nanaginip ako, ayaw daw akong papasukin ng nanay ko sa school.hindi ko alam ang dahilan basta ang alam ko, nagmamakaawa talaga ako sa kanya to the extent na umiiyak na talaga ako ng todo.after kong magmakaawa sa kanya, sumakay ako ng FX na papuntang buendia tas kasabay ko sa FX yung mga MUSA na sa lasalle nag-aaral.
Ate Gina: Louie!gising na umaga na...
naputol ang panaginip ko at bigla akong nagising.nagtaka pa ako kasi ang alam ko nauuna akong gumusing kaysa sa katulong namin.mabilis kong kinuha yung phone ko...SHOOT namatay siya nung gabi at hindi na siya nag-alarm.PUNYETA anong oras na kaya...dali dali akong bumababa sa hagdanan at PuFF nalaman ko na 5:30 na ng umaga. San ka naman...5:30 ako umaalis ng bahay.Bilis ko talagang kumilos kanina..ang bilis kong naligo at nagbihis..si nanay na ang nagtimpla ng gatas ko kanina, tas hinatid ako ni kuya hanggang sa may gate (nga pala thanks kuya sobrang hulog ka talaga ng langit!).sa sasakyan na lang ako kumain ng almusal.biruin mo hawak ko lang sa kamay yung french toast...san ka naman.Hindi na rin tuloy ako nakapaghanda ng baon ko sa sobrang pagkakamadali.yan tuloy saging lang ang tanghalian ko ngayon.
pagbaba ko ng sasakyan namin nagdasal talaga ako na sana sa FX ako makasakay.hindi ko na kasi afford magjeep kasi mas malaking chance na malate ako.tamang tama may nakatambay na FX na maluwag sa may waiting shed sa may OLGM at nakasakay ako dun.mabilis lang yung biyahe 6:30 nasa USTE na ako, nagkaabutan pa kami ni grace sa may first gate.
ok naman yung english 104 kanina, yun nga lang na rattle ako sa speech ko nung nawala ako sa isang line.ok na sana tuloy tuloy na at nakakligtaan ko ng mag Um...(which by the way the prevalent comment of my two speech teacher way back when i was in high school).success yun para sa akin kaso dahil may copy yung speech ko naturete na ako dahil ayun nawala ako...so naging disorganized tuloy yung speech.apparently, nung tinanong yung class evaluation my classmates gave me a nine.(mataas na yun pero kung sa mC ko ginawa yun my classmates would definitely give me a grade of 7)buti na lang si ma'am eh ang bait binigyan ako ng perfect score for using the terms for an interview..kaso i feel na i dont deserve the grade pero sige di na ako umangal kasi baka isipin pa ng iba nagFifish lang ako masyado...o ang pahumble ko. (well kung nung hs ako nangyari to malamang i would have gotten a grade of 7 or 8)
wala si ma'am baltazar kanina so ayus, nagstart na akong mag-aral for my test sa major sa wed.Balik na naman ako sa pagmemorya ng blank map at mga capital sa ASIa.oh well wish me luck...3 regions na lang ok na ako...
pagdating ng RC nagtest na kami...buti na lang nag-aral ako...pero hindi perfect yung test kasi may dalawa akong hindi nasagutan at 3 hula lang so malamang mga 85% lang yung score nun...pero ayos na rin kaso may target ako di ba...kailangan ko lang sigurong mag excert pa ng effort sa pag-aaral.after nung test inannouce ni ma'am picadizo na siya ang aming adviser.san ka naman eh di ayan nag election na kami....(by the way president ako ng class)masaya na hindi...masaya kasi nafeel ko na malaki ang tiwala ng class sa akin para ibigay yung ganong posisyon.masaya kasi iba eh...hmmm hindi ko madescribe yung feeling...hindi dahil sobrang pressure na to para sa akin not to change the person they used to know.hindi kasi ayan nandiyan na yung pag-uusapan ka na madalas pa yung mga mali mong ginagawa ang nakikita...hindi kasi alam kong magagalit ang nanay ko dahil ang dami ko na ngang org tas officer ako sa isa...com head ako sa isa tas nag president pa ako sa class.hindi dahil malaki ang expectations ng mga tao...at ako pa man din yung tipo ng taong ayokong may nadidismaya sa akin.ayun...masaya na hindi pero sa mga taong nagtiwala thank you talaga at sana tulungan nyo rin ako...sana walang magbago...hope so talaga at if ever na feel nyo na nagbago ako feel free to tell me right infront of my face...sana talaga..(PRESSURE PRESSURE PRESSURE.....KAYA KO TO...sana alam ko pa rin ang priorities ko).
after wala si ma'am de leon so ayan free cut na naman.ilang sandali lang eh si ma'am de luna naman.ok yung class kanina sa asian history and i really felt na asian history ang gusto kong matutunan at mas lalo pang pag-aralan.well mas forte talaga ni kuya ang world history...so sa kanya na yun.kay dr.songco...as usuall dinugo na naman ako sa lecture nya...wala na naman akong alam.wala naman akong naintindihan (might as well read something para makahabol ako).
sana talaga matupad ko yung mga promises at goals ko...ayoko talagang madisappoint na naman ang parents ko sa akin...
by the way thank you nanay...sobrang salamat talaga!MAHAL NA MAHAL KO PO KAYO!!!
***minsan mas gusto kong mawala ka na lang sa mundo ko...***