Wednesday, August 30, 2006

madami na...

marami ng nangyari...ang kaso sa dami wala na rin akong oras para magbukas ng monitor ng computer...isa pa di pa napapaayos yung computer namin kaya yun...samahan mo pa ng sirang telepono...san ka naman hindi ba...pero ayos lang at least mas focus ako sa studies at mga orgs...hehehe...ano nga ba yung mahabang listahan ng mga nangyari...
nung sabado...hinatid namin si kuya sa St.Paul Pasig...siya kasi ang moderator ng debate club ng Poveda so sama naman siya don.si kuya ang nagdrive papunta dun so nung pauwi ako na ang nagdrive...dahil hindi pa naman ako sanay sa may ortigas magmaneho...medyo nag-alangan pa ako sa dadaanan namin.nung umpisa ok na, nakarating na kami ng libis...tas nung papunta na ng katipunan dahil magpapagasolina kami sabi ni mel huwag daw akong umakyat sa fly over...at ayun nga mali yung desisyon na yun dahil napunta pa tuloy kami dun sa papuntang marikina...san ka naman...diniretso ko na kasi alam ko naman yung daan...hanggang sa may santolan na lang din kami nagpagasolina.pagdating nun napagdesisyunang kumain na lang kami sa Wok Dis Way sa katipunan.Nagpark kami sa Ateneo para mas madali...tas inutusan kami ni nanay na magwithdraw ng pera sa College.Pagdating dun pinasok ko yung card at inilagay ang pin...ok mali...nagtaka ako yun pala sa tatay ko pa lang ATM yung binigay sa akin...dun ko lang napansin.for the second time priness ko yung pin...tanannn mali uli...syet gutom na talaga ako...thinking that I really knew the pin number I tried again but this time...tenneeennnn your card has been captured...o yes asar yun...bumalik kami sa FX na walang dala at nung sinabi ko na yun sa nanay ko galit na siya sa akin..oo kasalanan ko pero...nagyaya na ang nanay kong kumain...parepareho lang din naman kasi kaming gutom eh.pagdating sa Wok Dis Way nagmiscalculate ang Nanay ko...she asked kung pwedeng palitan yung naorder na namin...kaso sabi nung babae hindi na raw dahil nasimulan ng lutuin...ayun na kulang kami ng mga 100 pesos dun sa kinain namin...eh di galit na galit ang nanay ko sa akin...at sinabihan na akong kumain ng mabilis at umuwi sa bahay para kumuha ng pera...si mel hindi na nakatiis at umikot sa buong katipunan para maghanap ng mauutangan.after kong kumain nagpaalam na ako sa nanay ko kung pwede na akong umuwi...nung una ayaw pang pumayag pero nung huli at dahil galit na rin ako sa kanya pumayag na rin siya.habang naglalakad pagliko ko sa may shakey's nakita ko si FUNCHUM...grabe talaga...as in para siyang hulog ng langit sa akin...as in.hindi na ako nahiya at tinanong ko na kung pwede akong umutang sa kanya...at ayun binigyan na niya ako ng 1000 pesos...grabe nayakap ko talaga yung best friend ko nun.After nun sobrang naisip ko talagang yung bestfriend ko na yun...she may not be updated to what was happening to me...nor she sees me often as what normal best friends would do...but I really thank destiny and even God for giving me margaux especially when I really needed someone.hindi ko sinasabing ang kaibigan nanadiyang lang kapag may kailangan ka...pero kasi parang sobrang miracles lahat nang nangyayari sa aming dalawa.im really thankful that I have her in my life.sobrang dami ko ng pagkukulang...hindi kami araw araw nag-uusap sa phone...I dont do effort to see her...but still kapag pinakikilala niya ako laging...oi guys si louise bestfriend ko...at pare sobrang laking bagay nun...at kung nababasa mo ito...im always thankful that you never gave up from me...tandan ko yung mga araw na pinaaalis kita sa buhay ko and im glad you had the courage to really stay and understand me.
sunday:nagpunta ako ng Pampangga para sa COM-ACH outreach...6AM umalis na ako ng bahay dahil 7 ang call time at bibili pa ako ng baon ko.dumating ako sa UST ng 6:45 at aba wala pang tao...mga ilang minuto dumating na si love anne...tas sinundan ni abi at ng iba pa...mga 7:45 umakyat na kami ng bus at naghintay pa ng ibang member ng central.eksaktong 8am umalis na kami ng uste...syempre educ lang ang maingay sa bus...as in buong trip ang lakas ng trip ng buong educ force.dumating kami ng Mabalacat ng mga 10:15...tas sabi sa amin kumain na raw kami ng tanghalian sa bus...after kumain pagbaba namin pingilan kami ng mga pulis...bakit dahil wala daw kaming permit...sobrang naasar talaga kami dahil partner community ng uste yung sitio na pupuntahan namin at yes ayaw kaming papuntahin sa Sitio dahil baka raw NPA kami...pinalalabas pa sa amin yung mga sedula namin...haller sedula ano bang trip nung mga yun...tas after ng ilang minutong negotiations pinayagan na rin kaming umakyat ng bundok.masaya ang pag-akyat san ka naman...dumaan kami sa ilog na tinbunan na ng lahar...ang saya para kaming nasa rapids...paglagpas ng ilog isang mahabang pag-akyat sa bundok ang ginawa namin...grabe to the extent na tinanggal ko na yung tsinelas ko dahil lumubog ang paa ko sa putikan...pagdating dun ayun simula na ng pagtuturo...nagturo kami ng Patinig at katinig sa mga nanay duon...grabe subok ang pasensya ko dun...nung mga oras na yun naisip ko talagang napakaswerte ko at hindi ko dinaranas ang kung anong meron sila...na dapat eh magsumikap ako ng triple para naman hindi masayang ang mga sakripsiyo ng mga magulang ko...dun ko lang din nakitang kulang na kulang ang tulong na ginagawa ng gobyerno para sa mga kapatid nating Aetas na nakatira sa taas ng bundok...pano na lang kung wala mga pribadong sektor na handang tumulong sa kanila...magiging lugar na lamang ba sila ng mga mangmang at walang alam.naisip ko ang pangarap kong maging guro lalong lalo na ang pangarap kong maging dep ed secretary...siguro nga para talaga ako sa ganitong trabaho.pagkatapos ng tatlong oras kailangan na naming bumaba ng bundok...dun ko lang nalaman na kaya pala kami pinayagang umakyat dahil magbibigay kami ng pera dun sa mga pulis na pumigil sa amin...san ka naman...talk abt corruption.asar yun...pagkatapos ng mahabang paglalakad sa matarik na daanan at rumaragasang ilog nakarating din kami sa aming bus...mga 4:30 umalis n
daming nangyari...isama pa natin diyan ang mga nadiskubre ko sa aking sarili...o yeas ayoko yung mga yun...kaya ngayon pa lang bago pa may mangyari ititigil ko na...
.

