Tuesday, January 30, 2007

all i can say is...

my bago akong crush at lalaki...

yun lang!!!!

Friday, January 26, 2007

i hate what im doing...

oo nga sige na...pagdating sa kanya...questionable pa rin kung nakapagmove on na ako o ano.nahuli ko na naman ang sarili ko reading her blog...i just couldn't help it.it was last oct since we last talked (or texted). it seem that 2months was that long that i need to know any news about her and her new girlfriend...pucha syempre the fact that she's really happy on what's happening with her life makes me so pathetic and envious.bat ganon ako ang iniwan pero parang ako ang di makalaya.lame excuses of i dont know the reason why we end up...or kasi di ko pa nakukuhang mabuhay nang nandiyan siya..just makes the pain pile up and makes me indifferent of what i am doing with my life.move na dapat pero bakit ganon...sigurado di ko na siya mahal but why...why am i feeling jealous and angry whenever the thought of her being happy with her always blows into my mind...i really need to asses everything...lalo na ngayon another lesbian is making the moves and im really pushing her away for i promised to a lot of people that i wont be going back to that kind of life again.sayang naman ang pagtitiis ni margaux na magkahiwalay kami ng school na mapupunta rin pala ako sa tibo sa bandang huli.
oh well i dont love her i guess but i know for a fact that i still haven't moved on with the idea na masaya na siya and for the first time she is willing to sacrifice everything for that person...
-...... sana ako na lang

Wednesday, January 24, 2007

USER!!!

i just want to be out of your world...masaya na ako na wala ka...sanay na ako eh...kahit masakit at mahirap nagawa ko...lahat para sayo.,..pero sana naman...walang gamitan...sorry pero ang pangit talaga ng dating eh...sige na I over reacted pero PUTANG INA naman eh...bakit kailangang umikot ng mundo ko sa mundo mo...

kahit kailan di ko pinagsisihan na nagustuhan kita...pero sana wag mo ng isampal sa mukha kong di mo ako magugustuhan kahit kailan...dahil di ko ginawang lumimos ng pagmamahal...alam mo yan

Saturday, January 20, 2007

Emotion Survey (Really, really good questions!)
HAPPY!
What song currently makes you really happy?:if we fall in love
Who makes you the happiest?:si God...
Are you happy right now?:saktao lang...saktong lungkot saktong masaya....weird
What food makes you happy?:dinuguan...sorry may pagkaaswang kasi ako
Do you smile a lot?:hahaha oo naman kahit minsan gusto ko ng umiyak dahil sa mga nangyayari smile lang ng smile...to naman parang di na nasanay...
How many times did you laugh yesterday?:madami kulit kasi nila eh
What friend is the happiest that you know of?:what baka who...
SAD =[
Do you get depressed easily?:no...madali akong maparanoid..
What's the most depressing song you know of?:stay ni carol banawa pero yun ang fave song ko weird
Are you really upset right now?:hmmm upset with what i am currently doing with you know who...pucha naman Lord sabi ko ayoko na tas eto na naman...
Have you lost anyone friendship-wise?:kailangan pa bang imemorize yan...
Have you cried this month?:OO...syet buti na lang sinagot agad ni God yung prayes ko kung hindi...di ako makakatulog ng nakangiti at ng mahimbing
Do you talk to anyone when you're upset?:hmmm sometimes I dont i try to keep it first pero kapag sasabog na o di kaya may nakapnsin na that when i'll talk
Are you considered "emo"?:medyo...
Do you have any mental disorders?:hmmm mukha...hahahah
Does depression run in your family?:NO!!!!!
ANGER >[
Do you get pissed off easily?:no...
Who has angered you last?:hmmm sinoi nga ba...ah yung teacher ko sa polsci...gago kasi siya eh...nagsabi siya ng hindi ko nagustuhan tungkol sa nanay ko...at di ko yun mapapatawad
Have you ever wanted to literally KILL someone out of pure anger?:OO..siya nga yung prof ko
Do you have any anger management problems?:wala naman...di kasi ako madaling magalit
Do you get physical when you're mad?:no
Do have a rough time getting along with family or parents?:no
When was the last time you got into a fight (verbal OR physical)?:hmmm sino nga ba...
Is there a constant battle between you and someone else?:hmmm wala naman
Do you hate people easily?:no
Love ♥
Do you believe in love?:oo naman because God is love....
Are you single/taken/confused/swinger?:confused...syet...Lord sabi na eh....oo nga naghahanap ako ng lovelife pero naman Lord ayoko na po ng kumplikadong buhay
Do you hold hands when you are dating someone?:dating....hmmm dipende
Do you like to date?:hmmm basta ba gusto ko yung kasama eh
How long was your longest relationship?:hmm 11months
How many boy/girlfriends have you said "I love you" to?:2
Do/Did you mean it?:oo naman ewan ko lang sa kanila...whaahahaha bitter
Are you happy about your love/relationship status right now?:happy?in confused...kasi naman eh...
Take this survey | Find more surveys
Bzoink - The Original Survey Site

