kahapon nagpunta kami kila lola, wala lang para lang magpakita dahil kakauwi nga lang namin galing aklan.isa pa kinuha namin yung mga pinalagay namin sa ref niya.pagdating dun kumain kami ng hapunan.ang sarap ng pagkain, at ang masama napakain ako ng marami.merong inihaw na bangus at tilapia at adobo.after kumain ay nanood kami ng AR.
asar nga lang kasi hindi namin napanood yung first part, kasi nasa aklan kami.sobrang exciting nung game sobrang close fight lang between the team of Eric and Jeremy at ng aming pambato na sina BJ and Tyler.at last pagdating dun sa road block ay nakahabol si BJ...at kablam!panalo sila.ang saya talaga naming magkakapatid kasi for the first time, yung kinampihan namin sa isang reality tv show eh nanalo.bago kami umuwi dinaanan pa namin si nanay sa palengke.wala na kasi kaming mailuto dito sa bahay dahil nga sa matagal din kaming nasa prbinsiya.pagdating sa bahay, habang nanonood ng news, nalaman ko na nanalo yung fav ni mel sa american idol na si tyler.hehehe masaya ako at hindi si McPhee ang nanalo.di ko siya trip from the very beginning.
kanina umalis kami papuntang marikina, pero bago kami pumunta don para ihatid yung sako ng bigas sa bahay ng tito ko, nagpunta muna kami ng admu para ihatid si mel dahil kukuha siya ng libro.nautusan na naman akong magmaneho, as usual kabado na naman ilang beses na rin kasi akong naaaksidente eh.pagdating sa admu kumain kami sa jolibee katipunan...hahah nanlibre ako ng ice craze dahil nagkecrave ako sa peach mango pie...(labo!)tas after naming kumain pumunta na kami ng marikina.bago kami pumunta sa bahay ng tito ko, sinamahan muna naming magpapicture si kuya ng 1x1.pag-alis namin ng masinag market...syet sa isang hanging na daan ay namatayan na naman ako...at paksyet...sobrang kabado na naman ako at hindi ko nanaman alam ang gagawin.hehehe pero buti na lang nakaraos.after sa bahay ng tito ko pumunta kami ng marikina market tas balik uli ng admu dahil may kukunin naman si kuya.bago kami umuwi dumaan muna kami ng Caltex sa may Commonwealth, at syet uli..di na ako magpapagasolina dun.grabeng mga bus yan at truck...putakte talaga!
kamuntikan pang mahulog si pauline sa hagdan habang nagtatype ng entry nato...pakshet talaga!