Monday, December 31, 2007

2007...rewind

heto na naman ako...sa taon taong kong ginagawa...halika na at balikan natin ang
nakalipas ng taon at ang mga aral na natutunan ko sa bawat panahon.

1. ang mga dasal ay dinidinig at sinasagot sa takdang panahon
2. kung para talaga kayo sa isa't isa, tadhnan na rin ang gagawa ng paraan.
3. sa chatroom specifically sa irc laging nagsisimula ang lahat.
4. huwag mag cram para di ka matabla ng bakla.
5. huwag maniniwala kaagad.
6. akala mo lalaki babae pala
7. kahit nangako ka na, minsan di pa rin maiwasang mabali.
8. mahirap mamili sa pagitan ng isang lalai at isang nagpapanggap na lalaki.
9. huwag mantrip ng ka EB baka magsungit.
10. tignan mo muna ang pic ng kachat/katext bago makipag EB baka mabigla ka mas maganda pa
siya sayo.
11. minsan nakakatanga kapag ang katarayan at kasungitan ay nasa iisang tao lang.
12. seryoso na ang tibo kapag niloloadan ka na.
13. mahirap ang maraming manliligaw dalawang telepono ang lagi mong hawak.
14. naiinlove ka ng di mo namamalayan.
15. pati pinsan nya pinagseselosan mo na.(teka hindi ba't di ako selosa?)
16. cute pala ako kapag nagseselos (ayon yun sa kanya)
17. masarap kapag sinisimulan at tinatapos ng isang tao ang araw mo.
18. laging maging handa, hindi mo alam kung kailan ka nya gustong makita.
19. huwag magcicivilian kahit na college week nyo, pag-aawayan nyo yun ng kadate mo.
20. dapat naappreciate mo rin ang sports ng kadate mo para di nyo pag-awayan.
21. wag magpapakita ng grades sa kadate mo, masasabihan ka nyang weird.
22. laging tumingin sa ilaim ng pinto ng cubicle, baka mamaya antay ka ng antay wala naman
palang tao..at oo pag-aawayan nyo yun ng kadate mo.
23. wag maging matagal sa cr magagalit ang kadate mo
24. wag ka ring magpapaganda para sa kadate mo kasi iisipin nyang lumalandi ka sa iba.
25. makipagsweetan sa lugar na wala kang kakilala para di ka pag-isipan ng masama.
26. umuwi na kapag sinabi ng kadate mo.
27. ang matinong babae daw, alasinko pa lang nasa bahay na.
28. siguraduhing mong makaksakay kayo kaagad dahil mag-aaway kayo ng di mo inaasahan sa harap
ng mga kakilala mong hindi alam na pumapatol ka.
29. huwag maiinlove sa taong broken hearted
30. mahirap mabasted sa araw ng valentine's day.
31. huwag magtatanong kung alam mong hindi mo magugustuhan ang isasagot sayo.
32. kung burara ka sa gamit bihado mawawala ang cellphone mo sa araw ng bilangan.
33. nag-iiba ang ugali ng mga taong tumatakbo sa posisyon.
34. akala mo lahat ay naayon na sa plano sabay mabibigla ka.
35. kahit eleksyon na di pa huli ang lahat.
36. natutpad ang mga pangarap ng mga taong marunong humingi at mangarap.
37. di masayang matulog sa semento ng org rm.
38. pagkatapos ng matagal na bilangan bulagta sa kama.
39. huwag mag-papaalam manood ng sine dahil siguradong di ka nya papayagan... (di pa kayo
sa lagay na yan.
40. siguro nga di talaga ako para sa tibo.
41. sa isang bus ride nagkakaayos ang mga taong di magkasundo.
42. masarap ipagbaon lalo na kung puro mga paborito mo ang baon nya para sayo.
43. minsan bigla mo na lang narerealize na gusto mo na ang taong di mo inaaakalang
magugustuhan mo
44. kapag kailangan ka ng X mo...bigla na lang siyang tatawag sayo.
45. anong gagawin mo kapag nalaman mong ang X mo balak mag-aral sa school mo...at sa college
mo...ako naexcite ako.
46. kapag talagang mahal ka ng isang tao, hihintayin ka nya mula 5-9 ng gabi sa labas ng
jolibee kahit umuulan.
47. wag pupunta sa mga madidilim na lugar...di mo alam ang mga mangyayari.
48. lasapin ang bawat araw ng bakasyon lalo na kung wala ka nun dahil sa summer classes.
49. patience is a good virtue.
50. you cannot have evrything.
51. dahil sa pang-aasar ng iba, naiinlove ka na.
52. suguraduhing may cellphone ang susundo para di kayo magkasalisi.
53. kahit anong pagtatago kita pa rin.
54. masarap yung feeling na mahuhuli ka.
55. mahirap ang klase na 7-3 na walang break.
56. bakit ba ang fave teacher ko ang laging kinaaasaran ng lahat.
57. true love waits.
58. kahit papaano aasa ka eh, maghihintay kahit wala naman talaga.
59. you do not find another person to complete you, rather you look for someone who is
whole like you who would be complementary and would bring out the best in you- that's love.
60. dahil makulit siya sinagot mo.
61. kung kailan may bf ka na, saka naman babalik ang X mong tibo na inantay mo.
62. hahahaha 8
63. trust your instinct
64. kahit malayo naaalala ka pa rin nya.
65. sa unang araw bantayan ang mga kamay.
66. di mo napapansin pero lagi ng nangangamusta ang X mo.
67. kapag trabaho trabaho walang kaibikaibigan.
68. ang tulong dumarating sa mga taong di mo inaasahan at sa panahong di ka nakatingin.
69. kapag ayaw ng mga kaibigan mo makinig...wag matigas ang ulo.
70. kahit X mo na basta humingi ng tulong gagawin mo ang lahat para sa kanya.
71. bakit maraming magjowang bading sa gateway?
72. kahit naman di nakastore ang number nya memorize mo pa rin.
73. masarap abutin ng 12midnight sa arcade.
74. nakakapagod pa lang magpicture ng buong org.
75. nakakatuwang magsuot ng teacher's uniform.
76. nakakaasar kung kailan ayaw mo na saka mo malalamang break na sila.
77. isang text lang...babalik ka na naman.
78. kahit na naglet go ka na...iniwan mo na nga siya eh...ikaw pa rin ang babalik ilang
segundo pagkatapos mong iwan.
79. nung una paglalaruan mo lang kaso wala nainlove ka na.
80. ayos lang may boyfriend siya may boyfriend ka...pero naglalandian kayo sa isa't isa.
81. pagkatapos ng hirap asa top 10 ka.
82. masaya yung X mo sa tagumpay mo yung bf mo parang wala lang.
83. anong pakiramdam nang makipagkita sa X pagkatapos ng 2 taon...ang totoo naexcite ako.
84. di naman kayo bakit nagsusubuan kayo?
85. nakakatuwang isiping inihatid mo sa pag-uwi ang kalandian mo pag-uwi mo sa bahay nandun
