Sunday, May 15, 2005



Your Icecream Flavour is...Neopolitan!
You aren't satisfied with just one flavor. They say variety is the spice of life and this shines through in your Ice cream of choice! Just don't eat all the chocolate and leave the strawberry and vanilla behind!
What is your Icecream Flavour?

Find out at Go Quiz

Thursday, May 12, 2005

meteor garden

grabe...naaliw ako kasi bumalik na naman sa ere ang meteor garden. naaalala ko pa na ilang araw lang bago ko nalamang babalik na uli ang MG eh tumawag pa si tania sa akin para lang tanunging kung nasa aking yung cds nung MG1. haha parang kailan lang nung tinatanong ako ni mel.."ate pano kaya kapag binalik nila yung meteor garden?". hahaha nakakatawa talaga, at oo nung nanonood ako maraming alaala ang bumabalik sa isipan ko noon.

summer rin yun, as usual wala na namang magawa sa bahay. habang nanonood ng tv nakakita ako ng trailer na talaga namang nakakatawag pansin. sabi ko tuloy panonoorin ko ito. ( sa totoo lang panonoorin ko siya out of curiosity..di ko naman kasi alam na may mga chinovela na nageexist noh!!) so may din yun...may 2003 ng sinimulang iere ang meteor garden. tanda ko pa, nagmamadali pa akong maglaba nun. (kami pa kasi ni kuya yung naglalaba nun eh...at tulad ngayon, wala kasi kaming katulong).ayun nagsimula na...halos pagalitan ako ng nanay ko dahil sobrang lakas ng tv. yung unang episode astig siya hahah nakakatawa.at tama syempre may crush na ako pagkatapos nun. Nagkagusto ako dun sa lalaking nagbubyulin, tahimik at parang weirdo. Yes, una kong napansin si lei.tas ayun nahook na nga ako sa palabas.one time nagkatawagan kami ni tania, at tinanong niya ako kung nanonood ako ng meteor garden...ay ayun na...pareho na kaming addict, yun nga lang mas gusto niya si dao.hahahha after ng maraming debate, tama nga si tania guwapo nga si dao. tanda ko pa napansin ko yn dun sa parlor scene nung sumasayaw sayaw siya.nga guwapo...at pagkatapos nun crush ko na si dao. hahah nakalimutan na si lei.pagkatapos nun ayun na nagkausap naman kami ni sam sa phone at laking tuwa ko nang malaman kong nanonood din siya ng MG. hahaha ang crush naman niya eh si...haha si Mei Zuo (tama ba?)..hahah oo guwapo nga siya...kahit ang nanay ko siya ang type.( pero guwapo si mei zuo dun sa MG2) ay oo dahil
sa akin naadict na rin ang nanay ko sa MG, dahil sa akin, at madalas siya pa ang tumatawag sa akin kapag nagsisimula na.so ayun
na ang simula ng panonood ko araw araw ng MG.

di ko alam kung anong nangyari sa amin pero ay oo, naubos ang internet card ko sa kahahanap ng pic nila...haha pati pag download ng mga kanta nila. tangina pati video nila eh lagi ko ng inaabangan. nagtetrade pa kami nila tania ng mga pic.nagmistulang F4 yahoo groups ang yahoogroups ng dossais sa dami ng pic na inaup load namin...hahahah. dumating kaya sa puntong memorize ko na ang mga kanta ng F4. may mga dinownload pa akong mga video nila. actually di pa naman ako addict sa F4, addict ako sa MG...heheheh isa pa di pa naman ako dumating sa puntong bumibili ako ng poster nila, bumili ng CD na alam ko namang di ko maiintindihan...o di kaya naman maisipang makisiksik sa maraming tao nung concert nila. pero actually, binalak naming pumunta kaso naisip naming di worth it ang ganon kamahal na ticket na di naman silang lahat eh nandun...sayang lang.hmmm pero may binili kami nila cheska, tania, at sam...bumili kami ng series ng MG1 at 2. hahaha ay oo nga pala mas crush ko na si Ken nung mga panahon na malapit ng magpasukan, at bakit..ang guwapo kasi niya dun sa video ng I cant help..falling in love with you...(sam natatandaan mo na hinihinto pa natin dun sa part ng guwapo siya.) o my godddd i missed that video already.