Wednesday, January 17, 2007

ngayon alam ko ang isasagot ko...

madalas na akong makipagchat ngayon sa irc....dahilan...wala lang gusto ko lang ng makakausap...kahit minsan lang makajockpot ng matino at least yung mga matinong yun eh for keeps naman talaga.sa irc madalas itanong sayo...kahit sino pa...kahit yung mukhang tanga...yung first timers...mgha posers...mga malilibog at gago...di nila mamimiss itanong ang tanong na...(teka maliba sa vital stats mo ha...) "may bf ka na ba?" at ewan ko ba kung anong meron pero madalas ang sagot ko eh... "hindi uso sa akin yun eh" tas susundan ng "bakit di uso" at sabay sagot naman ng... "ewan ko pangit kasi ako kaya walang nagkakagusto"...palaging ganyan ang usapan...maswerte na lang yung lalaki o malas kapag naibahagi ko sa sandaling usapan ang ideyang...paano ako magkakabf eh bisexual ako...at madalas babae pa ang nakakatuluyan ko.

pero bigla kong naisip...yun nga ba yung dahilan...dahil bisexual ako...pero kung iisipin naman may nanliligaw naman eh...pero di ko lang talaga pinapansin...mas gusto ko lang na nandiyan sila tas magkasalubong sila sa school at magsapakan sila sa harap ko.o feeling ko naman babaeng babae ako...pero pagkatapos nun...ganon pa rin..di pa rin uso sa akin ang magkabf.

di ko maikukubling naiinggit ako sa mga kaibigan ko na may boyfriend na...at least sila naranasan nila yun dalaga pa sila...eh ako decades na wala pa ring karanasan sa ganyan...weird nga eh...kasi ang galing kong magbigay ng advice pero di ko pa naman nasusubukan sa sarili kong buhay ang mga iyun.nakakahiya mang aminin...minsan gusto ko na lang maglaho kapag yan na ang usapan...di na kasi ako...natutuwa.

pero bakit nga ba wala pa rin...habang nagmumuni muni...may bigla akong naalala..at siguro yun nga ang sagot...hindi dahil sa hindi ako handa o dahil masyado na akong maraming obligasyon para pa mabigyan ng panahon ang bagay na yan...o dahil history teacher ako at dahil history eh magiging mukha ka na ring history dahil tumanda ka na lang dalaga..hindi...dahil sa....

di na ako natuto...simula sa KANYA na dahilan kung bakit ayoko sa mga lalaki...at ngayon sa pang-apat na pagkakataon...wala kayong pinagkaibang lahat...gusto nyo lang na paasahin kami...yung tipong hook ka na...naadict ka na...hinahanap hanap mo na...at kapag ganon na ang sitwasyon...saka kayo mang-iiwan.oo hindi lahat ng lalaki ganon...o siguro ako lang to...ang dali ko kasing magtiwala...lagi pa akong umaasa.punyeta...BITTER na kung BITTER>..pero yun naman talaga ang purpose ko...ang paglaruan...at iwan...

galit ako...galit ako hindi dahil sa sitwasyon...pero dahil alam kong mauulit uli to...malulungkot na naman ako...kasi di ako natututo...minsan nga ayoko ng magpakababae eh...mas masakit lang...mas gusto ko na yung pasipat sipat lang ng babae...dahil alam kong bawal di ako masyadong magbibigay...pero ganon din...pagkatapos kang gamitin...iiwan ka rin...

peste malas lang talaga ako sa ganitong larangan...

ang masasabi ko lang... di naman sa di siya uso...pero ayoko na lang kasing magtiwala pa...

walang sense kaasar...

