Thursday, July 28, 2005

....

....
......
.........
..............
....................
.........................
!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

*********

Tuesday, July 26, 2005

sabi ko nga eh

napapansin mong masaya ako...napapansin mong mabait ako...napapansin mong matalino ako...napapansin mong gumaganda ako...napapansin mong in love ako...napapansin mo ako...napapansin mo ang lahat ng ito..

pero napapansin mo rin ba na ikaw ang dahilan ng mga napapansin mo...

nalulungkot ako dahil isang araw na naman kitang di makikita...pero pag nandiyan ka naman naasar ako na gusto na kitang mawala...naasar ako pag nandiyan ka...pero nag-aalala naman ako at hinahanap hanap naman kita pag wala ka...mamimiss kita sobra!!!!di ko alam...pero hahanaphanapin ko ang mga pang-aasar mo...nasan ka na ba?

Thursday, July 21, 2005

Wednesday, July 20, 2005

rm 118

ayan ka malapit sa akin
naamoy ang bango ng hangin
ayan ka malapit sa akin
gahibla ng buhok ang pagitan natin
ayan ka malapit sa akin
sa tenga musika ang iyong ngiti
ayan ka malapit sa akin
puso'y kumakabog sa kaba
ayan ka malapit sa akin
ngiti ko'y di maipinta
ayan ka malapit sa akin
ngunit diwa mo'y wala
ayan ka malapit sa akin
mundo nating magkaiba
ayan ka malapit sa akin
ngunit di sa akin
ayan ka malapit sa akin
ako ay may binulong
mahal kita
ang sabi ko
ayan ka malapit sa akin
manhid ka ba o bingi lang...

Monday, July 18, 2005

ako

di ko na hahayaan pang
masaktan ang aking puso
kaya ngayon pa lamang
ay hihinto na ang mundo ko
di ko na hahayaan pang
tumulo ang mga luha ko
kaya ngayon pa lamang
mga mata'y ipipikit ko na
di ko na hahayaan pang
mahulog ako sayo
kaya ngayon pa lamang
puso ko'y titigil na sa pagtibok
di ko na hahayaan pang
umibig ako sayo
kaya ngayon pa lamang
gigising na ako
di ko na hahayaan pang
mabuhay sa isang panaginip lang
kaya ngayon pa lamang
ang gabi ay gagawin ko ng umaga
di ko na hahayaan pang
mangyari ang lahat ng ito
kaya ngayon pa lamang
lalayo na...lalayo na...
ako
sayo

Saturday, July 16, 2005

earth
You are an Earth Fairy. You enjoy being around
people, but sitting in the middle of the
wilderness reading a book or just admiring the
scenery is more your style. A sketchbook full
of wildflowers and wildlife, you're fascinated
by the great outdoors and what lies beyond. But
being so spacey can lead to disaster. You might
miss the next assignment in class if you keep
staring at that bird out the window. Try to
focus a little more on real-time life, but
don't give up your habits to become one with
nature.


What are you? (10 different outcomes)
brought to you by Quizilla

Wednesday, July 13, 2005

cara y cruz

natutuwa ako tuwing ikaw ang una kong nakikita sa umaga,
pero nasasaktan ako dahil alam ko na siya ang iyong dahilan
natutuwa ako kapag nakikita kitang nakangiti at masaya,
pero nasasaktan ako dahil ito' y di sa akin kundi para sa kanya.
natutuwa ako kapag magkalapit tayo at gabuhok ang pagitan,
pero nasasaktan ako dahil pangarap mo ay siya at hindi ako.
natutuwa ako kapag magkausap tayo,
pero nasasaktan ako dahil siya ang pinag-uusapan at hindi "tayo".
natutuwa ako kapag nakaakbay ka sa akin na tila malalaglag ako sa kinatatayuan,
pero nasasaktan ako dahil ikaw ay nahulog, di sa akin kundi sa kanya.
natutuwa ako kapag nag-alala ka tuwing ako ay nasasaktan,
pero nasasaktan ako dahil laman siya ng isip mo kahit anong oras.
natutuwa ako dahil magkaibigan tayo,
pero nasasaktan ako dahil siya ang mahal mo.
natutuwa ako pero nasasaktan,
na sa bawat pag ngiti ko ang kapalit ay maalat na perlas.
natutuwa ako na nasasaktan,
wala ka ngang alam at dahil dito nawalan din ako ng karapatan.
natutuwa ako at nasasaktan
wala nang ibang madama kapag kasama kita...