na ang bf mo.
86. pinabukas mo sa bf mo ang inbox mo kahit alam mong "mahal ko" ang pangalan ng X mo na
puro messages nya ang nakastore.
87. kahit na nilalagnat ang bf mo di pa rin siya nagsalita sa nakita nya.
88. kapag sinabi ng kapatid mong umakyat ka, umakyat ka.
89. wala na alam mong iiwan mo na ang bf mo dahil sa kanya.
90. kayo na ulit kahit na alam mong papatayin ka ng mga kaibigan mo.
91. basta kapag mahal mo, ipaglalaban mo..
92. hindi nakakatuwang sumayaw sa harap ng maraming tao.
93. masarap yung feeling na ihahatid ka nya sa umaga tas aantayin matapos ng class.
94. wala ng mas sasarap pa sa pakiramdam na katabi mong matulog ang taong mahal mo.
95. masarap magturo belive me.
96. minsan wrong timing ang supervising lalo na kung galit ka sa klase mo.
97. masaya pa rin ang birthday kahit classmates mo lang ang kasama mo.
98. haaayyy dont surprise me...baka kayo ang masorpresa na alam ko na ang sorpresa nyo.
99. sa araw na magkasama kayo saka kayo magkakasagutan ng nanay mo.
100. kaya mong isuko ang lahat para sa taong mahal mo.
101. masara ang pakiramdam kapag sa panahong lugmok ka...nandiyan ang taong mahal mo para
damayan ka.
102. bakit ganon...kahit wala naman siyang ginagawa, nasasaktan ka.
103. magreretreat ka na lang trabaho pa rin ang nasa isip mo.
104. kahit alam mong kasalanan nya, bakit parang ang lumalabas ikaw ang may sala.
105. sa retreat nasasabi ng mga tao ang lahat ng gusto nilang sabihin sa isa't isa.
106. ako sa retreat ko narealize kung gano ko siya kamahal
107. di nakakatuwang makipaghiwalay sa araw ng monthsary nyo...sa mcdo mo pa ginawa.
108. nagagawa mo ang mga imposible para sa minamahal mo.
109. hindi palaging kayo ang panalo.
110. sana niyakap ko na siya ng araw na yun...hindi mo alam baka yun na ang huli.
111. nung umaga sweet lang siya sayo...ilang oras lang di na kayo ok.
112. di na kayo magkasundo, simpleng bagay pinag-aawayan nyo.
113. panahon ba talaga ng break up ang birthmonth ko?
114. wag mong babaliktarin ang sitawayson..
115. lagi talagang madumi ang pulitika.
116. isang linggo ka ng di kinakausap...panigurado magbebreak kayo.
117. aba binati ka pa ng happy monthsary mantakin mo nga naman...ikaw naman si gaga umaasa.
118. timing na pag-iyak araw ng grad pic mo.
119. kahit na ba broken hearted ka maganda ka pa rin sa grad pic basta magpapakasaya ka lang.
120. nagpapainom ka ng walang sa panahon.
121. malandi talaga ako kapag nakainom...sorry na.
122. sa di inaasahang panahon bigla na lang babalik ang dating nanliligaw sayo.
123. muntikan ng magkabf dahil sa kalasingan buti na lang prumeno.
124. pumasok ng may hangover partida may quiz pa kami sa araw na yun.
125. isang text lang nya...ayan nanaman umasa na naman.
126. dahil sa goodmorning nagload ng isang daan.
127. ganun lang kadali di na raw kasi nya alam kung masaya pa siya...tangaina sabihin na
lang yung totoo.
128. wala na akong pakialam kung marinig pa nila pero masakita eh.
129. minsan ang nakakaunawa sayo yung kapatid mong 3 yrs old.
130. kahit anong tago mo halata pa rin kahit pa ng mga students mo.
131. paunti unti lang magiging ok ka rin pagdating ng araw.
132. ang mga kaibigan mo pa rin kahit na di mo sila sinunod nandiyan pa rin para sayo.
133. ang mga nakakamove on lang ay ang mga taong pinipiling magmove on.
134. pray it works.
135. sa divi mo narerealize ang mga bagay bagay.
136. sa panahong lumilimot ka saka ka liligawan.
137. ang nanliligaw sayo ang gigising sa ideyang pilit mong ikinukubli sa sarili mo.
138. makukulong ka talaga kung magpapakulong ka.
139. ok din palang maging kaibigan ang X ng X mo.
140. masaya maka move on lalo na kapag isang buwan ka lang inabot...nagmamature ka na nga
talaga.
141. kahit na maraming nanliligaw gugustuhin mo rin talagang mapag-isa.
142. may 3 month period pala...sa palagay ko di niya alam yun...2 linggo pa lang kaming break
its complicated na ang status nya.
143. minsan kailangan mong tanggaping makakasama mo ng 3 buwan ang x crush mo...at kayong
dalawa lang from 1-7pm
145. nakakatuwa sa off camp...maraming guwapo kaso bakla.
146. totoo ang karma.
147. masakit marinig sa taong gusto mo na hinding hindi siya magkakagusto sayo.
148. love moves in mysterious ways.
149. ang pasensya may hangganan talaga.
150. habang tumatagal mas lalo mo siyang nakikilala
151. dahil sa off camp dumating ang panahong di ko na alam ang itsura ng tv
152. masarap nagkacrush...syet namiss ko yun sa mahabang panahon.
153. cute talaga siya sorry na.
154. hinay lang baka kindatan ka ng student mo.
155. may mga klase talaga na ang weird pero kinakabahan ka.
156. hindi mo man lang naisip kabarkada mo na ang isa sa mga rumarampa.
157. poster please!
158. sweet sila...sorry pero cant help but to compare.
159. ngayon ko na lang uli naramdamang mafrustrate at the same time maging masaya.
160. mas karapatdapat mahalin ang mga taong hindi dinedeserve mahalin.
161. tiyaga lang yan.
162. ang importante nag-eenjoy ka.
163. kapag pagod kang tunay kahit anong alarm di ka nagigising.
164. kapag nakita mo na siya...ang saya..ano pa kaya kapag kinamusta ka na niya.
165. likod lang niya at boses di ka na nakatulog
166. minsan sa mga taong di mo inaasahan, sila pa ang magpapasaya sayo.
167. masarap makipag -away kahit na alam mong may memo ka pagkatapos.
168. diner dash= memo
169. masarap mamili, lalo na kung para sayo...heheh shopping
170. maturity comes with responsibilty.
171. di ako ang taong dapat nyong ginagalit.
172. kaya kong manlaglag ng di mo inaasahan.
173. nagkabf ako ng dahil sa biruan
174. bakit ang mga tao ang bilis maniwala sa chismis
175. di ko ugaling makipagplastikan pasensya ka...
176. Lord...I miss my friends... hope you know what i mean

