maaga akong nagising dahil sa isang phone call.si tatay...haaayyy miss ko na siya.tas ayun hanggang sa magdecide na rin akong gumising na lang...di rin kasi ako nakatulog ng matino kagabi.pagkababa...ayung sermon na naman ang nanay ko...well di naman ako ang dahilan kaya medyo akyat uli ako sa kuwarto ko at ayokong maputukan.after a while baba na rin ako para kumain ng almusal...naligo at ayun sinuot ang malaki kong uniform at pumasok na sa school
pagdating sa labasan hindi naman traffic kaso mahirap sumakay ng diretsong quiapo so ayun naglakad pa ako hanggang over pass para lang sumakay sa jeep.hehehe buti na lang diretso.haha nakakatawa pa kasi yung katapat ko kamukha ni nanay melai...ang weird talaga.pagkatapos ng 45mins...dumating na rin ako sa uste...ihingihi pa ako sa lagay na yun.
pag-akyat ko ng bldg...humingi ako ng sign...sabi ko kapag nakita ko si president ibig sabihin magiging masayang sem ang haharapin ko...at ayun pagliko ko paakyat ng third flr mukha agad niya ang bumulaga sa akin kaso...di kami nagpansinan...bakit kaya.sa third flr unang bumati sa akin si nomer...hehehe congrats at wala siyang bagsak at hindi siya inc.haaayyy sobrang saya ko para sa kanya...at sumunod si chile...at ayun makukuha na rin niya yung nat sci nya this sem...walang kasing saya.tas habang pinagmamasdan ang pilang sobrang haba nakita ko si julie tas sabi ko sabay na lang kami.habang naglalakad nakita namin si pearl at si phyluz...hehehe chisimisan...tas nakita ako nila abi...sinama nila ako dun sa bulletin board para tignan yung tuition fee...hehehe ang saya kasi nakita ko si kama...haayyy kung sinuswerter ka nga naman.after namin dun balik kami sa pila.nandun na sila cha, krisha, dasas, emman, melai, jas,at shane...at ang pambungad...tumaba ka...ayun naman ang hurt nun ah...halos di na nga ako kumain dito sa bahay tumaba ako...syet talaga!!!!syempre kuwentuhan habang naghihintay ng turn namin...hanggang sa ayan na dumating kami sa pinto...kinabahan na talaga ako...sobra na ang dasal ko sabay...yung lalaki na nagbibigay ng clearance nagtanong pa..."pano ka sisigaw kapag pumasa ka?"sabi ko talaga pasado ako...tas ayun...yes...pasado nga sa lahat...as in passed ako sa lahat...ano ba ito...ang saya...nagbunga ang aking mga araw na walang tulog...salamat po talaga.
after namin dun pumunta kami ng main...para tignan ang grades...ay aba ang nadatnan namin ay isang mahabang pila...as in...kaya nagive up na lang kami at pumunta sa pav.pagdating sa pav...syet sumakit talaga yung ulo ko...sa sobrang daming nagpahula sa akin...haaayyy
after ng mahabang panghuhula...pumunta na kami sa mcdo para kumain ng lunch...hahaha kagulat gulat dumating si fernan...hahah ang saya talaga...sarap mang-asar...samahan pa ng gatong ni love anne...hehehe after kumain...napagdesisyunan naming magvideo oke sa san lazaro san ka pa...ano ba yun.
saya magvideo oke...kaso di ako nakakanta dahil nanghula pa ako...ano ba ito...pero sobrang saya...masaya kasi magkakasama kami...haaayyy mamimiss ko sila this sem...swear....haaayyy kung di ko lang kailangang mag ayos lalo na sa comelec at pag-aaral...haaayyy
haaayyy salamat po sa araw na ito Lord...naging masaya po talaga ako...sobra!!!!