Monday, January 15, 2007

2 down 4 to go

late na ako nagising kaninang umaga...sabi ko pa naman gigising ako ng 4:30 para mag-aral uli.feeling ko kasi yung aral na ginawa ko kagabi ay bara bara lang.pero ewan ko ba, pagkagising ko ng 4:30 sabi ng konsensya ko...( mas ok nang matulog ka ng maaga kaysa sa mag-aral ka pa uli na alam mo namang pagod ka)kayan yun...natulog ako uli.nagising na ako ng 6:15...late na ako ng 15mins pero sige ayos lang.kumain na ako ng almusal at naligo.mabilis lang naman ako naligo so 6:35 pa lang eh tapos na ako.san ako natagalan...sa paghahanda ng gamit na dadalhin ko sa school.7:15 na tuloy ako nakaalis...whaaaa late na ako ng 15mins.

pagdating sa montessori natagalan pa ako makahanap ng diretso so naisip ko ng sumakay ng kahit ano...naghahanap ako ng welcome para mas malapit pero lahat din puno kaya yun...naisip ko na lamang mag Pantranco.mabilis naman ang biyahe mula sa amin hanggang pantranco...pagbaba ko ng pantranco nagdalawang isip pa ako kung mageFX ako o jeep...at dahil akala ko ay hindi traffic nagjeep na ako...isa pa para makatipid na rin no.kaso...tanannnnanannnn traffic pagdating sa may mayon...tama yan...dun sa may rotonda di gumagalaw at 8:15 na...teka time check lang...pagkakatanda ko kasi 8:30 ang exams ko...good luck talaga sa akin. 8:30 na ay nasa may trabaho pa lang ako...sabi ko sakto quarter nasa uste na ako...at di nga ako nagkamali.pagbaba ko ng jeep may nakita pa ako...si ******...at pareho pa kami ng dalang bag.kung sinuswerte ka nga naman.

dali dali akong umakyat papuntang 5th flr...take note 5th flr ang rm ko nang....bumulaga sila krisha,cha, at iona na nasa corridor...whaaaattttt wala pa si sir...haaayyy kung sinuswerte ka nga naman.mga ilang minuto din kaming naghintay...9:30 na nang dumating si sir bautista...san ka naman....at yung test...oh well minus 10 na ako...kasi naman tatanga tanga.

after kung mag-exmas eh bumaba na ako kaagad para sa isa pang exams ko na magsisimula ng 10:30.yung CI...peste nakakaasar...yung tipong sana man lang nirumble naman yung mga letra...at walang trend yung true or false...nakakaasar...alam mo yung feeling na sana di ka na lang nag-effort mag-aral.maaga akong natapos...pagkatapos na pagkatapos ko, lumabas agad ako at dali daling nagpunta sa faculty...papasign ko kasi kay ma'am menez yung mga posters...at baka mag-away na naman kami ni chairman.kaso pagdating ko dun di pwedeng pumasok yung mga students...oh well some other day na lang.tamang tama dahil pupunta na rin naman ako ng glorietta inintay ko na lang na lumabas si abi sa faculty rm para sabay na kaming umuwi.

nagbus lang kami ni abi papuntang makati.at pagdating sa landmark...ako ay natuwa...dahil nakakita ako ng mga dangling earrings na sobrang cute...as in...at 30 pesos lang...kaya dali dali akong nagpunta ng SM makati para bayaran yung bills ng nanay ko...punta ng glorietta para kunin yung pinaayos kong phone...at bilhin ang mga hikaw na nais ko...hahahahah...nakadalawang hikaw din ako...isang bracelet at isang suklay.mga 3 na ako nakauwi.sumakay na lamang ako ng bus pauwi.

balak ko pa sanang bumaba sa luzon at mag tricycle na lamang papunta sa subdiv...pero dahil nagtitipid at operation 115lbs ako...sa montessori na lamang ako bumababa.habang naglalakad at tuwang tuwa dahil may bago akong hikaw at nakuha ko na yung phone ko...mas lalo pa akong natuwa...hahahahah nakita ko yung crush ko na kapit bahay namin...syet talaga as in...ang guwapo niya talaga...haaaayyy at sa wakas nalaman ko na rin yung plate number nung sasakyan niya...haaaayyy minsan sa isang araw lagi kang seswertehin.