Tuesday, July 12, 2005

harana

hindi ko mawari pero sa araw araw na ginawa ng Diyos mas lalo kong napapatunayang maliit nga lang talaga ang mundo.minsan yung taong kilala mo eh pinsan pala ng kaibigan mo, o di kaya yung crush mo eh kababata pala ng bestfriend mo na yung nanay eh classmate ng nanay mo nung pre school siya...nakakatuwa no...pero ang totoo nyan nakakamangha din naman.

sumakay ako ng bus papuntang uste kanina, hahaha yung katabi kong taga FEU takte ang guwapo,kaso pakiramdam ko bakla siya.
umagang umaga eh napangiti na ako ng sobra...sabi nga ni krisha...iba ang ngiti mo ah.tumabi lang naman si close-up sa tambayan namin.hahah pero ewan ko ba...im starting to act weird...
pakiramdam ko pagdating sa kanya ang sungit sungit ko na.minsan nga sinusupldahan ko na kahit wala naman siyang ginagawa...ano bang meron sa akin.tas dun sa akin special class...hahaha ang masasabi ko lang...sino bang di mahuhulog sa lalaking sobra mag-alala...sobra mag care para sa isang tao?sabihin mo nga...takte nahuhulog na nga ba ako sa kanya...o hindi.lumabas na yung result ng una naming test sa geo...hahah sa awa ng Diyos kahit depress ako nung araw na yun eh pumasa pa ako...pero oo mababa yung score...pero..babawi na lang siguro ako sa susunod...kailangan pang magbanat ng buto.pagbalik ko sa rm para mag logic, hahaha bigla akong binulaga ng isang balita...sabi ni iona pumasa daw ako sa educ chorale...at 2nd aud na ako.wwwhhhhaaaatttt eh...hahah ang pangit pangit ng performance ko dun eh...as in...takte pumiyok
kaya ako nung fri..tas feel ko p[a ang garalgal ng boses ko.sabi ko nga sa nanay ko himala kapag pumasa ako.at yes pumasa nga ako, di ko maitatangging masaya ako nang marinig ko ang balita...alam mo namang namimiss ko na ring kumanta sa isang choir..so sobrang gusto ko talagang pumasa.tas music class na...yeheeyyyyy na hindi...39/40 ako sa practical..takte naman kasi nagkamali pa ng daliri...pero ok lang naman kahit na nginig na nginig na yung mga daliri ko sa pagpindot ng mga tiklado.

i actually dont know...but yes i smiled when he sang to me a while ago. i never knew he has a great singing voice. oo...takte kinikilig na ako sa kabilang linya habang kumakanta siya.dapat nga mag gigitara pa siya habang kumakanta...takte...sobra na yun baka matunaw ako sa kilig.its been a long time since i felt that kind of feeling. parang ang special special ko pa kanina...yung kinanta pa niya ano...yung without you. laglag ang puso ko pagdating dun sa
linyang...i need you here with me...takte...tas sinabihan pa niya ako na..ang lambing mo naman.oo kahit ang presko nang dating nung sinabi niyang baka magfall ako sa kanya pag kinantahan niya ako sa phone..takte...kahit sinong babaeng makarinig ng boses niya...maiinlove.habang lumilipad ang isip ko...bigla kong naalala..louise...may nililigawan na po siya...at gustong gusto niya yung girl..magkasama nga sila kanina...at kaya siya tumawag sayo para ishare yun.naglaho lahat nang maalala ko lahat yun...oo nga sino naman ba ako diba?tas tinanong niya ako kung san ako nag HS..hahaha nabigla ang gago nung nalaman niyang sa miriam ako nag-aral.hahah yung mga kilala niya dun eh friend ko san ka naman.then he asked me if i watched the acoustic night kung nasan kumanta si Jay-R...and yes i watched that...i remembered so many things back then...sam tanda mo...tas bigla he asked if i still remembered a band named farenheigt..san naalala mo yung lasalle band na...may guwapo...takte...siya yung friend ko nagyon..small world isn' t it...siya pa nga ata yung kinikiligan ko na guwapong gitarista...kung natatandaan nyo siya yung kumanta na jason mrazz (tama ba) yung nagsolo...ano ba...then he asked me kung kilala ko si ida...whaaatt si ida del mundo...sabi ko nga...sabi ko kadalets ko sa classroom yun eh nung hs.tas sabi niya...hala itatanong nga kita.hahaha bahala na ang mundo...bakit Lord bakit...

