Thursday, December 28, 2006

Felt so Right
by sarah Geronimo

I love you
I don't know what else to say
Cuz I long for you more each day
I need you
I want to feel your embrace
And have a chance to touch your face

I was lost and alone
But you showed me the way
Now I call you my own
Things will never be the same

How could I’ve known
You will hold me close so tenderly
Even though I’m alone
I can feel your arms enfold in me
And that love, became mine in just one night
When you held me tight
Oooh.. it felt so right

I feel you
You’re always here in my heart
Its where reflection since we fall apart

I was lost and alone
But you showed me the way
Can’t go on, on my own
Wishin’ that you would stay

How could I’ve known
You will hold me close so tenderly
Even though I’m alone
I can feel your arms enfold in me
And that love, became mine in just one night
When you held me tight
Oooh.. it felt so right

I was lost and alone
But you showed me the way
Can’t go on, on my own
Wishin’ that you would stay
Tell me that you would stay... ey

How could I’ve know (how could I’ve known… ohh)
(Ooh)You will hold me close so tenderly (oohh)
(Ooh)Even though I’m alone
I can feel your arms enfold in me (your arms enfold me)
And that love, became mine in just one night
When you held me tight
Oooh.. it felt so right
Felt so right…
Hmmm… felt so right

ang weird dapat excited ako...pero bakit hindi...

siguro sa araw na yun...dun ko pa lang malalaman...yung feeling na sumira ako sa pangako ko....sana di pa huli ang lahat...

Friday, December 22, 2006

masakit ulo ko...kagigising ko lang mula sa pagkakatulog...pero
masakit pa rin talaga.

kagabi ay pinagdiwang ng Unibersidad ng Santo Tomas ang aming
taunang Paskuhan.nung umaga ay nagpunta ako sa uste upang ibalik
ang mga hindi naibentang raffle ticket at ibayad ang mga naibenta
namin.isa pang dahilan ay para kunin ang inorder na double deck
brownies kay kara.
dumating ako sa uste ng mga 10:30 ng umaga.
dumaan ako ng main bldg para ihulog ang mga ticket, tamang tama,
nag-sisimula na rin ang pagbunot para sa mga minor prizes.
pagkagaling ko sa main bldg dumaan muna ako sa Dapitan upang
bumili ng mga abubot.pagkatapos sa Dapitan ay dumaan ako sa
Express Teller ng BPI sa tabi ng UST Hospital, at grabe ang haba
ng pila...pero ayos lang din naman kasi mabilis naman ang usad,
yun nga lang mainit.
after nun nagpunta na ako sa pav para kitain
sila kara.pagdating ko sa pav wala sila dun...akala ko tuloy late
na ako...habang naghahanap hanap nakita ko sila krisha, stacy,
cha, at cassey sa may GS playground nasa swing.pagdating ko dun
sinalubong ako ng mga regalo ng mga kaibigan ko.(kakahiya dahil
wala akong regalo sa kanila...bawi na lang ako sa valentine's day).

sabay sabi nila krisha at cha na kanina pa raw nila nakikita si
sunshine(code name po ito), at ilang sandali lang ay nakita ko
nga siya...palabas ng bldg namin.dali dali akong pumunta sa bldg
namin para naman kahit papano, bago magbakasyon nasilayan ko siya.
tamang tama pag-akyat ko sa bldg nakita niya ako at binati.(haay
saya ng araw ko).pagdating sa loob umakyat na ako sa 3rd flr para
ibigay yung bayad para sa raffle ticket.
pagkababa balik uli ako
kila krisha...pero dahil kulang yung perang naiwithdraw ko na
pambayad kay kara bumalik uli ako sa may hospital.pagdating ko
sa mcdo sa carpark nakita ko kung gaano kahaba ang pila kaya
iniisip ko na lang na sa may lacson na lang ako magwiwithddraw.
pabalik nakasalubong ko naman si kama(code name uli)haaaayyy
ang saya talaga ng umaga ko.balik uli ako sa playgroud upang
iwanan ang gamit ko at pupunta ng lacson para magwithdraw.
pagdating ko sa lacson offline so lakad ako uli papuntang Espana.
at salamat meron at walang tao.mabilis akong nakakuha ng pera at
nakabalik sa GS playground.pagdating dun ay unting hintay pa at
dumating na rin si kara.after a while umuwi na rin ako para
makapagpahingha ako...I know I have a long night to go....