pagdating ko sa bahay....may bisita kami...yung umuupa sa bahay namin sa proj8 na may construction business...pinag-uusapan nila ni nanay yung pagpaparenovate ng bahay namin.after a while inutusan ako ng nanay ko na ihatid siya sa may luzon gate..nung una ayoko pa kasi malapit ng mag inocente de ti...(matagal na kasi akong di nakakapanood)...pero bumigay din ako.imbis na dun ako s amay left dumaan dahil mas maluwag dun...dun ako sa may right dahil ewan ko napili ko lang...at pucha...pagdaan ko sa bahay nila..nakita ko na naman siya...sa labas ng gate nila...haaaaayyy ang guwapo mo talaga.after kong ihatid si tito francis..ay...dun ako uli dumaaan...at yeeeessss nandun pa rin siya...haaaayyy kung sinuswerte ka nga naman....

at may theme song na ako sa kanya...

Sa Langit

by Moonstar88

album:

Paano kaya mapapansin
Pag-ibig kong itong laging bitin
Panay sulyap puro tingin
Hindi na talaga lilingunin

Lagi na lang nasasaktan
Puso kong itong nagdurusa
Laging pinipilit pag-ibig
Ko sa iyo ay dinggin

Hihintayin na lang kita sa langit
Hihintayin na lang kita sa langit
Marahil doon puro pag-ibig
Siguro naman ako ay pansin
Pagbibigyan sa aking mga hiling

Paano kaya mararamdaman
Pag-ibig mong aking asam
Marahil nga doon na lang sa langit


Hihintayin na lang kita sa langit
Hihintayin na lang kita sa langit

Lagi na lang kitang nakikita
Tila ba isang madilim na ulap
Walang kasing iksi na para sa aking pag-asa

Hihintayin na lang kita sa langit
Hihintayin na lang kita sa langit

Ako ay may kaba
Ako ay nag-aalala
Kung tayo ba ay magkikita sa langit
Doon sa langit
Sana sa langit
Sana sa langit

Ang tangin pag-asa ko na lang ay langit



phone beeps at 19:48pm
**** haaayyy kung sinuswerte ka nga naman....***


minsan nakakatuwa na rin...na wala kang lovelife...nakakatuwang kinikilig kilig ka paminsan minsan...salamat talaga Lord for making me smile today...

Sunday, January 14, 2007

Kailan ka Darating

Kailan ka Darating
by: Wency Cornejo and Rachel Alejandro

Dati ay nasaktan na
Ayoko na sanang lumuha pa
Nag-iisip, nagtataka,
Sa'kin kaya ay darating ka pa
Nagtatanong ako kailan kaya
Marahil ay nariyan ka lang
Sa'king tabi ngunit di ko alam
Sana nga'y malapit ka
Pagkat ako ngayo'y nag-iisa
Ngunit ako'y laging umaasa
Balang araw di na mag-iisa

Chorus:
Kailan ka darating sa buhay kong ito?
Kailan mapapawi itong aking lungkot
Ang puso ko'y naghihintay sa'yo

Nasa'n ka o giliw ko?
Ako'y nangungulila sa 'yo
Kay tagal ng 'yong pagdating,
Sa Diyos ako'y laging humihiling
Nagdarasal sana ay dumating
Ano'ng kinakailangan kong gawin

(Repeat Chorus)
Anong kailangan kong gawin
Upang ika'y maging akin
Nasa'n ka na (3x)
(Repeat Chorus)

kanina ko lang narinig tong song na to...at sakto...tama siya...magtiwala sa Panginoon...just live your life not thinking of it...but try to be the right person...hahaha tama dont waste your time wanting someone na hindi ka naman gusto...haaaayyy I trust you...but if being single is my purpose...i would gladly embrace it...because i know you are here by my side...

pero ill be very happy if i have that someone you chose take care of me...


