matagal din akong hindi nagsalita tungkol sa isang pangyayari sa buhay ko.marahil may ibang nakakaalam may iba rin namang wala kaya minabuti ko na lamangmanahimik tungkol dito.ngunit isang araw nabasa kong muli ang sulat niya atnaisip kong maraming bagay akong hindi nasabi sa kanya.alam kong hindi ko namaibabalik kung anu man kami noon pero hindi ako makakapayag na hindi man langniya malalaman ang laman ng puso ko pagkatapos kong mabasa ang sulat niya 2taon na ang lumilipas.
para sa taong sumulat sa akin 32 araw bago ang araw ng aming pagtatapos 2 taon na ang lumilipas,
Pana-panahon ang pagkakataon
Maibabalik ba ang kahapon?
hindi ko alam kung bakit ko pa ito ginagawa, o kung anong makukuha ko kapag ginawa ko ito. alam ko namang may kanya kanya na tayong buhay at malayo namangmaibalik ko pa ang nakaraan. nangyari na ang dapat mangyari...nasabi na ang mga sana'y hindi na lamang nabanggit.nangyari na ang kinakatakot natin...magkaiba na tayo ng mundong ginagalawan, kaya anu pa't gawin ko ito.siguro dahil sa nabasa ko na naman uli ang sulat mo na sinagot ko lamang ng pag-iyakat sa pagahawak sa kamay mo.hindi ako sigurado kung nabasa mo ang nasa utak konang mga oras na iyon o narinig ang gustong isigaw ng puso ko. ito na marahilang pagkakataon ko para malaman mo, pero di ko hangad na maibalik pa ang kahapon.
Natatandaan mo pa ba
Nang tayong dal'wa ang unang nagkita?
Panahon ng kamusmusan
Sa piling ng mga bulaklak at halaman
Doon tayong nagsimulang
Mangarap at tumula
naaalala ko pa nang una tayong magkita.audition day noon at dahil na rin sa pamimilit ni tania ay nag-audition ako sa glee club.second yr na ako pero halata sa itsura ko nung oras na yun na kabado na para bang baguhan sa mgaganong bagay.nakita ako ng kaibigan kong si ermine, binati nyo ako at ginudluck.dun lang kita nakilala, pero simula nang pumasa ako sa glee club dun na rinnagsimulang nabuo ang pagkakaibigang hindi ko akalaing mangyayari sa pagitannating dalawa.
Natatandaan mo pa ba
Inukit kong puso sa punong mangga
At ang inalay kong gumamela
Magkahawak-kamay sa dalampasigan
Malayang tulad ng mga ibon
Ang gunita ng ating kahapon
lumipas ang mga panahon at nagkasama na tayo sa iisang grupo.pareho tayong alto2at kasama ng iba pa bumuo tayo ng grupong madalas ay napapagalitan ni ms.romandahil sa kakulitan,ang pag-iimbento ng nota at sayaw sa lahat ng piyesangitinuturo.habang dumarami ang piyesang alam nating ay siya ring paglalim ngpagkakaibigan natin.madalas na tayong tumatambay hanggang gabi sa school dahilwala lang...pag-uusapan lang natin kung anong nangyari sa atin sa araw na lumipas.nagsimula na nating ibahagi ang isa't isa na para bang mawawalan nang bukas para sa atin.lahat pati ang mga taong minahal mo hanggang sa mgataong nanakit sayo.bumuo tayo ng mga pangarap na hindi ko akalaing magagawa kokasama ka.magkaparehong magkapareho tayo sa lahat.mula sa mga ayaw at gusto natin hanggang sa awit na nais pakinggan at mga taong ayaw makita.parehongpareho hanggang sa taong ating minahal.
Ang mga puno't halaman
Ay kabiyak ng ating gunita
Sa paglipas ng panahon
Bakit kailangan ding lumisan?
saksi ang lahat sa paglalim ng ating pagsasama.sa simpleng pagiging magkakilalahanggang sa turingan na magkapatid, magkahati sa lahat ng bagay.hindi ko alamkung bakit isang araw bigla ka na lang nagsungit.hindi ko alam pero sa matindingpagmamahal ko sayo bilang kapatid ko nirespeto kita noon, hindi na lamang akoumimik para hindi na magkasagutan pa, hindi ko akalaing lilipas ang mga arawmga linggo hindi na tayo nag-usap sabay nating iniwasan ang isa't isa na kung iisipin wala naman talagang pinag-ugatang away.pero dahil sa pagmamahal ko sayo sinunod ko ang gusto mo na hindi nalalamang hindi mo pala gustong iniwasankita.