4 ako nagising para maligo.lahat sila dito sa bahay busy dahil
pupunta sila sa christmas party nila mel sa AHS.kakainggit kasi
di ako makakasama pero ayos lang...paskuhan naman sa amin, at
mag-oovernight kami kila abi.mga 5:15 ay umalis na kami dito sa
bahay.at ayun na, binaba nila ako sa may labasan at naghintay ng
FX.mabilis lang ang biyahe pero kakaiba yung feeling...ewan ko
ba siguro dahil excited talaga ako nung gabing yun.
ilang sandali lang...nakarating ako ng USTE.daming tao sa labas
ng first gate...puro mga outsiders..pagpasok ko nagulat ako sa
dami ng tao...grabe kakagulat...dati kasi di ganon kadami.
pagdating ko sa pav unang napansin ng mga tao ang suot ko.hehehe
masyado daw babae at hindi nila ineexpect yun..para sa akin...
kumportable kasi ako...mas gusto ko na ganon ang porma...,madaling
makagalaw.at ayun na naman inulan na naman ako ng mga gifts ng
mga kaibigan ko...(kakahiya talaga)tas tamang tama si jen nanlibre
ng pizza...hahaha busogness.ilang sandali lang ay pumunta na kami
sa main field para maabutan namin yung fireworks.
habang naglalakad napansin kong napakarami talagang tao.as in
swear ang dami talaga...di ko akalain yung ganon kadami.kung
titignan halong Thomsians at outsiders yung dami na yun.mas
nagulat kami pagdating sa field...halos parang di ka na makahinga
sa dami ng tao.
tamang tama pagdating namin dun tapos na ang misa...ilang sandali
lang ay binukasan na ang giant christmas tree at ayun nagsimula
na ang fireworks...ang sabi nilang 10mins na fireworks ay
nangyari lang ng 5mins and 22 seconds...tinipid.after nun
ayun na nagsimula na ang program...niyaya kong mag ministop si
grace...nagkecrave kasi ako ng Belgian ice cream.pagdating dun
pila agad kami sa counter at ayun na..lahat na ata ng pambobola
nung counter eh napagtawanan ko na.
pagdating ng 9pm pumila na kami para makuha ang aming libreng
food.dun kami sa coop pumila...hahaha dami nilang food na
nakahanda halos malunod na nga kami nung kumakain kami.after
kumain unting bonding at ayun na dumatin na rin ang mga bandang
tutogtog sa paskuhan.
unang kumanta ang Urbandub...tatlong kanta ang kinanta ni gabby.
yung una yung soul searching galing sa album na Inflence...tas
yung bago nilang single tas yung...hahahaha nakalimutan ko na
yung title...ewan ko ba at biglang nawala sa utak ko.after nila
kumanta na ang Dicta license...oo nga kamukha nga ni kuya si
pochoy..dalawang kanta lang yung sa kanila...yung una yung ating
araw tas yung nagkamalay nung dekada nobenta.after nilang kumanta
halos lahat ng babae ay napunta sa harap...bakit dahil tutugtog
na ang sponge cola...lintik na yael yan lakas ng kamandag.
kinanta nila yung...ano ba yan nakalimutan ko na naman...basta
revival...tas bitiw...heheheh at jeepney...after nun tapos na
rin ang paskuhan sa 2006.astig walang nangyari sa akin na
kaiiyakan ko nanaman...kaya haaayyy buti naman.

mga 11 na kami pumunta ng lacson...kila abi kasi kami matutulog.
magkakasama kami nila kat,grace at nanay melai.grabe tagal naming
nakasakay ng taxi, buti na lang yung nasakyan namin mabait yung
driver.mga 12 nakarating na kami kila abi.pagdating kila abi.,..
kuwentuhan tas kumain kami...tas after naming kumain naligo na
at ayun na diretsong usapan at chikahan na ang ginawa namin.
natapos kami mga bago mag5...pero dahil pasaway kami nila grace
at nanay...6 na kami natulog dahil nagkuwentuhan pa kami.
nagising kami ng mga 8dumating kasi yung mga tita ni abi...tas
ilang sandali lang knock down uli kami...nagising kami mga 10 na
rin.tamang tama paalis na si kat.pagkaalis ni kat, naligo na ako
tas pagkatpos ko dumating na rin sila abi at grace.naligo na sila
nanay at grace tas yun..kumain na kami ng tanghalian..pagdating
ng 2 umuwi na rin kami.naabutan pa nga kami ng ulan habang
nagabang ng bus.tas ayun...mga 3 na kami nakauwi.