Saturday, January 13, 2007

pagbabago

naramdaman mo na ba yung sobrang malungkot ka. yung malungkot na malungkot na di mo na rin alam kung anong dahilan.gusto mong umiyak pero walang luhang lumalabas.alam mo malungkot ka...pero di mo alam yung dahilan...naranasan mo na ba yun...ako OO...at di ko alam ang gagawin ko.

i tried talking to a friend about it...pero the feeling is still the same.siguro mas tama talaga na yung problema ang atakihin eh...kumbaga yung mga taong involved.pero pano ko gagawin yun ni hindi ko nga rin alam ang rason kung bakit ako malungkot. then i decided to talk to my bestfriend...and sadly mas lalo kong nafeel yung malungkot...(oh well while typing im crying).pero dun ko naramdaman na hindi ako totallyng malungkot...may puwang na hindi ko mapunan.i try thinking about it pero di ko mahanap.

i just miss my old self...or maybe i just miss the things were before.marami ng nakakapansin...FRIENDSHIP ang problema...change si happening at di ako makasabay.para bang stuck pa rin ako sa kung san ako naiwan.para bang nakamove on na sila and they have their own lives pero ako di makasabay.ako ba ang nagbago...o naiwan lang ako ng pagbabago.

habang sinusulat ko to mas lalo kong nakikita kung ano ba talagang nararamdaman ko. siguro nga kailangan kong harapin ang realidad na tumatakbo ang panahon at kailangan kong magising
at baka maiwan ako ng biyahe.tinignan ko yung buhay ko...at bumalik ako kahapon...naisip kong
tama ngayon ko lang nga to naramdaman...ang MAG-ISA...mag-isang natutuwa...naiiyak...nagagalak...namumublema..at siguro kailangan nang hindi sa masanay...pero tanggapin sarili ko ng buhay ang binubuo ko. sa 20 yrs na nabuhay ako sa mundong to..lagi ko lang naiiisip kung pano ko papasayahin ang mga tao sa paligid ko...kung pano nila malalaman kung gano ko sila kamahal...nang di ko naiiisip kung ano bang pagmamahal ang gusto kong matanggap.di ko pa nararanasang maging masaya dahil may nagawa ako para maging masaya ako..naging masaya lang ako dahil sa sitwasyon...sa masaya yung ibang tao..pero hindi masaya dahil masaya lang ako para sa sarili ko.

nabuhos ko na rin lahat....lahat nga ba...o kaunti lang sa napakalaking bagay na hindi ko rin maipaliwanag. this time...i want to apprecite my life...my life na nabubuhay ako para sa sarili ko...sabi nga nila...DI MO KAYANG IBIGAY ANG ISANG BAGAY NA WALA KA!!!...

i'll just pray to God...i know he knows the answers to my query...at alam kong mas alam niya kung anong pinagdadaanan ko...at alam ko may dahilan to kung bakit...

one thing is for sure...i miss my friends...i really do...

Tuesday, January 09, 2007

plastik

may mga panahon na nagbubulag-bulagan ka sa mga nangyayari sa paligid mo para wala na lang problema. madalas pilit mong binabalewala ang nararamdaman mo dahil pakiramdam nila nagdadrama ka. pilit mong ikinukubling nasasaktan ka dahil ayaw mong isipin nilang emosyonal at mababaw ka. pipilitin mong maging masaya kahit sa loob mo HINDI NA!!!!

thanks margaux nagtext ka kanina...namiss talaga kita...sa mga kaibigan ko nung HS i really miss you guys...kailangan kong umupo sa mcdo...at umiyak...todo na to!!!!

di na ako masaya alam mo ba yun...malamang hindi dahil wala naman kayong paki alam...

Saturday, January 06, 2007

panalangin

nakakatuwa kasi tuwing may hinihiling ko wala pang isang oras nangyayari na lang...

akala ko talaga katapusan ko na dahil nasira yung phone ko (yung 3230), dahil dun wala na yung mga sinave kong messages...pati number...naiiyak na talaga ako.tas kagabi...nagkalagnat pa ako..

di ako gumaling galing sa lagnat...naiiyak na talaga ako...sabi ko isang text lang talaga galing sayo...para malaman ko lang uli yung number mo...kasi kapag hindi...gano na naman kaya katagal para malaman ko uli yung number mo...o di kaya makasama kita...naiiyak na talaga ako...hanggang sa...

phone beeps at 11:24 pm

"pki tglan nyo n
nga c
ederlyn.ndi nman nya kau
inaanO,msya na
xa s bhay nya
kht wla kau!!
TIGILAN NYO NA
C EDERLYN!!!