pero liit talaga ng mundo...feel ko tuloy baka yung kaibigan ko lolo pala niya si lapu lapu..na naging ka tribo ng mga kanunuan ko...hahaha takte...wala na akong masabi im still floating with the sound of his voice...

Monday, July 11, 2005

hanggang sa muli

pumunta kami ng paranaque kanina. binyag ng anak ni tita emily, sa di malamang kadahilanan...di ko man lang naisip na may posibilidad na magkita na kami uli ni carlo. oo ni carlo romanes...magtatalong taon na rin naman kaming di nagkikita...san ka naman diba.marami ng
nagbago...sa akin at malamng pati na rin sa kanya. di kasi sila pumunta sa binyag ni pauline so...marami na talaga akong hindi alam sa kanya.
habang kumakain...biglang nakita ni nanay si tita hazel...wwwwhhhhaaaatttt...OMG!!!!ano ba...kasama ng tita ko si carlo...duh louie malamng naman anak niya yun eh. takte ang masasabi ko lang...utang na loob carlo sabihin mo na nga sa akin kung lalaki ka talaga o bakla ka...syet...eto lang ang masasabi ko..alam ko talaga kung bakit kita naging crush dati.mahaba na po ang buhok niya, may bigote na at opo...mamang mama na po siya...matagal nga tayong di nagkita. so many reactions happened...i was surprised..totaly surprised that i dont know if i'll eat or not.tas si mel biglang kumanta ng muling ibalik.takte ano pang ibabalik mo eh...carlo has done something that i will never forget...isa pa...he wont bother...pagbalik ko sa buffet table...hahahah muntikan pa kaming mag-agawan dun sa serving spoon ng fettucini.hahaha then he asked me kung manonood ba ako ng game ang ateneo lasalle sa Uaap..i told hime yes pero sa tv lang kasi may project akong dapat tapusin.tas sabi niya sa tv din lang daw siya manonood. ano nga ba? bakla ka nga ba o lalaki ka na...takte...hahahaha ano ba yun...di ko alam kung masaya ako na nagkita na kami uli after all these years o wala lang lahat sa akin na nakita ko siya. we ate and yes we talked...takte we talked...that is something...matagal na rin nung huli kaming nag-usap ng totohanang usap. naalala ko pa nauwi yun sa di pagkakasunduan..tas never na kaming nagkaroon ng decent conversation.but to tell you honestly i remembered the time i was so kilig of everything he would do for me. back then i thought in love na ako sa kanya...pero nung bandang huli i realize it 's just mere like or crush...takte talaga...he said goodbye nung pauwi na ako and he told me to take care...bago yun....mga bagay na di ko inaasahan mula sa kanya.
oo guwapo ka pa rin...at malamng may gf ka pa rin...well i just want you to know that im very happy to see you again.

Sunday, July 10, 2005

amoure
You like the sweet, shy type.