haaaayyy ang saya ng paskuhan kahit tinipid,.,at talagang
ang-enjoy ako sa overnight kahit masakit ang ulo ko....

Tuesday, December 19, 2006

no comment

halos lahat ng class kanina walang prof...kundi naman nag
kichristmas party...anak naman o...kami lang ata ang naglelesson
pa kanina.oh well nagsimula na ng bagong lessong ang dalawang
major ko san ka naman.at para simulan ang aking bakasyon...
pumasa ako sa quiz namin sa Polsci...san ka pa...hehehe to think
na di na ako nag-aral dun.haaayyy kakatamad kasi si Bunquin..
ewan ko simula nung pinahiya niya ako sa SFAD ayoko na talaga
sa kanya.

after ng class nagpunta kami sa bahay nila nomer.hehe ang saya,
sa ikatlong taon ko sa kolehiyo pangatlong bahay na ng kaklase
ko ang napuntahan ko...sa marikina sila so walang problema sa
akin pag-uwi.kaya kami nagpunta dun para gawin yung chap 1 ng
thesis namin.hehehehe kahit papano may naaccomplish naman kami.
si ate len na bahala sa background of the study tas ako sa intro.
tas ayos na yun.kapag may mali edit na lang at yes may chap 1 na
kami.after kila nomer nakipag kita ako kay margaux para bayaran
yung inutang ko sa kanya.sa wakas nakita ko na rin si toni...

hehehe no comment.....
Mind Boggler Survey (not usual questions!)
Ever spin around in circles until you got so dizzy you fell?:yeah...paboritong laro namin to nung bata...weird kasi nakaksuka siya pero lagi pa rin naming ginagawa
What's the most comfortable thing you own?:unan
Do you wear the hood on your hoodie?:minsan
How long does it take for you to take a shower?:30mins to 1 hr
Have you ever stolen a sign from a street?:no...pero trip ko
What was the last thing you were thinking about?:pano ko ba sasabihin sa kanila na hindi na ako masaya
If you could change your MIDDLE name, what would it be?:cruz...wala lang yan ang unang pumasok sa utak ko eh
Is the moon out right now?:ewan di kita sa kuwarto nila kuya eh
What's the heaviest thing you own, besides a car?:ref
Do you live on your own?:no...at ayoko
Who's car were you in last?:sa amin...
What's your relationship status?:single...hahahahaha and still hoping...
Who was the last person to ever kiss you?:si pauline
When was the last time you held hands with someone?:nako...puta tagal na nito ah....hmmm teka ang tanda ko mga feb 28 ata yun nung 2005
Do you have a crush/like someone right now?:oo naman...at nakita ko siya kanina...buo na naman ang araw ko
Have you ever wished upon a star for a certain someone?:yeah a couple of times
What was the weirdest moment with you and your bf/gf?:hmmm ano nga ba...siguro yung ano yung nangyari nung april 30 2004
Is love even real to you?:oo naman./..without it everyone could be dead right now
Warm up near a fire or cuddle under the stars?:oo...syet...
Who is the person you regret being/doing something with the most?:wala naman...
Most romantic: flowers or chocolate?:flowers
If single... are you lookin around?:oo naman...meron naman eh...kaso di lang talaga pwede dahil sa sitwasyon
If taken... are you happy?:hahahahah taken,..,.upakan kaya kita...bitter pwede pa
Do you like being around a large group of friends, or two best friends?:two bestfriends
What's one of your weird quirks that nobody really understands?:hmmmm ano nga ba...marami eh...yung pagkabuhay ko pa nga lang sa mundong to weird na eh
Ever thought about why grass is green?:di pa naman...pero dahil binigyan mo ako ng idea pag-iisipan ko
Can you build a detailed sand castle?:no...ni yung simple nga di ako marunong eh
Ever bit someone else's tongue?:no...at ang gross nun
Have you ever tackled someone to the ground?:wala pa naman
What's one of your favorite possessions?:hmmmm yung panda bear ko na bigay ng mga september peeps
Do you like to sleep?:NO
Is your bed comfortable?:oo naman
What's the most awkward thing that happened to you in public this month?:wala pa naman
Who's the last person that freaked you out?:hmmm si jen...kanina lang
Who was the last person to compliment you?:hmmm sino nga ba...well si cha...sabi niya pumapayat daw ako...syet unti pa...20lbs pa
What's in your purse/backpack/other(pockets, wallet...)?:wala
Do you feel like life will be easier when you're older, or harder?:harder....the way i see it
How come macaroni and cheese is so good?:ewan ko rin...
Is pink the new black?:huh...
What thought made you cry last?:yung idea na may bago na siya...na di pwedeng maging kami nung taong yun...kung kailan naman naging patient ako...dumating na siya tas di kami pwede...
Take this survey | Find more surveys
Bzoink - The Original Survey Site

