niyang mundo..doon tahimik...di ka magugulo...hindi mo man maririnig...mas mabuti na yun...

Monday, April 04, 2005

bakasyon

hinatid ko si kuya kanina sa airport...nakakalungkot kasi isang buwan din siyang wala sa bahay. nakakamiss ang tahimik dito, pano kulang yung mga taong humihirit. sabi nga ng nanay ko kanina parang sinasanay na namin siya dun sa feel na paisa-isa kaming aalis dito sa bahay para mag-asawa. pero ang totoo niyan nakakabingi din ang katahimikan. naririnig ko ang bawat pagpatak ng tubig mula sa gripo sa CR namin na dati dati eh hindi ko naman naririnig.malungkot lalo na kapag kulang kaming tatlo kahit anong hirit kulang pa rin. pero tama ang nanay ko dapat masanay na rin kasi diba ganon talaga eh...tatahak at tatahak ka ng bagong landas. hahaha ang drama ko...

pero ok din naman kanina nung pabalik na kami sa bahay galing airport. napag-usapan ng tito ko at ng lola ko na pupunta kami
ng bicol.hahah napangiti ako dun!!!pupunta muna kami sa camarines sur...sa amin sa lagonoy...whahahah may makikita ako at tama
naalala pa yun ng lola ko.tas makikipiyesta lang kami dun...dalawang gabi kami dun...hahah aabot pa ako sa sayawan dun kasama ng mga kaibigan ko dun...matagal tagal na rin akong di nakakauwi. pagkatapos ng dalawang gabi dun eh pupunta naman kami sa albay...as in albay kung nasaan ang mayon volcano...astig. dun kami sa tabacco tas dadaan kami ng tiwi para lumusong sa hot springs...tas sa tobacco mag siswimming din..yahooo...ang saya...pahinga pahinga din yun...kung alam mo kung anong ibig kong
sabihin...kailangan ko ng pahinga.