What kind of guy are you most attracted to?
brought to you by Quizilla

Friday, July 08, 2005

piso

malungkot kanina nung umalis ako ng bahay. babalik na kasi ang tatay ko sa saudi.haayyy ang masaklap pa niyan hindi ako nakasama sa paghatid, dahil ayaw niyang pumayag na magcut ako, isa pa masanay na raw muna ako sa buhay na ganon.sabagay babalik pa naman si tatay kaso ngayon medyo matagal-tagal ang paghihintay.
maaga naman akong nakapasok kanina, kahit papano eh nakaupo na ako sa bus mula sa balara hanggang ust...hehehe first time.tas ok naman ang nangyari sa class, saya nga kasi wala si ma'am tiu quizon...teka tama nga ba...hahahahakaya ayun tawanan to the max kami sa class. takte si nomer ang kuli...sakit ng tiyan ko sa kanila.tas si shane at BK lakas asarin si rex...wawa naman.pero astig Bk yung magic...at oo...love ko na ang iyong singing voice...whaaaa pagnagkaalbum ka bibili talaga ako.ikaw na lang kaya ang magpractical sa akin sa music...speaking of kantahan...auditions ko mamaya sa educ chorale...kaya nga nasa school pa rin ako hanggang ngayon.nag-uubos ng oras dahil mamaya pa yung 5.tas sa logic natawag na ako para mag recite...buti na lang madali lang yung tanon...hahaha salamat sir bong.at as usual...saya na naman sa class ni sir...ang kulit talaga niya...nga pal fellow MCHS students...lam nyo ba na si sir bong ko sa logic eh kahawig ni sir aris ko sa english...hahaha pareho din silang cute at kamukha nila pareho si winnie the pooh...hahahaha gusto ko na nga silang magkita kasi para silang pinaghiwalay na kambal.
ehto wala ng class maaga pa lang eh tapos na kami kasi free cut yung last period ko.hahaha nasa lib lang ako nag-uubos ng oras...takte yan.tas naisip ko na ring magresearch sa lib.hahaha alam nyo ba na...kanina nung nagpaxerox ako...kulang ako ng piso...eh ang sakit kasi yung babayaran ko eh 2.25 lang..ang pera ko ay 1.75 san ka naman...at ang pera ko sa wallet ay 500...alanganamang yun ang ipambayad ko at baka ihampas sa akin nung nagxexerox yung librong pinaphotocopy ko. eh may katabi ako guwapo taga college of music...kapal ng mukha ko..humingi ako s akanya ng piso...mas nahihiya ako kung 500 ang ilalabas ko no.kaya yun nagbigay naman siya..bait niya..at cute pa...hahahaha binigyan nya ako ng 5 pesos....hehe at yun binalik ko yung sukli at nagthank you ako...hahahaha wala lang ang kapal talaga ng mukha ko.
ehto ngayon gumagawa ng entry isang oras pa akong maghihintay...takte...inaamag na ako dito...at wala pa akong kinakain simula kaninag 7 ng umaga...sira ulo talaga ako.haayyy wish me luck sa aud ko...sana makakanta ako ng maayos kahit may sipon ako...hehehehe gusto ko nang magchorale ngayon...whaaaa mga fello glee club...miss ko na kayo...as in...miss na miss ko na...haayyy sige kekwento ko na lang mamaya yung mangyayari sa aud ko...hahaha sige po...
nga pala sana gumaling ka na talaga...nag-aalala talaga ako.