first day of classes, at wala akong ibang naririnig kundi, "Nanonood ka ba ng meteor garden?"hahah lahat na ng tao na hook na,
at alam kong di ko na yun kasalanan. haha sa sobrang praning ko nung araw na yun...at sa sobrang tuwa na rin eh may ginawa akong
kalokohan...nung time na pinapunta ang first yr at fourth yr sa Sports com...hahah may assembly kami. habang naghihintay...
tinugtog yung oh baby baby...syet nakalimutan ko na rin ata yung title. eh gago ako...pumunta ako sa mic kasi ayaw maniwla ni ida na memorize ko talaga yung kanta. at oo kinanta ko yung kanta...habang tinutugtog sa court...hahaha natawa si sam nun, at nasigawan pa akong nababaliw. ahaha sarap talagang maging 4th yr..hehehe masyadong makapal at pasikat kasi eh.naalala ko pa nung napagalitan kami ni mrs. roman ni bhelly dahil nagwawala kaming dalawa habang kumakanta ng meteor rain, at take note...ginagaya pa namin yung video..anak ng tokwa...alam mo bang nakita ni pau yun...hahaha kahiya hiya.

haaaayyyy MG nga naman ang daming nagawa sa buhay ko. nandun yung asar na asar ako kapag late uuwi dahil sa glee dahil di ko maabutan yung meteor garden, yung napagalitan ako ng tatay ko dahil naaddict na raw ako...hahaha pero...aminin mo...guwapo sila at magaling ang pagkakaintroduce ng ABS...nakakakuha talaga ng atensyon.dahil na rin sa MG, marami akong nagustuhang iba pang chinovela tulad ng dolphin bay, stained glass, memories of bali, 100% senyorita, MVP valentine,lovers in paris, love in the city, lavander...hahha at marami din akong naging crush...si taizi ng 5566, si wallace huo (tama ba?)si Lee dong gun( tama ba?)yung gumanap na paulo sa memories of bali...hahaha. mahilig na nga ako sa anime, pati sa mga chinovela...hahah pero narealizeko galing talaga ng mga asyano...nakikita kong di talaga nagpapahuli sa pagpapauso ng mga bagay bagay.

haaayyyy oh baby baby oh baby baby...here we are ts not a perfect world...i cant help falling inlove with you...GUWAPO PA RIN SI KEN ZHU.....

****DUMATING NA SI KUYA!!!!NAMISS KO KUYA KO!!!!HAHAHA KASO AALIS NA NAMAN SIYA PAPUNTANG DAVAO..WHAAAAA MISS KO NA SI KUYA!!!

Tuesday, May 10, 2005

tennis + bali = lagnat at malamig na pawis

i started playing tennis again. kaninang umaga i played for two hours and 30mins. di po ako on a diet, gusto ko lang magamot yung
palaging pananakit ng tuhod ko at yung pag-umaakyat ako ng stairs eh madalas hinihingal na ako. isa pa simula nung nag jojogging ako eh mabilis na akong nakakatulog at nababawasan na ang paglagas ng buhok ko kaya tinuloy tuloy ko na. masaya kanina malakas na naman ang mga palo ko kaya ok na, kahit limang taon din ang lumipas nang hindi ko paglalaro eh hindi pa rin naman nangangalawang ang mga kamay ko sa paglalaro.yes i was expecting muscle pain after playing, kaw ba naman maglaro for two hours tas matagal mo na siyang di ginagawa diba?

after kong maglaro inutusan ako ng nanay kong mag-asikaso ng mga transactions sa bangko at mamalengke. sobrang init sa labas,pero oo mas ok sa labas kaysa sa loob ng bahay. pagkauwi ko humiga ako sa kama ayun na nagsimula nang sumakit ang ulo ko sa di malamang dahilan.nung hapon na sumakit na lang yung ulo ko ng todo todo, tas panga ko masakit pati likod ko. as in sobrang sakit na naiyak talaga ako sa sakit.naisip ng nanay kong pumunta na sa ospital pero ayokong pumunta kaya tiniis ko na lang yung sakit.inutusan ni nanay si mel na bumili ng alaxan na parang bengay para ipahid sa likod ko. ayun nga minasahe ni mel ang likod ko...masakit nga siya pero di siya naninigas so malamang masakit siya hindi dahil na stretch nung nagtennis ako kundi sa iba pang dahilan. nakatulog na lang ako sa sobrang sakit ng ulo ko. pagkagising ko, di na masyadong masakit ang likod ko pero pag tumatagilid ako sa kama nahihirapan na akong huminga na mas nagtitrigger para sumakit lalo ang ulo ko. at kapag walang hangin mas lalong masakit. ang masaklap pa..ayun nilalaganat na ako.well hanggang ngayon may lagnat pa ako.bumaba ako para uminom ng biogesic pero pikain muna nila ako at masama ang umiinom ng gamot ng walang kinain.after nun ayun na pinagpawisan na ako ng sobran, actually ngayon malamig na pawis ang lumalabas sa katawan ko. at ayun nga ang resulta sabi ng lola ko may nastretch o nagalaw na ugat sa katawan ko kaya ganon. akala na ng nanay ko may bali na.