-ESTER (nanay n
ederlyn)
wahahha..."

"sensya na nasira kasi
yung phone ko nabura
lahat ng contacts pwedeng
malaman kung sino to"

sends message

phone beeps at 11:41pm

***** *******

thank you talaga Lord at dininig nyo ang panalangin ko...

Tuesday, January 02, 2007

reason to be happy...

phone beeps at 4:51pm

message open...

"did u evr luk at a picture
of urSlf n c a strngr n d
bckgrnd?`it makes u wOndr
hOw many pPol hav pictures
Of u,hOw many mOments Of
othr pPol's lyvs we'v bin in.
Were we part Of sum1's lyf
wn dyr dreams cme true, Or
wer we wer dr wn dyr
dreams dieD?did we kip tryn
2 get in as f we wer
sumhow dstnd 2 be dr? Or
did d shot tke us by
surPrize?jus thnk,u cud b a
big part Of sum1 else's lyf,
nd not evn knOw it"- lucas
scOtt of Onetreehill"

kung alam mo lang....




------------------------------------------------------------------------------------------------

HAPPY BIRTHDAY TATAY!!!!!

I MISS YOU

TAKE CARE

MAHAL NA MAHAL KO KAYO!!!!

....

____________________________________________________________________

Monday, January 01, 2007

2006...lessons learned

dahil maraming natuwa sa aking paglalagom na ginawa sa mga
nangyari sa akin noong nakaraang taon...uulitin ko ito uli.sana
matuwa at may matutunan kayo sa aking mga ibinahagi...

1. Mahirap maglipat ng grades sa record book...nakakaduling

2. Friends pa rin kayo kahit kung umasta siya parang boyfriend

mo

3. Laging maging handa...hindi mo malalaman baka bigla mong

makasalubong ang crush mo paglabas mo ng gate

4. Madalas magkasabay ang reporting mo sa dalawang major...malas

mo lang kapag ni isa wala ka pang nagagawa.

5. Hindi kailangan na may boyfriend o girlfriend ka sa

valentine's day para maging masaya pero paano kung magbebente ka
na sa taon na yun tapos di mo pa nararanasang may boyfriend o
girlfriend sa araw na yun masaya ka pa rin ba?

6. Do not mix politics with friendship


7. Nakakatuwang magbilang ng boto habang minumulto ang mga

kasama mo

8. Mas masayang magbilang ng boto ng alas tres ng madaling araw

kapag ang mga kasama mo ay malakas din ang trip tulad mo.

9. Bigla ka na lang nagigising kahit inaantok ka na lalo na

kapag may naghahanap ng poke niya.

10. Expect the unexpected


11. You have to be patient if you want to achieve something.


12. Huling hirit na nga lang mag-aaway pa kayo


13. Minsan yung taong di mo aakalaing magiging close ka kayo pa

ang naging super friends

14. May mga nagkakatuluyan na di mo inaasahan


15. Wag magplano mas lalong di natutuloy


16. Kapag nagkaaway kayo, dun mo lang malalaman at masasabi ang

mga nilihim na damdamin.

17. Mahirap iwan ang nakasanayan


18. minsan naman unahin mo ang sarili mong kaligayahan bago ang

iba

19. Kapag hindi mo inaasahan at nangyari mas masaya.


20. Wag magsasama ng kaibigan kapag nagdedesisyon..najijinx nya


21. Huwag magsalita ng tapos lalo na kapag di ka pa sigurado.


22. Wag na wag magplano na maghanap ng lovelife sa mga Leadership

seminar dahil baka pagdating mo dun madisappoint ka lang.

23. may mga LTS na para bang retreat


24. minsan kailangan mong lunukin ang iyong kahihiyan para

matuwa ang mga tao sayo

25. di mo inaasahan pero masaya din pala sa bandang huli


26. kung pipili ka na lang ng magiging crush bakit yung may sabit

pa...dala pa niya

27. di mo naman hiniling pero kagrupo mo pa rin siya


28. masaya mag amazing race kapag LTS nagiging close kayo ng

crush mo

29. madalas...di mo man aminin magkakamukha ang mga nagiging

crush mo

30. wag kang iinom ng todo lalo na kapag alam mong paglasing ka

kahit sa CR eh natutulog ka.

