**post ko dapat to kahapon eh**
sayang at hindi natuloy ang overnight namin kila oliver.mag-iinuman sana kami kaso ayun baha daw kasi sa kanila kaya sayang.isa pa kaya malakas ang loob naming mag-overnight ay dahil walang pasok sa uste bukas hanggang 1pm kaya yun eh hanggang 11:30 lang pasok ko bukas kaya yun.isa pa marami atang nadismaya nang sabihin ko na hindi ako sasama sa LTS.sana maitindihan nila,nahihiya rin kasi akong magpaalam sa nanay ko, isa pa sa sabado na ang alis ng nanay ko papuntang aklan. OO gigimik ako sa sabado,pero nakaplano na talaga yun bago pa man nangyari sa lola ko yun.sana maintindihan din nila na pamilya ko muna bago ang lahat(maliban sa panginoon)sa buhay ko.isa pa matutuloy naman yung LTS kahit wala ako...(sayang lang talaga mukha kasing maganda sa Caliraya).
pag-akyat ko sa third fl niyaya kong magsine si shane...san ka naman at dahil marami kaming gustong panoorin...napagdesisyunan naming...
lady in the water/gateway/ngayon
just my luck/sm san lazaro/bukas
sukob/sm north/saturday
at dahil ang kulit ng plano naghanap kami ng kadamay...para naman hindi lang kami ang masaya.at sa lakas ng power namin nayaya naming sumama si cha sa aming trip.
nakaktuwa yung class namin sa eng 104 yun lang talaga si shane at si krisha di ako tinigilan sa pang-aasar kay ramon...utang na loob naman hindi ba?tas sa health ed...san ka naman...nasayang lang ang pagkacram ko nung ipapasa namin...dahil inextend niya yung deadline.(saklap naman!)sa NFE kanina...nag-aral pa ako...di rin naman natuloy yung test namin...hinayang talaga.sa Asian history kanina, masaya kasi pinag-usapan lang namin yung SONA.oh well tama si ma'am...dapat ang iniisip namin ay kung anong magagawa namin bilang isang Pilipino para sa aming bansa.sa modern history din...naubos ang oras namin sa pag-dedebate lang ng tungkol sa sona...at tama rin si dr songco...
pagkatapos ng class tumambay muna kami sa pav at kumain ng lunch.asar nga lang at di ko naappreciate ang kinain ko dahil masakit ang panga ko dahil sa wisdom tooth ko.after ng isang oras punta na kaming gateway.magkakasama kami nila ephraim, ayan, cha at shane.tas sumambay sa amin si Kara dahil dun yung way niya pauwi.dapat lady in the water ang panonoorin namin...kaso nasa reserved seating siya so 160 yung fee napilitan tuloy kaming manood ng sukob dahil 120 lang siya.pagdating namin sa sinehan...san ka naman...daming tao...at sus nasa harap na tuloy kami nanood.(yung review ko sa movie tignan na lamang sa aking multiply acct)pero eto advice lang...kung may highblood ka..wag mo siyang panonoorin.after nun labas ng movie house...CR kami tas nakita namin ang crush ni shane...hahah may kasamang gf ata...at eto ang nakakatuwa...friend ko yung gf nya...san ka naman.after nun umuwi na rin kami...
saya ng araw na ito...bukas dahil walang pasok...manonood kami ng sine ni shane...just my luck naman...hahahah