Tuesday, December 12, 2006

welga

7am pa lang eh gising na ako...that's weird kasi dapat kapag ganitong araw 5 pa lang gising na ako...hehehe wala kasing pasok kanina yung may class ng 7-1 kaya yun...hahaha tulog galore pero dahil hindi na rin sanay ang katawan kong gumising ng late(pero kapag may pasok late gumising)maaga akong nagising.pagkagising basa muna ng balitang hindi na natapos...takte naman OO...(sana maisip ng mga taong nasa gobyerno na mas maraming nangangailangan ng tulong nila kaysa sa kanilang mga sariling interest na mapahaba pa ang tagal nila sa puwesto).inutusan na ako ng nanay kong mag-almusal na para makaalis na kami ng maaaga.(yan ang trabaho ko...driver ng nanay ko at ni pauline).

punta muna kami sa PS bank na naburat pa ako kasi may isang sasakyan na nakapark kung san ang entrance ng parking ng bangko...san ka naman.after a while may umalis na dun sa isang parking so nakapark na rin ako ng maayos.mabilis lang si nanay dun kaya ayos lang din.

after namin dun nagpunta na kami ng SM.ang saya kasi first time kong magpark sa second flr...madalas kasi pag pumupunta kami ng nanay ko dun puno na.at dahil maaga kami nagsawa ako sa parking space.after naming asikasuhin ang aming mga bayarin ay kumain kami ni nanay sa tokyo tokyo...(haaayyy LOUIE pano ka ba tuluyang papayat nyan kung lagi kang kain ng kain...)after naming kumain...may binili lang ako sandali sa National tas uwi na kami.

pagkababa ko ng parking sabi ni nanay dumaan na raw kami kila lola sa manggahan...at dahil masunurin ako at kahit pagod na ako...ayun punta kami at pagdating sa may commonwealth...ano to...isa na namang mahabang traffic...pucha naman tangahaling tapat pa talaga.nagkabuhol buhol ang mga sasakyansa kalye...gumaan lang pagdating ko sa ever kaso habang papalapit ako sa St Peter ayun na hindi na gumagalaw...the hell...ano yun...hanggang sa napagtanto ko ang dahilan...may rally na naman sa batasan...(pilipino...kailan ka ba matututo)pagdating sa isang Uturn slot kung saan nagkacounterflow na ang mga sasakyan ako ay lumusot...at habang dumidiretso...nasilip kong mahaba haba pa ang traffic kaya sabi ko kay nanay na umuiw na lang kami.ayos mas mabilis pa kaming nakauwi...buti na lang...

utang na loob Juan DeLa Cruz...minsan naisip mo ba na wala sa kamay ng pamahalaan ang iyong pag-asenso...oo nga tayo ay may kalayaan sa pamamahayag ngunit naisip mo na rin ba na ito ay inaabuso mo na.Hindi ang gobyerno ang mag-aahon sayo sa hirap...sana maisip mo na kung sana ay inaksaya mo na lamang sa panahon mo sa paghahanap ng trabaho...o paggawa ng makabuluhang gawain eh di sana nakatulong ka pa sa iyong pag-unlad...alam ko na ang isasagot mo sa akin Juan...wala namang ibinibigay ang gobyerno na edukasyon at trabaho na maari mong pagkalibangan...pero naniniwala ako na ang PILIPINO...MAPARAAN MAABILIDAD...kaya makakahanap ka ng solusyon sa problemang ibinabalin mo sa iba....MINSAN BAGO MO SISIHIN ANG IBA TIGNAN MO RIN ANG PARAAN MO NG PAMUMUHAY!!!