Pana-panahon ang pagkakataon
Maibabalik ba ang kahapon?
kung may pagkakamali man ako ng mga panahon na yon yun ay ang pagiging duwag kona harapin ka at tanungin kung ano ang problema.kung may pagkakamali man akong mga panahon na yun, yun ay ang hindi paglapit sayo para man lang maayos angdi pagkakaunawaan...kung may pagkakamali man ako nang mga panahong iyon, yunay nagkamali ako ng inisip...kung may pagkakamali man ako nung mga panahon naiyon, yun ay akala ko kilala na nating ang isa't isa, akala ko tamang wag ka munanglapitan.lahat yun pagkakamali ko pero wala na akong magagawa. tulad nga ng sabiko kanina kahit gawin ko ito hindi ko na rin maibabalik ang lahat, magkaiba natayo ng mundong ginagalawan.
Ngayon ikaw ay nagbalik
At tulad ko rin ang iyong pananabik
Makita ang dating kanlungan
Tahanan ng ating tula at pangarap
Ngayon ay naglaho na
Saan hahanapin pa?
sa huling pagkakataon pinilit kong maibalik lahat kahit alam kong hindi ko na yun magagawa pa.ngunit sa ikalawang pagkakataon nabigo ako.sa UPLB na ang tungomo at alam mong UST ang daang tatahakin ko.hindi ko na pinilit pa na mag UST kakahit alam kong maganda ang kurso mo sa mundo ko dahil mahal kita alam kong pangarap mong mag UPLB at kunin ang napasahan mong kurso.mahal kita kayahinayaan kong kunin mo yun na wala man lamang pagpigil mula sa akin.ganon kitakamahal na nang mga oras na yun tumahimik na naman ako at hindi ko sinabi angmga bagay na gusto kong sabihin.kung alam mo lang kung gaano kasakit ang matuwapara sayo...kung paano ko dinamdam ang lahat pero sino nga naman ba ako parapigilan ka.
Pana-panahon ang pagkakataon
Maibabalik ba ang kahapon?
kung uulitin naiyak ako sa ideya na kung sana'y pinagbutihan ko lamang sa UPCAT umabot sana ang grade ko para sa UPLB...kung uulitin lang lahat kinulit na lamang kita noon sa halip na nirespeto baka sakaling nagbago ang isip mo atsinamahan mo akong mag UST.kung uulitin sinabi ko sayo kung gaano ako kasayangnasasaktan dahil matutupad mo ang gusto mo...kung uulitin eh di sana magkaibiganpa rin tayo katulad ng dati...mahal pa rin kita sa ganong aspeto.pero tuladnga ng sabi ko kanina kahit gawin ko pa ito alam ko namang hindi ko na rin maibabalik pa ang lahat.
Lumilipas ang panahon
Kabiyak ng ating gunita
Ang mga puno't halaman
Bakit kailangang lumisan?
sa pagtagal ng panahon nabuhay akong itinago mula sayo ang lahat ng sakit nanaramdaman ko sa bawat salitang nakalagay sa sulat mo sa akin.sa pagtagal ngpanahon natutunan ko ring mabuhay ng wala ka...pero wag mong iisiping nagingmadali ang lahat...mahirap para sa akin dahil alam mo at alam kong minahal koang taong dati mong minahal.iniwan ako pero nandiyan ka pa rin para sa akin.sa tuwina'y naisip ko na sana pinakinggan kita nang minsan...naisip ko na sanaynabago ko ang lahat...lahat ay nakalipas na at hindi ko na kayang baguhin pa
Pana-panahon ang pagkakataon
Maibabalik ba ang kahapon?
nakalipas na nga ang lahat, may kanya kanya na tayong buhay na tinatahak.atalam ko kahit gawin ko pa ito hindi ko na maibabalik lahat...pero may ngayonat bukas pa tayong hinaharap...kaya naisip kong sabihin sayo ang mga salitanghindi ko nasabi noon...ikaw at hinding hindi ka mapapalitan sa buhay ko..nag-iisa kang kakambal ko.minahal kita ng higit sa akala mo.hindi mo kailangang mainggit sa ibang taodahil iba sila at iba ka.hindi nasusukat ng pagtawa ko o pagngiti ang kasayahangnadarama ko tuwing nasa piling ako ng mga tao.nasa puso ko ang tunay na nadaramamasaya akong naibahagi mo sa akin ang iyong pagkatao at masaya akong tinaggapmo ang kabuuhan ko bilang kapatid mo.minahal kita tandaan mo yan higit pa sainaakala mo.alam kong hindi ko na maibabalik lahat sa dati pero maari akongmasimula ng bago para sa ngayon at bukas ko.marami pa akong kantang maiaawitat sana'y kasama kita para bigyang kulay ang mga bagong piyesa na aking iibigin
hanggang sa muli...lagi kitang mahal..ang taong sinulatan mo noong 32araw bago ang araw ng ating pagtatapos 2 taonna ang nakakalilipas...