natapos na rin ang isang linggo ng pasukan, heheh ilan na lang kaya?maraming nangyari sa linggong ito. nakakaliw at hmmm medyo nakalulungkot din, pero isa lamang ang alam ko,mananatiling alaala ang lahat ng iyun.
dumating ako sa school ng late...takte naman kasi ang tagal kong nakasakay tapos ang trafficpa. minsan naiisip ko mahirap nga talagang mag-aral sa maynila.pero kung iisipin bad trip naman kasi eh 7 pa ang pasok ko, pero naisip ko uli, ok na rin na maaga ang simula para sa ganon eh maaga rin naman kaming matatapos.nagtuturo na si prof de leon nung dumating ako.pero ok lang naman mukhang introduksyon pa lamang tungkol sa retorika ang sinasabi niya. at
tulad ng pangako ko sa maraming tao pati na sa aking sarili, magsasalita na ako sa klase.nakailang puntos na rin nama ako, at oo sa wakas alam na rin ng guro ko ang aking pangalan.sa ikatlong pagkakataon na pagtataas ng kamay eh natawag na niya ako sa aking pangalan.
sa psikolohiya naman eh, tulad ng dati tawa na naman kami ng tawa sa mga hirit ni ma'am jill.sa lahat ng aking guro siya pa lamang ang makakakitaan ng pagiging kenkoy sa klase.at merong nangyari kanina, at ito ay naganap noon patapos na ang klase at ito ang naging usapan:
ma'am jill:any question...
(tahimik lang yung klase)
ma'am jill: anything you would like to tell me?
(tahimik ang klase sabay...)
shane: (pabulong pa ah...) ma'am Im gay
ay oo shane...sabi ko nga eh...natawa tuloy si ma'am jill at ang buong klase.
sa aming klase sa kasaysayan (di ko maalala ang tamang salita sa major eh), wala na naman kaming guro.kasayahan nagkwentuhan na lamang ang buong klase. nag-usap tungkol sa mga oo,bakla. naisip mo yun...pinag-usapan namin kung pao sila dapat tinatrato at ano nga ba talaga sila.tas tungkol sa mga bagay na mali...na sa paningin ng iba ay tama. aba'y nagiging kritiko na ang klase namin. pero dahil sa nangyaring iyun eh...sa tingin ko naman ay magkakasundo na rin naman ang buong klase. ito ang isa sa mga usapang naganap.
christian:kapag ang lalaki sinabihan ka ng " ang guwapo mo ngayon ah" huwag kang kabahan..pero iba na yun kapag ang sinabi niya " sa tingin ko mahal na kita" ayun walang duda bading yun.
sa sumunod na klase eh pumunta na ako sa pagpupulong ng mga nagboluntaryo para sa paglilibotng mga " freshman" sa campus. pero ang totoo di naman talaga ako nagboluntaryo eh..nawalan lang talaga ako ng pagpipilian. hahaha (si camille ang may kasalanan). syempre masaya kasi nagkasama sama na naman kaming mga "staffers" at may iba pa. kasama namin si au.(go au baka sign yan na magiging " staffer" ka na rin) takte..kawawang toffer "hot seat" kanina kila
froilan at addie. binugbog ng pang-aasar, wawa naman. hahaha dun pa lang ako uli nakatawa ng grabe...oo masaya talaga sa SC...kahiot matrabaho eh masarap kasama yung mga nandun.
di na kami pumunta sa "music class" namin. kaso may pagpupulong pa kami sa history society ng ala una at alas dose pa lamang nagpunta ako sa silid aklatan para ibalik na yung mga librong hiniram ko.habang naglalakad sa may UST hospital, may nakasalubong akong dalawang taga " engineering". dalawa silang babae at bigla na lamang hinimatay yung isa. at sa hindi ko alam na kadahilanan bigla na lamang nangisay yung babae. natakot ako sobra...hindi ko alam
ang gagawin ko buti na lamang may dalawang lalaking sumaklolo, kaso di nila kayang buhatin yung babae kaya tinawag k yung "secuirty guard" hanggang sa nabuhat na nila. nakakaawa yung babae sa totoo lang. takbo kaming lahat sa health service at ako na yung nagbukas ng pinto para mas madali silang makapasok. saka pa lamang ako tumuloy sa silid aklatan. pero ang totoo nyan hindi talaga nawala sa isip ko yung nanagyari dun sa babae.
pagkatapos nun sabay sabay na nagtanghalian ang dating 1E1. masaya at oo hinahanap hanap ko talaga sila.Yehey sa huwebes magkakasama na naman kami. at bawal ang wala. at nandun din si fernan. tama si jenny dapat may isang beses sa isang linggo na magkakasama kami.
ang dmaing nangyari nun pero may sasabihin ako at sana matuwa kayo...
MAY CRUSH AKO....basta kung sino siya...hmmmm ahhhh basta siya...kaklase ko...hahaha malas dahil meorn akong 10 klase at halos 50 kaklase...hulaan nyo kung sino...hahah basta siya ang masasabi ko lang ay...
Pagmasdan ang ulan,
Unti-unting pumapatak sa mga halama't mga bulaklak
Pagmasdan ang dilim,
Unti-unting bumabalot sa buong paligid t'wing umuulan
Kasabay ng ulan bumubuhos ang 'yong ganda,
Kasabay rin ng hanging kumakanta
Maari bang huwag ka na
Sa piling ko'y lumisan pa hanggang ang hangi't ula'y tumila na
Buhos na ulan, aking mundo'y lunuring tuluyan
Tulad ng pag-agos mo,
'Di mapipigil ang puso kong nagliliyab
Pag-ibig ko'y umaapaw,
Damdamin ko'y humihiyaw sa tuwa
Tuwing umuulan at kapiling ka
Pagmasdan ang ulan,
Unti-unting tumitila
Ikaw ri'y magpapaalam na
Maari bang minsan pa, mahagkan ka't maiduyan pa
Sakbibi ka't ulan lamang ang saksi
Minsan pa ulan bumuhos ka't h'wag nang tumigil pa
Hatid mo ma'y bagyo, dalangin ito ng puso kong sumasamo
Pag-ibig ko'y umaapaw,
Damdamin ko'y humihiyaw sa tuwa
Tuwing umuulan at kapiling ka
(Oooohhh)
Maari bang minsan pa, mahagkan ka't maiduyan pa
Sakbibi ka't ulan lamang ang saksi
Buhos na ulan, aking mundo'y lunuring tuluyan
Tulad ng pag-agos mo,
'Di mapipigil ang puso kong nagliliyab
Pag-ibig ko'y umaapaw,
Damdamin ko'y humihiyaw sa tuwa
Tuwing umuulan at kapiling ka
Minsan pa ulan bumuhos ka't h'wag nang tumigil pa
Hatid mo ma'y bagyo, dalangin ito ng puso kong sumasamo
Pag-ibig ko'y umaapaw,
Damdamin ko'y humihiyaw sa tuwa
Tuwing umuulan at kapiling ka
hahahaha masaya ako...hehehehehe