marami pa lang nangyari sa akin ngayong 2007....at ngayong 2008 ano naman kaya ang
madadatnan ko...hmmmm excited na ako...

sa lahat ng mga naging bahagi ng 2007 ko...salamat sa lahat ng pagmamahal at ngiti, sa mga
nasaktan ko...sorry di na yun mauulit...sa mga nakasakit sa akin.,..BELAT!!!hehehe
mahal na mahal ko kayo...see yah at 2008...GRADUATION NA!!

Tuesday, December 04, 2007

dec 3

ewan ko ba... pero tuwing pumapatak ang araw na ito laging dragging para sa akin.parang ayoko lang kumilos gusto ko lang huminto at bumalik sa nakaraan.sa nakaraang hindi ko na mababalikan.
two things happened in the same date. first one is this is the day when pau first broke up with me...3yrs ago and the day when i gave back the bracelet that andria gave to me as a birthday gift 8 yrs ago. everything is too painful for me to remember, but as I walked home a while ago, I realized that these painful experiences made me the kind of person I am today.
I always believe that it is not the event that must be remembered but the lessons that was taught by the journey. With them, I learned that people must not be taken for granted. That pride will leave you nowhere. That when someone means a lot to you, dont push them away for being afraid that one day you will wake up without them by your side. I know that I cant bring the hands of time back to these events, but I know for sure that in my hands I can have a new start, a new clock to begin with. I may regret what had happened in the past, but as for now all I can do is to forgive myself and to take the journey again with a new disposition in life.