31. masarap magluto kasama ng buong tropa


32. sa mga nakakatuwang pagkakataon mo nalalaman kung kanino mo

ipagkakatiwala ang sarili mong buhay.

33. minsan kahit hindi sabihin alam nyo na nga bestfriend mo

ang takbo ng utak mo

34. hindi talaga marunong sumunod sa takdang oras ang mga

Pilipino

35. minsan di naman sinasadya pero katabi sa jeep ang crush mo

pagkatapos ng seminar habang nasa tapat nyo lang ang gf niya.

36. wag makikipagtawanan sa crush mo sa tapat ng gf niya baka

biglang magpamasahe ng paa ang gf niya dahil sa pagseselos

37. maliit lang ang mundo...ang bestfriend ng dati mong crush eh

ate pala ng kaibigan mo

38. minsan masakit sundin ang alam mong makakabuti sayo lalo na

kung expectations ng mga magulang mo ang hindi mo mamemeet.

39. nakakatuwang mag RORO lalo na kapag may kasabay kayong

guwapo

40. beauty queens runs in the family


41. masarap talaga ang bawal


42. kahit pala matanda hayok pa rin sa kiss


43. hindi maganda kapag ang mapapangasawa mo ay kasing tangkad mo

lang...kapag kinasal kayo di ka makakapag high heels

44. mahirap maging Maid of honor lalo na kapag lahat na lang ng

gawin mo eh mali sa paningin ng iba.

45. mas masarap kumain sa loob ng kusina tuwing kasalan mas

marami kang makakain.

46. walang gustong magsimula kapag walang mauuna sa mic


47. video oke ang natatapos lang kapag antok na lahat.


48. magandang panggising ang kantang bulaklak ng viva hot babes


49. kapag nasa kasal ka na ang salita ay di mo naiintindihan

at kasama mo ang mga pinsan mong puro kalokohan tatawa ka ng
tatawa

50. some good things never last


51. masaya mag night swimming sa bora


52. shooting stars ang everywhere wag ka lang talagang mag-abang


53. bargain para mas marami kang mabili


54. may mga bagay na pagpinalampas mo...pagbalik mo wala na...kaya

kung nandiyan na grab it

55. minsan dahil sa mga priorities kahit nagsasaya ka nauudlot


56. mahirap umupo sa passenger seat lalo na kapag antok na antok ka na.


57. tahimik ka lang sa upuan mo pagkatapos ng ilang saglit

presidente ka na ng klase

58. at dahil presidente ka na bigla kang nabigyan ng opportunity

na maging PRO ng student council...HUWWAAATTT parang kanina
nakaupo lang ako eh.

59. mahirap talaga yung feeling napaglabas mo ng classroom wala

kang natutunan sa isang oras na pagdaldal ng guro mo...paksyet

60. minsan may mga desisyon na nakikita mong mali pero wala ka

ng magagawa kundi panindigan na lang.

61. wag na wag mong gagawing tanga ang isang tao lalo na kapag

halata namang ginagawa mo siyang mukhang tanga.

62. akala mo nakamove on ka na kaso ng makita mong may bitibit

siyang mcdo para sa friend mo tumakbo ka sa CR at umiyak...ano
yun kala ko ba move on na

63. wag sasama sa akin sa FX lalo na kapag lalaki ka baka

mawindang ang mundo mo sa pantitrip ko.

64. mahirap itago ang nararamdaman lalo na kapag masakit talaga.


65. gulo ng dalawa damay buong barkada


66. wag magpapayong kapag umuulan at naglalakad sa subdivision

dahil bigla kang papayungan ng lalaking ubog ng guwapo.

67. wag magbibiro na unang araw kang magdedemo sa class dahil

nagkakatotoo siya.

68. kapag pumayat ka na...nakakaaddict na


69. hindi nakakatuwang pumasok sa araw ng birthday mo na may sakit

tas mababadtrip ka lang pala sa classmate mo.

70. minsan hindi mo kailangan silang lahat dahil isang text lang

ng isang tao ayos ka na.

71. kahit ayaw mo ng mangyari kapag nakatakda talaga kahit

gaano pa yun kasakit mangyayari at mangyayari.