ngayon bawal ako magbasa kasi baka daw may bali ako at hindi lang ugat ang napatid sa akin. at oo may sakit pa rin at patuloy pa rin ang pagpatak ng malamig na pawis sa katawan ko.

pero galing talaga ni God, ngayon na nya ako binigyan ng sakit...bago kami magbakasyon, para at least maenjoy ko naman.Galing talaga Niya!

**** salamat nga pala kay mel...nabawasan yung sakit

Sunday, May 08, 2005

escapade

meron na nanamang nangyari sa akin habang nagdadrive. muntikan na naman akong makabundol ng sasakyan at oo first time kong makaramdam ng kaba sa pagmamaneho.sa lagro ako nagdrive kanina, papunta akong sm fairview kasama ng tiyuhin ko. habang nagmamaneho may kasabay ako sasakyan na nag-aaral magdrive...eh mabilis ang patakbo ko nun kasi highway yun eh akala ko nakalagpas na ako sa kanya. nasa right side ko siya eh biglang may sumingit na FX sa left ko, napakabig tuloy ako sa may right. anak ng tepwe muntikan na yung sasakyan na yun siguro kinabahan yung estudiyante sa nangyari sa kanya.sumunod naman...ayun mabilis uli ang patakbo ko...tangina high way naman po kasi iyun, kapag mabagal ka dun eh bubusinahan ka ng sangkatutak na bus at sasakyan. kung alam mo yung kahabaan ng lagro kung saan madalas may nagdadrag racing mauunawaan mo na unti lang ang mga sasakyan dun kaya mabilis talaga ang patakbo mo.eh may FX sa harap ko...ayun kamuntikan na kung di lang talaga nauso ang brake eh sapul na sana siya.pero di ko sinasadya yun...minsa kasi tong mag FX at jeep delikado talaga..minsan di mo alam biglang titigil o sisingit na lang bigla sa lane mo. kaya sa mga taong gustong matutong magmaneho...nakupo iyan ang dapat na malaman nyo, mahirap mag drive dito sa Pilipinas. tas ang nagpakaba sa akin...bigla ba namang may sumabay sa aming kotse ng pulis at oo magkatabi kami pagdating sa stoplight.tas sumenyas ba naman.akala kung ano,takte kinabahan ako dun noh. yun pala kaya naman pala sumenyas nangungulit lang. sabi ng tito ko babaeng driver kasi tas medyo mabilis magmaneho. hahaha medyo naasar na tuloy ako...minamaliit nyo masyado ang mga babaeng driver kesyo babae at maingat eh ganon na lang tratuhin, kala mo naman ang kaskasero eh maganda tignan. hahaha dami talagang escapade lalo na kapag may lisensya ka tas nagmamaneho.at ang totoo marami ka pang natututunan along the way habang tumatagal ka sa pagdadrive.

excited na ako...ilang araw na lang darating na si kuya...ilang araw na lang din makakauwi na ako sa probinsiya. yes...ipagmamaneho nila ako sa highway...yessssss magdadrive ako sa kahabaan ng san rafael at san jose....yeboi!!!!!

Saturday, May 07, 2005

mayo uno

nangyari ang lahat sa unang araw ng buwan na ito.haaayyy may 1, ano bang meron sayo at nangyari ang lahat nang ito.

nagpunta kami sa antipolo, actually wala akong ganang pumunta ng antipolo kasi ayokong dumaan dun sa kalye na papunta dun, sorry pero oo di pa ako over at baka maiyak lang ako at magtaka pa ang mga pinsan ko. well actually, ang dahilan din kung bakit ako napapunta dahil matagal na akong di nakakapunta sa bahay ng pinsan ko, at matagal tagal ko na ring di nakikita ang lugar, at sabi nga ng mga kaibigan ko...you need a new place to unwind. kasama ko lahat ng pinsan ko na nasa dulo na ng pila, nasa antipolo kasi yung mga pinsan ko na nasa unahan. so ayun suwerte...sa ibang daan kami dumaan kaya hindi ko rin nakita yung mga lugar na ayoko pang makita.pagdating dun syempre saya, nakita ko na yung mga pamangkin, at mga pinsan ko na matagal tagal ko na ring di nakikita.kumain kami...pare sarap ng pagkain nasira tuloy ang diet ko.hahaha pero ok lang ayos lang di naman masama.