Tuesday, August 22, 2006

salamat po Lord

****masaya ako at pumasa ako sa EDUC207 exams...pumasa na may mataas n a score kaya...ayan...saya!!!***

Friday, August 18, 2006

ayoko na

bakit ba hindi ko magawang maging magkatulad sa performance sa dalawang major ko...ano ba...bakit ba laging may isang nangangamote ako...oh well aminado ako...walang pumasok sa utak ko nung mag-aral ako...at hindi ko talaga naiintidihan yung lessons...at syet sa identification part nung exams wala akong nasagot...haaayyy ano ba ito...pls dont give me a reason to believe na hindi talaga ako para sa history...

Wednesday, August 16, 2006

prelims week

nakakapog pero tulad nga ng sabi ko kanina...ibang iba ang araw na ito...ewan siguro nagsawa na lang talaga ako sa kakakita ng mga bahang daan at patak ng ulan...isa pa maaliwalas ang sikat ng araw ngayon...katatapos lang ng isang major exams ko...oh well asian history....at dahil mahal ko ang asian history ayun nag-aral talaga ako...kaso oh well napagpalit ko yung dalawang capital san ka naman...minus 2 na agad yun...asar di kasi naniwala sa instinct...nga pala nasa lib ako ngayon...nag iinternet...nagreresearch ako ng mga dapat pag-aral para bukas...si ma'am kasi di marunong magsulat ng notes...ang malupit pa di sinabi kung anong coverage nung test...san ka naman hindi ba...grabe talaga siya!as in...sige na...reresearch pa ako...at nagmamadali ako dahil punta pa ako ng SM north...o guys di ako gigimik no...nautusan ako ng nanay ko eh...haaayyy ganyan talaga!!

Thursday, August 10, 2006

madugo

heheh nasa library ako ngayon...wala kasing internet sa bahay, isa pa sinusulit ko ang paggamit ng internet ngayon sa library....aba binabayaran ko rin naman kasi ito no.
marami na rin kasi akong ginagawa kaya pasulpot sulpot na lang ako sa blog ko...hell week pa kasi ngayon at marami akong pending project proposals sa iba't ibang org...nadagdagan pa ako ng dalawa...(field trip sa RC at seminar sa Asian history...)sana talaga magawa ko ito...kasabay ng pagtapos sa lahat ng mga requirements sa mga subjects ko...naisip ko nga minsan buhay pa kaya ako pagkatapos ng sem na ito.lagi ko na lang iniisip na simple lang naman ang buhay tayo lang nagpapakumplika nito...at ang mga pangyayari ay magaganap lang kung paano natin ito gustong maganap...at walang imposible hindi ba?
pressure pang isa...yes masaya dahil DL ako last sem...haaayyy kahit na napaka tamad ko sa ilang subject...salamat talaga Lord...lalo na kay ma'am corotan...kahit di ko siya type na teacher...kung hindi dahil sa uno nya wala ako sa list...kaya salamat talaga!dapat mag-aral ng mabuti...huwag papatay patay dahil...nandun na ako...hahayaan ko na lamang bang mawala na naman sa akin uli?
haaaayyy ano bang nangyayari sa paligid ko...iniisip ko tuloy....epekto lang siguro ito ng closeness ng mga tao...tulad nga ng sabi nila minsan kapag matagal ka na sa isang relasyon...dumarating sa puntong hinuhubog mo siya sa pagkataong kilala mo...tas mali ka pala...tas ayan na FO na o di kaya break na kayo...hindi ko na lang masyadong iniisip ineenjoy ko na lang...kasi ayun...dadagdag lang sa mga iniisip ko..(well kailan ba ako hindi nag-isip diba...)
minsan talaga nasa desisyon mo na lang yan eh...kung pano mo iisipin ang mga bagay...basta ang alam ko lahat ng ito ay nangyayari para maging mabuti tayong tao...at kapulutan ng aral...o siya sige marami pa akong hahanapin sa internet...isang oras lang ang libreng oras...
miss ko na kayo...hehehe excited na ako sa 19...katipunan with the musas...