72. wag mag-aappear sa klase ng prof mo dahil di na kayo magiging

fave class niya.

73. sa pinakadown na parte ng buhay mo makikilala ang mga taong

talagang dadamay sayo.

74. history repeats itself


75. wag mong iiyakan ang taong kahit kailan ay di naman nagkaroon

ng isang segundo para isipin ka.

76. wag ka ng magsorry dahil ikaw lang ang masasaktan


77. mahirap kumalaban ng bakla mataas sila mang-irap snabero pa


78. wag masyadong mapagmataas...tandaan tao ka lang at di ibon

na may pakpak

79. minsan kahit nag-aral ka na...di pa rin pala sapat.


80. masayang makamove on na nakikita mo siya kaysa sa nakaya mo

dahil di mo na siya nakakasama

81. ipakita at iparamdam mo na ang iyong pagmamahal sa iyong

mga magulang bago mahuli ang lahat.

82. wag maggoglobe dahil bigla mong malalaman na may iba na siya

habang ikaw nagmumukmok pa rin

83. minsan ikaw din ang may sala kung bakit ka nasasaktan.


84. wag maging matanong baka di mo magustuhan ang sagot.


85. wag magaIRC bigla kang nagkakaroon ng manliligaw


86. masakit masabihang tumataba ka...lalo na sa mga babae


87. tapos paguwi mo pa sa bahay gagatungan pa ng nanay mo.


88. mahirap maging nanay


89. wag makikipag EB sa school dahil kapag nakita ka ng mga

classmates mo di ka na nila tatantanan sa pang-aasar...

90. ...ang masaklap pa ipagkakalat pa.


91. kapag tibo ka at nakitang may kasama kang lalaki big deal

yun para sa kanila.

92. gawin na ang mga projects ng maaga para di mo maranasang di

makatulog ng apat na araw

93. di mo ineexpect pero may darating sayo habang di ka nakatingin


94. standards makes loving a person hard


95. wag mag-aasume ikaw lang ang masasaktan


96. wag agad agad maniniwala sa mga kuwento hanggat di nalalaman

ang kabilang mukha nito.

97. wag pagdudahan ang mga tao dahil baka naman biktima lang sila.


98. mas mabuti pang wala ka na lang alam...mas tahimik pa ang

iyong buhay.

99. anong party ang di masaya...eh di third party


100. ang lalaki kapag may gusto sa isang babae sasabihin niya ito.


101. ang lalaki kapag may gusto sa isang babae lagi itong

nagpapansin sa kanya.

102. masarap kapag may nag-aalaga masakit lang kasi di pwedeng

maging kayo

103. minsan akala mo ayos na...yun pala di pa


104. mas gusto ko na ngayon mag-isa ayoko na


105. minsan kahit gawin mong masaya ang sitwasyon kung di talaga

di talaga

106. maraming nangyayari sa mga overnight


107. you just have to let go


108. kung gusto mo ng pagbabago you need to do drastic moves...


109. mahirap magtapon ng mga lumang diary baka mabasa ng basurero


110. minsan di mo maintindihan ang nararamdaman mo...pero bakit

mo ba kailangang intindihin kung alam mo naman na masaya ka.

111. wag magkakasakit lalo na kung sa tagaytay kayo pupunta.


112. wag magpapahuli sa pagsakay sa passenger seat dahil kapag

naunahan ka katabi mo ang crush mo sa likod at kayo lang dalawa

113. minsan kahit subukan mong makipag usap kung alam mong may

nangyari ang awkward pa rin

114. walang diet diet lalo na kapag masarap ang pagkain


115. wag magpaulan lalo na kapag kasama mo ang crush mo...dahil

mag-aalala siya sayo...

116. ikaw kinikilig siya asar na asar


117. minsan may mga bagay na late magsimula...the moment you

realized it bababa na siya ng FX

118 make things happen when you want something to happen


119. bigla na lang siyang susulpot kahit akala mo patay na siya


120. masaya pa rin magkasakit lalo na kapag alam mong naging

masaya ka

happy new year guys...at sa mga tao...MAHAL KO KAYO...kung may
mangyari mang mga pagbabago its for the better...dont lose your
grip im always here.

ay oo nga pala...ahh basta...resolutions are better kept...