oo na panalo ka na

ano bang meron ka...sabihin mo nga sa akin, anong bang meron ka at nagagawa mo ito sa akin. anong meron ka at sa tagal tagal na pag-iisip na gawin yun sayo...sa bandang huli ay ako rin ang susuko at mabubuwag ang pader na nais kong itayo sa pagitan nating dalawa.ano bang meron ka at ako na rin mismo ang sumalo ng mga gumuhong pder sa harap ko.ano bang meron ka at nagagawa mo ito sa akin.nakagawa na ako ng isang pader kanina...isang pader na walang kasing taas. kanina naisip kong kapag nagtuloy tuloy ang ginagawa ko wala na ring problema...lalayo ka na at hindi na ako tuluyang mahuhulog sayo. ayan na ikaw na rin ang nagsimulang di ako pansinin...kung sayo ay parang asaran lamang yung nangyari kanina, sa akin ay hindi...isa iyong planong hangad ko ang pagtatagumpay.ikaw na rin ang nagsabi...magkalimutan na tayo...kahit sa aking palagay ay biruan lang yun...sineryoso ko na yun sa puno' t dulo pa lamang ng pagkakasabi mo. halos lumundag ang puso ko sa tuwa dahil di ko na kailangang maramanasan ang sakit ng iwasan ka nang walang dahilan dahil ikaw na rin mismo ang nagbiro..seseryosohin ko na nga lang.hindi nagtagal ilang minuto nang nakatayo ang pader ko...ay halos gumuho ito nang mapansin kong masama na ang pakiramdam mo. dali dali naman akong nagpakita ng pag-aalala..at pinansin kita.isang malaking pagkakamaling mag-alala ako sayo...isang malaking pagkakamaling sumuko ako sa pader na halos ikaw na rin ang mismong gumawa.ano bang meron ka..at nagagawa mo ito...isa ka lamang taong madalas ay kulitin at gaguhin ako kapag magkakasama tayo.isa ka lamang tao sa mundo ko na kapag may tanog ka o gustong sabihin eh sa akin mo nasasabi.ano bang meron ka...at nagagawa mo ito lahat sa akin. nagagwa mong pangitiin ako, pawiin ang pagod ko...pasayahin ako..at kung anu ano pa.ano bang meron ka...at nagkakaganito ang mundo kong dati naman ay napakasimple at masasabi kong kuntento na naman na ako.ano nga ba...pakisabi naman sa akin...para maunawaan ko.ngayon tinitignan ko na lamang ang mga gumuhong piraso...at nasa isip kung anong meron ka...

habang nag-iisip bigla kong naramdaman...ano bang meron ako at ginagawa ko ito sayo...ano bang meron ako at nagiging masaya ako sa tuwing kasama kita...ano bang meron ako para sayo...diba isang simpleng paghanga lamang ito...pero bakit parang nanghihina ako...sa tuwing iisipin ko kung anong meron ako...para sayo

Thursday, July 07, 2005

mahaba ang buhok ko ngayon...

masaya na ako, masaya na ako kahit na kung iisipin parang ako pa ang may kasalanan kung bakit nagkakaganyan ka...masaya ako kasi nasabi mong naalala mo ako kahit na sa isang di magandang dahilan...ang sa akin lang, pagaling ka sana...hindi lumipas ang oras na hindi ko naisip kung napano ka na...di naman kasi kailangang pumasok ka pa...oo nakukumpleto ang araw ko kapag nandiyan ka...pero di ko naman magugustuhan kung nagkakaganyan ka...hindi rin ako magiging masaya...
di mo man marinig sana malaman mong nag-aalala din ako
me
You're like me! The intelligent loner. You're shy
at times but friendly, and you are never weak
and always independent. You are incredibly
intelligent (wise beyond your years) and have a
talent for many things (sports, music, art).
You have a kind and warm personality and enjoy
the simple things. Like hanging out with
friends and watching movies at home. But you're
sometimes quiet nature makes you a bit of an
outcast and a mystery to people. No matter how
pretty you are or smart or athletic, you just
can't seem to break into the crowd and be
noticed. Don't worry, try to be more outgoing
and speak out when you have more to say. Don't
hide behind your books and sports and computer,
get out there and get noticed. You also have
deep desires in life and feel vunerable and
alone at times. Don't feel sad either, What
helps me to express feelings and dreams that I
can't say to people, is through my writting.
Maybe you should try.