Tuesday, August 01, 2006

naaliw ako kaya nakigaya na rin...

nakuha ko to kay tania...heheheh

1.current status and for how long:
... single for 1yr and 5months
2. are you happy with your current status?
oh well after nung bagyo last week ngayon ko lang naappreciate sobra
3. are you looking for someone right now? why or why not?
well time out muna ako dun...parang kakaayos lang nung issue last monday eh...kaya sarili ko muna uli
4. what do you REALLY look for in a boy/girl?

... nice smile and eyes...tas sobrang gandang personality...at may sense sa lahat ng bagay
5. do you usually go for the sporty type or the artist kind of boy/girl?
... pareho...mahilig ako sa talentadong tao
6. "brainy", serious type or the wacky, boy/girl-next-door?
.. siguro brainy o serious type
7. how was your past relationships?
... ayos na siya last monday...ok na...mas ok na talaga ngayon...
8. how about your current?
... current...im happy with everyone around me...oo talaga pwamis
9. what do you think are the best ingredients for a relationship to last?

.... trust at communication and quality time
10. so... do you believe in courtship?
... no. tanong mo pa kay kuya
11. how about friendship before a relationship?
... kumplikado pero kung you would not over analyze things masaya siya actually
12. do you consider yourself a "love doc"?

... tanong mo na lang sa kanila
13. your friends or the one you love?
... based sa priorities ko sa buhay...the one I love...
14. ideal date?
...
15. do you hunt?
...hunt ng ano...guwapo...OO naman gawain namin yun sa may pav at field eh...pero love hindi no...di pa ako desperado
16. are you hard to please?
... hindi the simpler the better basta may certain

*churva*

good start...

last month I was really having a difiicult time...heheh mahirap magbalance ng oras sa lahat ng activities ko sa school...na hindi naisasaalang alang ang social, family at spiritual life ko.madalas nakikita ko na lang ang sarili ko focusing only on one aspect tas unti unting nawawala yung panahon sa iba.last saturday i told myself that I should pull my act together...hindi pwedeng maging ganito ako hanggang matapos ang sem.o yes my goals ako na dapat ma-achieve at may mga expectations na dapat mameet.isa pa susukuan ko na lang ba o bara bara na lang...hindi bat ginusto ko rin naman to...so kailangang kong ipakitang kaya ko talaga.
starting last saturday...naging nanay ako ni pauline...(umuwi kasi si nanay sa probinsiya...kasi diba nga namatay lola ko..)kaya yun...inasikaso ko muna siya bago ako nagpunta sa uste para sa red cross at com ach.after ng seminar kila emman naman at kumain dahil birthday niya at to top it all up...nanood kami ng sine nila shane...nakauwi ata ako 10:30 na ng gabi.dahil mas mahaba ang oras kong gumimik bago matulog ay nag-aral na ako para sa quiz ko sa NFE.
nung sunday nasubukan na talaga ang pasensya ko dahil habang nag-aaral eh ang kulit ng kapatid ko...buti na lang naintindihan ng lola ko na mahirap talagang pagsabayin sa akin ang lahat kaya umuwi sila ng maaga ni kuya galing sa paniningil.
dalawang araw na ang lumilipas sa agosto...at ok naman...nababalanse ko na ngayon...well may iba katuld nung sched sa 207 dapat matapos na yun by thursday para sa friday hanggang sept eh mag-oobserve na lang sila.yun na lang...tas yung committee report sa council...ipapasa ko na lang kay alex bukas...kasama nung mga committee assignments...hehehe...kaya ko naman eh...naasar lang ako kasi sinayang ko yung isang buwan para lang marealize lahat to...basta promise matatapos ko tong sem na ito na walang pinagsisihan...
***ibig sabihin lang nito...hindi na ako madalas makakapag-blog...oo nga pala nasa lib ako ngayon.***
tulad nga ng sabi nila hindi ibibigay ng Diyos sayo ang mga bagay bagay kung di mo kaya...at minsan kung alam niyang gusto mo at makakabuti para sayo ibibigay niya sa takdang oras...may nareceive ako ngayon...at sobrang thankful ako dahil pangarap ko talaga yun...at dahil bigay mo...ibibigay ko rin ang lahat para hindi mo piagsisihang ibinigay mo...thank you po talaga Lord...
oo nga pala may over view na kami ng mangyayari sa aming finals kay doc A...salamat ha...mas lalo tuloy akong kinabahan....