Monday, December 04, 2006

a b o u t m e - l a d i e s o n l y
- b a s i c s -
name::maria louise
age::20
location::ng bahay ko...quezon city sa balara
birthdate::september 6, 1986
- p e r s o n a l s -
height::5'2 1/2
weight::di ko alam eh
hair::shoulder length na layered at may bangs...
eyes::dark brpwn
nationality::pinoy
- b a d h a b i t s -
smoke?:no
drink?:socially
drugs?:yung para sa sakit oo
lie?:oo naman
cheat?:sa test hindi...sa relasyon di rin...madalas ako ang ginagago...nagpapagago naman
steal?:nung bata ako oo
swear?:oo naman
- t h i s or t h a t -
fire or ice?:ice
winter or summer?:winter
rain or snow?:snow...whaaa gusto kong maexperience
hot chocolate or coffee?:hot choco
hot tea or ice tea?:iced tea
coke or pepsi?:coke
ice cream or cake?:ice cream
chocolate or vanilla?:chocolate
strawberry or cherry?:pareho
watermelon or kiwi?:di pa ako nakakatikim ng kiwi eh pero watermelon
peach or pear?:pear
peanut butter or jelly?:hmmm both
- i n a g u y -
taller or shorter?:basta mas matangkad sa akin ng mga 3-5 inches
body type?:kahit ano
hair?:hmmm basta bagay sa kanya
eyes?:hmmm dark brown o black
tattoos or piercings?:wala sana
his style?:kahit ano pero mas trip ko yung preppy looking o boy next door
- f a v o r i t e s -
pop?:anong pop?
flavor?:ng????
song?:stay-carol banawa; paalam na-rachel alejandro;wag na wag mong sasabihin-kitchie nadal;someday-nina;patlang-cambio;hiling-paramita
movie?:wedding singer,jologs,now that i have you,shallow hal,godzilla,the village, shutter
color?:red at pink
- z o d i a c -
your sign?:virgo
do you believe that the zodiac is correct about love matches?:hmmm medyo
- g e n e r a l -
what is the best feeling in the world?:yung masaya ka tapos di mo maexplain bat ka masaya yung walang definite measurement at reason basta masaya ka lang...
what is the worst feeling in the world?:yung makita o malaman mong may isang taong sira ang buhay o umiiyak ng dahil sa pag-aalala o pagmamahal sayo
what is your main goal for 2007?:hmmm ano nga ba...mapasa ko tong 2nd sem with flying colors
what do you see yourself doing 5 years from now?:hmmm siguro working sa isang museum sa states...o nag-aaral sa singapore o japan...taking up another masteral degree
what is your lifetime goal?:hmmm magawa yung dahilan kung bat ako nandito sa mundo
if you could go anywhere in the world, where would you go?:hmmm sa madives...hahahaha
why would you go there?:ewan
who is the one person in your life that inspires you?:hmmm sino nga ba....si kuya siguro...o di kaya magulang ko...pero...pwede na rin si SUNSHINE
how do they inspire you?:hmmm tanong mo si grace...
what are 3 positive words your friends would use to describe you?:masayahin...matatakbuhan...magaling magbigay ng advice
what 3 negative words would your friends use to describe you?:maingay, makulit, iyakin
name one person from your past that changed your life.:ANDRIA PATRICIA LABUDAHON...if only...tangina talaga.....
- a d v i c e - f o r - a l l -
Never leave the one you love for the one you like..
Cause the one you like will leave you for the one they love.
Never take life for granted, it's too short..
Stop and smell the roses..
Live for today..
Live for this moment..
Take this survey | Find more surveys
Bzoink - The Original Survey Site