pagkatapos nun nagpunta kami sa bahay nang isa ko pang pinsan. actually yung pinsan ko eh ilang taon nang kasal.pagdating dun eh nagkekwentuhan lang tungkol dun sa sasakyan na ibibili ng lola ko sa akin, biglang naisip ng nanay ko na magpalinis na ng ngipin. ayun tinignan ng pinsan kong dentista ang ngipin ko at abay pinagalitan ako. bat di ko na araw sinusuot ang retainers ko, eh tagal na kasing naputol nun eh. tas sinabi kong may nabasag akong ngipin...at nung tinignan nya, eh kailangan na nating bunutin yan. whaaaatttttt alam naman niyang takot ako sa pagpapabunot...at hindi ako handa. pero sabi niya mas ok na mabunot siya para umusog yung mga ngipin at mapantay na siya. sabi ko pano kung hindi, sabi niya eh di braces na natin..anak naman. tas ayun nabunutan nga ako ng ngipin, at dear dumudugo pa rin ang gums ko. mas masakit pala na bunutan ka ng ngipin na hindi naman talaga umuuga. masakit siya pare, dalawang beses pa nga akong tinurukan ng anesthesia dahil biglang nawala yung epekto. at whola nawalan ako ng isang ngipin sa simula ng buwan.

mga ilang oras lang eh may biglang isang malaking balita...NAWAWALA ANG PINSAN KO!!!!abay di pwedeng mawala yun, hindi dahil unica hija siya, at siya pinakapaborito ng ninong ko na tiyuhin ko, kundi nasa military ang tatay niya at pwede niya kaming pagbabalirin. hahah si mel na dapat magpapapasta eh naudlot dahil lahal kami ay nag-aalala sa kung ano na ang nangyari sa kanya.naghanap na kami, yung mga pinsan ko ngang iba nakaabot na hanggang marikina, sa paghahanap lang sa kanya.(huwag kayong mag-alala kasi yung bahay ng tiyuhin ko eh nasa boundary ng antipolo at marikina...pero nasa vicinity sila ng antipolo). tas pag-uwi ko nautusan kami ng nanay ko na hanapin siya. magkasama kami ni mel, inisip namin kung san siya pwede naroon, tas sabi ni mel "huwag tayong mag-isip ng masama, isipin natin na kasama lang siya ng ibang bata at naglalaro."yun ang ginawa namin...di kami sa highway naghanap tulad ng mga pinsan ko kasi kung iisipin malabong mapunta siya dun. at dahil nag-aalala na rin ako minabuti naming maghanap sa mga eskenita. wala ang tagal na naming naghahanap. tas sa huling round namin ni mel, sabi niya
maghanap daw kami ng mga grupo nang mga batang naglalaro baka dun namin mahanap. at sa sobrang kaba sabi ko mel ikaw na lang mamili ng dadaanan. so pag dumarating kami sa isang fork siya ang pinapapili ko. dun sa huling liko may nakita kaming grupo ng maraming bata, yun ang tinumbok namin. tas nagpray ako...LORD BIGYAN NYO AKO NG MAGANDANG SIGN NA MAGSASABING DITO KO MAKIKITA ANG PINSAN KO.di ko alam pero sa tagal ng lakbay ko at dami nang taong nakasalubong...di ko pa nakikita ang numerong 8 sa kahit saan...o siguro di ko lang siya napapansin...pero nung mga oras na nagdasal ako para sa pinsan ko, una una kong napansing numero ng bahay...abay 38...sakto si Lord napangiti niya ako...at paglingon ko...ayun nakita ko na rin yung pinsan ko, kasama ng isang matandang babae. at para sa kanya maraming salamat sa kabutihang loob. alam nyo bang pinakain at pinatulog pa niya yung pinsan ko bago niya hinanap ang mga magulang...at para sa amin dakila
ka...marami pong salamat, alam kong
gagantimpalaan kayo ng Diyos sa inyong kabutihan.

haaaayyy daming nangyari...at simula pa lang yan ng buwan na ito...pano pa kaya sa susunod...