What kind of girl are you? (with pix!)
brought to you by Quizilla

Monday, July 04, 2005

tatsulok

mahirap magmahal ng tatlong tao sa isang araw lang. mahirap lalo na kung di mo alam kung para kanino o para talaga sa taong yun ang iyong nararamdaman.hindi ko lubos maisip na ang pagiging mag-isa pala ay masaya pero mahirap din naman...lalo na nga kung umiibig kang sa tatlong tao sa iisang araw lang.
ang una kong pag-ibig ay para sayo. Sayo na nagbibigay sigla sa akin sa bawat araw na dumarating sa buhay ko. Sayo na napapangiti ako kahit pagod na pagod na ako sa paghahanda sa mga kailangang gawin sa araw araw. Sayo na naniniwala kung ano ang kaya kong ibigay at kung sino talaga ako. Sayo na nagbibigay inspirasyo sa lahat, para gawin ko lahat ng tama. para sayo na daan ko para sa tagumapay. sayo na nagiging dahilan nang pag-aayos ko, para di mapahiya sayo at sa ibang tao.Para sayo na musika sa aking tainga ang boses at isang makulay na kalangitan ang ngiti sa tuwin. sayo, sayo na pilit kong tinatayuan ng pader ang sarili ko mula sayo. Ano bang meron sayo at nabubuwag mo ito. ano bang meron at nagagawa mong pabagsakin ang malatore kong pader na sumasanggalang sa sakit na pwedeng maidulot. Para sayo ang lahat ngunit para sayo...sino nga ba ako?
ang sumunod ay sa kanya. Sa kanya na ninanais makita sa araw araw. sa kanya nakukumpleto ang araw sa tuwing nakikita. Sa kanya kayang gawin ang lahat makilala lamang. sa kanya na nais kong malaman kung ano nga ba ako para sa kanya. sa kanya na hindi ko alam kung anong ginawa ko at para bang may isang harang na naghahati sa ating dalawa. sa kanya na kapag may kasama siyang iba ay hindi ko maipaliwanag ang aking nadarama. Sa kanya, na nagpapatawa sa araw araw kong pagod at puyat. Sa kanya, madalas man akong kutyain, ngunit kong para sa kanya handa ko iyong palamanpasin. para sa kanya magagawa...ngunit para sa akin hahayan bang sarili mo' y mapalapit?
at ang huli ay siya. Siya na dating pag-ibig na hindi ko alam kung may bukas bang maliwanag o puno ng pagadadlamhati. siya na hinahanap hanap sa kahit san mang dako ng daigidig. Siya na hinintay mo ng pagkatagal tagal ngunit siya rin na sa buhay mo'y nawala. Siya na nais mong makasam ngunit siya rin na pilit inilalayo ng tadhana. Siya na nangakong pakaiibigin ngunit pag-ibig ko pa kaya' y dapat pang ibilin. Siya na sa lahat ng pagkakataon ikaw ang dahilan ng lahat. siya at wala ng iba, ang nagkukulong sa aking sarili upang magmahal ng iba. siya at wala ng iba, siya ang susi sa nakandado kong puso. palayain siya'y nagawa ko na ngunit palayain ako ay para bang isang kahibangan.siya na nga ba o patuloy lamang akong nabubulagan. siya na nga ba o hindi ko lang maamin na sa iba na ako umiibig. siya ang walang kamatayng siya. di maiwaglit sa isip ngunit siya nga ba'y para sa akin o pinipilit lamang ng pusong takot nang muling umibig.
mahirap magmahal ng tatlong tao sa iisang pagkakataon...pero mas lalong mahirap kung hindi mo alam kung para kanino at sa bandang huli di ka pala umiibig...humanga ka lang tatlong beses sa isang araw sa buhay ko.

Sunday, July 03, 2005







Your Passion is Purple!


You've got a ton of passion, but you don't always wear it on your sleeve.
If something truly excites you, you let your inner intensity shine through.
But otherwise, your passion tends to morph into energy ... which you never lack.
You're a balanced woman, knowing when to turn on the fire in your heart.




What Color is Your Passion? Take This Quiz :-)




Find the Love of Your Life
(and More Love Quizzes) at Your New Romance.