****tagal na dapat nitong post na ito eh...laging nauudlot!!!

Thursday, May 05, 2005

berkeley square

inaantok na ako...nga pala salamat sa Berkeley Square nabusog ako...hahah nakawaldas ako ng dalawang daang piso ngayong araw na
ito.

yes guys, lumayas na naman po ako kanina kasama ko ang mga MUSA kanina. magkakasama kami dahil malapit nang umalis si ethel.whaaaa mamimiss ko na naman yung loka lokang yun) ang usapan 11:30 sa yellow cab, anak ng praning 12:10 na nga ako dumating eh ako pa ang nauna...dumating si ching kasama si jabs(whaaaa namiss ko si jabs...kulit nya kanina) nang mga 1.eto pang si jabs sakit sa ulo, umalis at gumimik walang dalang pera...pero mind you...nakakain at nakauwi pa siya sa lagay na yun. tas dumating na rin si iam. ilang sandali na lang eh dumating na rin sina ethel at zohreh. ayun sa totoo lang ayaw naming kumain sa yellow cab kasi mahal kaya naisip naming kumain sa wendy's, pero dahil may delikadesa kami at di pa naman ganon kakapal ang mukha namin, napilitan tuloy kaming bumili ng pizza. after nun diretso kaming wendy's, anak naman ng timawa...walang upuan so napagpasayahan naming sa kitaro na lang kumain. kaso gusto talaga naming magwendy's, kaya nagdesisyon si ching na dun na lang sa kitaro siya oorder ng pagkain.so nagtake out kami sa wendy's at sa kitaro kumain. o mabait naman kami di lang naman si ching ang umorder sa kitaro pati si ethel.after sometime dumating na si ange. hahah ang saya sobrang picture nang picture, tas kain tas tawa. anak grabe sobrang kulit ni jabs. benta ang lahat ng joke niya sa akin. tas after nun nagikot ikot kami sa third floor at tumingin ng mga abubot para sa buhok.tas mga 4 nagpunta na kami sa chowking, sila ethel at zohreh pumuntang katipunan.(si ethel nakahalik sa akin...kung di lang siya aalis)kami na lang ni ching, iam, at jabs ang naghintay at dumating na si nana, marien,face, at yes ang kaibigang tagal ko nang hindi nakikita...si je(sa UP bagiuo kasi siya nag-aaral). ayun kuwentuhan, picture at kain na naman kami.hahaha ang saya kanina...daming jokes ni jabs at daming kuwento ng mga tao. hahah namiss ko talaga sila.hmmm every vacation naman eh madalas kaming nagkikita kita...pero tulad nga ng sabi ni ethel...iba pa rin yung mga araw na naka green uniform pa kami at pumapasok kami sa iisang classroom. magkasama ng halos 10 hrs minsan higit pa. yung tipong lahat alam mo sa kahit sinong lingunin mo. kanina nung nagkekwentuhan kami, naramdaman kong may kanya kanya na nga kaming mundo. sobrang dami kong hindi alam. o baka di lang talaga ako updated sa mga buhay ng mga tao.tas nung kami na lang nila iam, jabs, at ching at natira umupo kami sa may stairs sa third flr at oo, nagbalik tanaw kami sa mga pangyayari noong high school pa kami. haha mula sa pagdisect, sa mga taong may mga phobia, sa mga dating may ka-on, sino sinong blue batch ang nasa school nino. sinong yung mga teacher na hindi mo talaga makakalimutan, sinong yung classmate mo na pasaway, yung classmate mo na dakilang volunteer...(tessa miss na kita!!!)...yung mga taong kinaasaran mo, at yung mga taong binully mo. hahaha sobrang kakatawa talaga nung mga kuwento kanina. naalala ko talaga nung panahong suot ko pa ang dati kong uniform.

but some things really do change. may kanya kanya kaming kolehiyo...at kahit magkakasama pa sa iisang unibersidad...may kanya kanya pa ring mundo sa kursong kinuha ng bawat isa. miss ko na talaga lahat ng taong bumubuo ng high school life ko. minsan kapag gusto kong kumawala sa mundo ko naiisip ko sila...naiisip ko lahat ng alaala at minsan biglang may sasampal sa akin at sasabihing..di bat nangako ka sa kanila...kaya bumalik ka sa mundo mo ngayon at patunayan lahat ng pangako mo.mahal ko sila...at oo hindi ko alam kung ano ang buhay kung hindi ko nakilala yung mga taong bumuo ng hs life ko...kahit pa yung taong kinaasaran ko noon.

oo nga pala...wish us luck..."on the spot" will have their performance (pagkatapos ng isang taong di pagkakanta nang magkakasama)sa debut ni ching. hahah we're gonna sing "tell me where it hurts", "especially for you", and "rainbow".hahaha kinakabahan na ako...at oo nga pala mag ka K-hon ako sa performance at meron lang akong 2 weeks to practice..alam ko lang rainbow.hahaha sunod na performance ng banda ay sa aug pa.ang saya naman...sige sige...namumugto na ang aking mga mata.